Babaeng Nakaputi

(Idinirekta mula sa Babaeng nakaputi)

Ang isang Babaeng Nakaputi (sa Ingles: White Lady) ay isang multong babae na nakadamit ng puti na sinasabing nakikita sa mga rural na lugar at may nakakabit dito na ilang mga lokal na alamat ng trahedya o kapahamakan. Bagaman ang mga alamat ng Babaeng Nakaputi ay matatagpuan sa maraming mga bansa sa buong mundo, pinakabantog sila sa mga lugar sa Gran Britanya, Irlanda, at Estados Unidos. Karaniwan sa mga alamat dito ay ang tema ng pagkawala o pagtaksil ng asawa, kasintahan o nobyo.

Isang paglalarawan ng isang Babaeng Nakaputi nina John Dee (1527–1608) at Edward Kelley.

Sa Pilipinas

baguhin

Sikat ang mga kuwentong may kaugnayan sa Babaeng Nakaputi sa Pilipinas. Ginagamit kadalasan ang Babaeng Nakaputi para maghatid ng takot at hiwaga sa mga bata kapag kinukuwentuhan. Sinasabing may mga nakikitang Babaeng Nakaputi sa iba't ibang bahagi ng bansa. Isa sa mga pinakabantog ang Babaeng Nakaputi sa Kalye Balete sa Lungsod Quezon. Sinasabing ang multo ay babaeng may mahabang buhok na nakaputing damit na sang-ayon sa alamat ay namatay sa pamamagitan ng isang aksidente habang ang babae ay nagmamaneho ng isang sasakyan at nabunggo siya sa nasabing kalye. Ngunit sang-ayon sa isang sanggunian, inimbento lamang ang alamat ng isang mamamahayag noong dekada 1950 at maaring pinagtagni-tagni lamang ang istorya ng ibang pang mga istorya na nagmula sa lugar na iyon.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ellayn De Vera & Charrissa M. Luci, "Balete Drive:White Lady, Haunted houses and other myths" (Sa Ingles)
  NODES