Ang babaylan ay isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan. Sa tradisyon ng mga Pilipino, isang taong may kakayahang gumamot ng kaluluwa at katawan ang mga babaylan; isang babaeng nagsisilbi sa pamayanan sa pamamagitan ng pagiging isang tagahilom ng mga mamamayan, tagapagtanggol ng karunungan at bilang pilosopo; isang babaeng nagbibigay ng katatagan sa istrukturang panlipunan ng komunidad; isang babaeng maaaring pumasok sa mundo ng mga espiritu o iba pang katayuan ng diwa at paglabas-masok ng walang sagabal sa mga mundong ito; isang babaeng may malawak na kaalaman sa pagpapagaling mga sakit.[1] Bilang karagdagan, isang taong namamagitan sa pamayanan at mga indibidwal ang babaylan at isa rin sa mga mismong nagsisilbi. Nararapat na tandaan sa bawat pag-aaral hinggil sa mga babaylan ang pagpipigil ng mga taga-Europa at Amerikanong sa mga gawa at gawi ng mga manggagamot na ito noong kapanahunan ng kolonyalismo sa Pilipinas.

Bago, habang at matapos ang himagsikang Pilipino ng 1896-1898, katulong sa paglaban sa mga Kastila ang mga babaylan ng Dios Buhawi at Papa Isio ng Negros Occidental. Kabilang sa kanilang mga pangunahing adhikain ay ang pagkakaroon ng kalayaan sa relihiyon at pagbabago sa mga patakaran sa pagmamay-ari ng lupang-sakahan (agrarian reform); biktima ng pagkamkam ng mga Kastila, kabilang ang mga paring dayuhan, sa kanilang mga lupain ang karamihan sa mga tagasunod ng mga tradisyon ng babaylan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Leny Strobel

Mga kawing na panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES