Unang Pahina

Napiling artikulo

Isang mapa ng elebasyon ng Karagatang Pasipiko na pinapakita ang lalim ng karagatan na kinulayan ng bughaw.
Isang mapa ng elebasyon ng Karagatang Pasipiko na pinapakita ang lalim ng karagatan na kinulayan ng bughaw.

Ang Karagatang Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang dagat, na iginawad ng manggagalugad na Portuges na si Fernando Magallanes sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaki at pinamalalim sa limang hatian ng karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 165.25 milyon km² (63.8 milyon milya kwadrado). Umaabot ito ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, nakalatag ito sa mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinakamababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko na nasa 10,928 metro (35,853 tal) mababa sa pantay dagat. Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng mga 25,000 pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo; silipin: Mga Isla ng Pasipiko). Marami rito ay matatagpuan sa timog ng ekwador. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang Dagat Selebes, Dagat Korales, Dagat Timog Tsina, Dagat Silangang Tsina, Dagat Hapon, Dagat Luzon, Dagat Sulu, Dagat Tasman at Dagat Dilaw. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang Karagatang Indiyo sa kanluran at ang Kipot ng Magallanes ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Atlantiko sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Artiko. Ang manunuklas na Portuges na si Ferdinand Magellan ang nagpangalan sa karagatan dahil sa napansin niyang kalmadong tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula Kipot ni Magallanes hanggang Pilipinas. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming bagyo at unos (o hurricane) ang tumatama sa mga pulo nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga bulkan at kadalasang niyayanig ng lindol. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang tsunami na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito. Ang tsunami (daluyong), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Sa araw na ito (Disyembre 25)

Hirohito
Hirohito

Disyembre 25: Pasko (Kalendaryong Gregoryano); Araw ng Quaid-e-Azam (Pakistan)

Mga huling araw: Disyembre 24Disyembre 23Disyembre 22

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
48,045
artikulo
130
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

Wika
  NODES
Chat 1
Done 2
News 1
orte 1
see 2