Si Alfonso Carvajal ay isang artistang Filipino. Isinilang noong 1912, siya ang nakababatang kapatid ni Monang Carvajal.

Alfonso Carvajal
Kapanganakan1912
NasyonalidadFilipino
Ibang pangalanAlfonzo Carvajal
Trabahoactor
Kamag-anakMonang Carvajal

Karamihan sa kanyang ginagampanan ay papel ng isang kontrabida. Siya ay nakakontrata sa LVN Pictures at nakagawa ng mga pelikula halos dalawang dekada. Minsan rin siyang ginawang bida ng LVN.

Una siyang lumabas sa dramang Mapait na Lihim at Kataksilan ng Parlatone Hispano-Filipino na mga pelikula bago sumiklab ang Ikawalang Digmaang Pandaigdig.

Taong 1947 nang lumipat siya sa LVN Pictures at maging permanenteng aktor ng nasabing kompanya at gawin ang pelikulang Miss Philippines kasama si Norma Blancaflor.

Sa panahon niya sa LVN mula 1947 hanggang 1961, nakagawa lamang siya ng isang pelikula sa labas ng bakuran ng LVN, ang pelikulang Tatlong Puso ng Sampaguita Pictures kasama ni Tita Duran.

Siya ay lolo sa tuhod ng artistang ni Alma Concepcion.

Pelikula

baguhin

Panlabas na kawil

baguhin

Alfonso Carvajal sa IMDb

  NODES