Si Adan[1] (Ingles: Adam, Hebreo: אָדָם)[2][3][4]) ay, ayon sa literal na pagkakaunawa sa Aklat ng Henesis,[5][6] ang unang tao[7] at unang lalaking nilalang ng Diyos at naitala sa mga sumunod na mga komentaryong Hudyo, Kristiyano at Islamiko.[8] Si Eba—ang pangalawang tao at unang babae—ang kaniyang asawa. Sinuway ni Adan ang kalooban ng Diyos, na naging dahilan ng pagkakaroon ng kasalanan at kamatayan sa mundo.[7] Siya ay may tatlong anak na si Cain, Abel at si Seth noong siya ay 130 na taong gulang na.[9]

Ang Ang Paglalang kay Adan ni Michelangelo, isang fresco na nasa kisame ng Kapilang Sistine. Nasa kaliwa si Adan, samantalang nasa kanan ang Diyos na Maykapal.

Kahulugan ng pangalan

baguhin

Nangangahulugang sangkatauhan ang pangalang Adan, na kaugnay ng mga salitang Ebreong adam na katumbas ng "tao" at ng adamah o "lupa."[1]

Edad ni Adan

baguhin

Ayon sa paglalahad sa Aklat ng Henesis, nabuhay hanggang sa edad na 930 si Adan. Sa kabuoan ng Henesis, binabanggit na nabuhay ang mga tao sa mga pambihira at labis na mahahabang kapanahunan, mga dadaaning mga taon. Ipinapaliwanag sa 500 Questions & Answers from the Bible (o "Limandaang mga Katanungang at Kasagutan mula sa Bibliya"), na pinatnugutan ni Mark Fackler, na marahil ay pinahaba at dinugtungan ng Diyos ang mga unang buhay na ito para sa ilang mga kadahilanan sapagkat kakaunti lamang ang bilang ng tao sa mundo noong mga kapanahunang iyon at mas malaki ang pangangailangan sa pagkakaroon at pagpapalaki ng mga supling. Gayon din, sinasabi pa ring hindi pa "matatag" ang mga pagkakaroon ng mga digmaan, tag-gutom, karamdaman, at mga krimen noon; hindi katulad sa kasalukuyan. Isa pang nabanggit na paliwanag na maaaring mga sagisag, sa halip na literal, ang kahulugan ng mga bilang ng edad na nasa Aklat ng Henesis. Kalimitang malaya sa pagbubuo, pagbibilog, o pagkukumpleto ng mga bilang mga manunulat ng mga aklat ng Bibliya, subalit hindi ibig sabihin nitong hindi tumpak ang mga ito, ngunit iba lamang ang gawi nila sa paggamit ng mga bilang noon kesa ngayon.[10]

Kaugnayan kay Hesus

baguhin

May paghahambing sa pagitan ni Adan at kay Hesus. Itinutulad si Hesus kay Adan sapagkat si Hesus ang nagsisilbing bagong simula para sa mga tao. Sinasabing si Hesus ang nagdala ng bagong buhay sa mga taong naniniwala kay Hesus.[7]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Adan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Adam." Brown Driver Briggs, Hebrew and English Lexicon, ISBN 1-56563-206-0, p. 9.
  3. Ibid. 1. a man (isang tao) 2. man, mankind (tao, sangkatauhan).
  4. Ibid. Mula sa parehong salitang-ugat na adm (אדם), adamah, lupa o lupain.
  5. Gerald Schroeder Genesis and the Big Bang, pahina 150
  6. Rabbi Aryeh Kaplan, Immortality, Resurrection and the Age of the Universe, pahina 21
  7. 7.0 7.1 7.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Adam, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Adam and Eve." Encyclopædia Britannica.
  9. "Genesis 5:3 NIV - When Adam had lived 130 years, he had a - Bible Gateway". www-biblegateway-com.cdn.ampproject.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-22. Nakuha noong 2022-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. ""Adam." Genesis 5, Why did people in the Bible live so long?". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
INTERN 2
Project 1