Arpia
Sa mitolohiyang Griyego, ang mga Arpia o Harpia, binabaybay ding Arpya, Arpiya, Harpya, o Harpiya (mula sa Latin: Harpȳia; Kastila: Arpía o Harpía; sinaunang Griyego: Άρπυια, Harpyia o Harpūia, "mandurukot" o "manununggab"; Ingles: Harpy [isahan], Harpies [maramihan]), ay dayukdok o masisibang mga halimaw o mga nilalang na may ulo at katawan ng babae, at buntot, pakpak at kuko ng ibon.[1][2] Tinatangay ng mga Arpya ang mga kaluluwa ng mga patay at sinisira nila ang mga pagkain ng mga nabubuhay pa. Sila ang mga personipikasyon o katauhan ng mga hangin ng bagyo.[2]
Kabilang dito sina:[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Harpy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Harpies". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H, pahina 322.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.