Ilog Rin

(Idinirekta mula sa Rin)

Ang Rin o Ilog Rin (Ingles: Rhine; Kastila: Rin; Aleman: Rhein; Olandes: Rijn; Pranses: Rhin; Romansh: Rain; Italyano: Reno; Latin: Rhenus) ay isang ilog na dumadaloy mula sa Grisones sa mga kanluraning Alpeng Suwisa patungo sa baybay ng Hilagang Dagat sa Olanda, at ito ay isa sa mga pinakamahahaba at mahahalagang ilog sa Europa, humigit-kumulang na 1,233 kilometro.

Ang Ilog Rin ay isa sa mga pinakamahahalagang ilog sa Europa. Dumadaloy ito sa Alemanya, Italya, Austria, Liechtenstein, Suwisa, Pransiya at Olanda. Ang lambak nito ay nasa Luksemburgo at Belhika.

Ang Rin at ang Danubio ay nagsilbing pinaka-hilagang hangganan ng Imperyong Romano, at simula noon, ang Rin ay isang mahalaga at laging ginagamit na ilog upang dalhin ang kung anu-anong kalakal patungo sa kaloob-looban ng lupain. Nagsilbi rin itong katangiang pandepensa at naging basehan ng mga hangganang nagbubukod sa mga rehiyon at mga bansa. Ang mga iba't ibang kastilyo at muog sa mga pampang nito ay nagpapatunay sa kahalagahan nito bilang isang daang-tubig.

Pakitignan din ang Renania. Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1
see 1