Si Ace Vergel (20 Nobyembre 1952[1] - 15 Disyembre 2007) ay isang dating artistang Pilipino. Siya ay anak ng nasirang mga artistang sina Alicia Vergel at Cesar Ramirez. Una siyang gumanap bilang isang batang-artista noong 1959 sa pelikulang Anak ng Bulkan na pinangunahan nina Edna Luna at Fernando Poe, Jr.

Ace Vergel
Ace Vergel, sa pelikulang 'Seth Corteza', 1996
Kapanganakan
Ace York Aguilar Vergel

20 Nobyembre 1952(1952-11-20)
Kamatayan15 Disyembre 2007(2007-12-15) (edad 55)
NasyonalidadFilipino
Ibang pangalanAlas, The Original Bad Boy of Philippine Movies
TrabahoAktor
Aktibong taon1959–2003
AsawaMaya Dela Cuesta
AnakAlejandro King Aguilar
MagulangAlicia Vergel at Cesar Ramirez
ParangalGawad Urian Best Actor 1989 Anak ng Cabron

Personal na buhay

baguhin

Karera sa pelikula

baguhin

Unang gumanap bilang aktor noong 1959, sa edad na 5-taong gulang si Ace Vergel sa pelikulang Anak ng Bulkan, kasama sina Fernando Poe Jr. and Edna Luna.

Noong 1989, siya ay nagwagi bilang pinakamahusay na aktor sa Gawad Urian at Movie Actor of the Year sa PMPC Star Awards for Movies dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Anak ng Cabron.

Mga kontrobersiya

baguhin

Noong Agosto ng 2007, dinakip ng mga pulis at ginawaran ng warrant of arrest si Ace sa Lungsod ng Kalookan dahil sa isinampa sa kanya na kasong panggagahasa. Subalit makaraan nito, siya ay pinalaya nang mapag-alaman ng mga pulis na ang naturang warrant of arrest ay wala na palang bisà. Napaulat din ang kanyang kinalaman sa mga ipinagbabawal na gamot, subalit ang mga kaso sa kanya ay napawalang-bisà.[2]

Kamatayan

baguhin

Sumakabilang-buhay si Ace Vergel sanhi ng atake sa puso, noong 15 Disyembre 2007 sa edad na 55 taong-gulang, isang araw makaraan ang ikatlong taon ng kamatayan ng kanyang kaibigan at kapwa-aktor na si Fernando Poe Jr.

Mga pelikula

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://www.philstar.com/entertainment/2007/12/16/33585/ace-vergel-dies-heart-attack-55
  2. "Actor Ace Vergel dies of cardiac arrest at age 55". GmaNews.tv. 2007-12-15. Nakuha noong 2007-12-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES