Bangladesh
Ang Bangladesh,[a] opisyal na Republikang Bayan ng Bangladesh,[b] ay isang bansa sa Timog Asya. Ito ang ikawalong pinakamataong bansa sa mundo at kabilang sa mga bansang may pinakamakapal na populasyon na may populasyon na halos 170 milyon sa sukat na 148,460 km2 (57,320 mi kuw). Matatagpuan ang Bangladesh sa mga hangganan sa Indya sa hilaga, kanluran, at silangan, at Myanmar sa timog-silangan. Sa timog, mayroon itong baybayin sa kahabaan ng Look ng Bengal. Makitid na hinihiwalay ito sa Bhutan at Nepal ng Koridor ng Siliguri, at mula sa Tsina ng bulubunduking estado ng Sikkim ng Indya sa hilaga. Ang Dhaka, ang kabisera at pinakamalaking lungsod, ay ang sentrong pampulitika, pananalapi, at kultura ng bansa. Ang Chittagong ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod at ang pinaka-abalang daungan sa Look ng Bengal. Bengali ang opisyal na wika ng Bangladesh habang ginagamit din ang Ingles na Bangladeshi sa gobyerno at mga opisyal na dokumento kasama ng Bengali.
Republikang Bayan ng Bangladesh | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Dhaka 23°45′50″N 90°23′20″E / 23.76389°N 90.38889°E |
Opisyal na wika at pambansang wika | Bengali[1][2] |
Kinikilalang wikang banyaga | Ingles[3] |
Pangkat-etniko (Senso ng 2022)[4] | 99% Mga Bengali
1% Iba pa
|
Relihiyon |
|
Katawagan | Bangladeshi |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlyamentaryo sa ilalim ng pamahalaang pansamantala |
• Pangulo | Mohammed Shahabuddin |
• Punong Tagapayo | Muhammad Yunus |
• Punong Mahistrado | Syed Refaat Ahmed |
Lehislatura | Jatiya Sangsad |
Kalayaan mula sa Pakistan | |
• Deklarasyon at digmaang pagpapalaya | 26 Marso 1971 |
• Pamahalaang Pansamantala | 10 ABril 1971 |
• Tagumpay | 16 Disyembre 1971 |
• Kasalukuyang konstitusyon | 16 Disyembre 1972 |
Lawak | |
• Kabuuan | 148,460[8] km2 (57,320 mi kuw) (92nd) |
• Katubigan (%) | 6.4 |
• Lawak ng lupa | 130,170 km2[8] |
• Lawak ng tubig | 18,290 km2[8] |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 169,828,911[9][10] (ika-8) |
• Densidad | 1,165/km2 (3,017.3/mi kuw) (ika-12) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $1.620 trillion[11] (ika-25) |
• Bawat kapita | $9,410[12] (ika-126) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $455.166 billion[13] (ika-34) |
• Bawat kapita | $2,650[14] (ika-137) |
Gini (2022) | 49.9[15] mataas |
TKP (2022) | 0.670[16] katamtaman · ika-129 |
Salapi | Taka (৳) (BDT) |
Sona ng oras | UTC+6 (BST) |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +880 |
Kodigo sa ISO 3166 | BD |
Internet TLD | .bd .বাংলা |
Binubuo ng Bangladesh ang soberanong bahagi ng makasaysayang at etnolingguwistikong rehiyon ng Bengal, na hinati sa panahon ng Paghahati ng Indiyang Britaniko noong 1947 bilang silangang engklabo ng Dominyo ng Pakistan, kung saan nahiwalay ito sa isang madugong digmaang pagsasarili noong 1971.[17] Ang bansa ay may mayoryang na Bengali. Kilala ang sinaunang Bengal bilang Gangaridai at isang balwarte ng mga kaharian bago ang Islam. Naipahayag ng mga pananakop ng Muslim pagkatapos ng 1204 ang panahon ng sultanato at Mughal, kung saan binago ng isang independiyenteng Sultanato ng Bengal at isang mayamang Bengal na Mughal ang rehiyon bilang isang mahalagang sentro ng mga usaping pangrehiyon, kalakalan, at diplomasya. Pagkatapos ng Labanan sa Plassey noong 1757, umabot ang pinakamataas na lawak ng Bengal na Britaniko mula sa Pasong Khyber sa kanluran hanggang sa Singapore sa silangan.[18][19] Nagtakda ang paglikha ng Silanganing Bengal at Assam noong 1905 ng isang pamarisan para sa paglitaw ng Bangladesh. Itinatag ang Liga ng Lahat na Muslim sa Indya sa Dhaka noong 1906.[20] Noong 1940, ang unang Punong Ministro ng Bengal, si AK Fazlul Huq, ay sumuporta sa Resolusyon Lahore. Bago ang pagkahati ng Bengal, isang estadong soberanya ng Bengali ang unang iminungkahi ni premiyer HS Suhrawardy. Isang reperendum at ang anunsyo ng Linyang Radcliffe ang nagtatag ng kasalukuyang hangganan ng teritoryo.
Noong 1947, naging pinakamataong lalawigan ang Silangang Bengal sa Dominyo ng Pakistan. Pinalitan ang pangalan nito sa Silangang Pakistan, at naging kabiserang pambatas ng bansa ang Dhaka. Nagresulta ng pag-angat ng nasyonalismong Bengal at mga kilusang panig sa demokrasya ang Kilusang Wikang Bengali noong 1952; ang halalang pambatasan sa Silangang Bengali, 1954; ang kudeta sa Pakistan ng 1958; ang anim na puntong kilusan ng 1966; at ang halalang pangkalahatan sa Pakistan ng 1970. Humantong ang pagtanggi ng huntang militar na Pakistani na ilipat ang kapangyarihan sa Ligang Awami, sa pamumuno ni Sheikh Mujibur Rahman, ng Digmaang Pagpapalaya ng Bangladesh noong 1971. Naglunsad si Mukti Bahini, na tinulungan ng Indya, ng isang matagumpay na armadong rebolusyon. Nakita ng salungatan ang henosidyo ng mga Bangladeshi at ang masaker ng maka-kalayaan na mga sibilyang Bengali, na pangunahing nagta-_target sa mga intelektuwal. Naging unang sekular na estado na nakalagay sa konstitusyon sa Timog Asya ang bagong estado ng Bangladesh noong 1972.[21] Noong 1988, idineklera ang Islam na relihiyon ng estado.[22][23][24] Noong 2010, muling pinagtibay ng Korte Suprema ng Bangladesh ang mga sekular na prinsipyo sa konstitusyon.[25] Opisyal na idineklara ito ng Konstitusyon ng Bangladesh bilang isang sosyalistang estado.
Isang gitnang kapangyarihan sa Indo-Pasipiko,[26] nasa Bangladesh ang ikalimang pinakasinasalitang katutubong wika sa mundo, ang pangatlo sa pinakamalaking populasyon ng Muslim na karamihan sa mundo, at ang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa Timog Asya. Pinapanatili nito ang pangatlo sa pinakamalaking militar sa rehiyon at ang pinakamalaking tagapag-ambag ng mga tauhan sa mga operasyong pangkapayapaan ng Mga Nagkakaisang Bansa.[27] Ang Bangladesh ay isang unitaryong republikang parlyamentaryo batay sa sistemang Westminster. Binubuo ang mga Bengali ng halos 99% ng kabuuang populasyon.[28] Binubuo ang bansa ng walong dibisyon, 64 na distrito at 495 na mga subdistrito, pati na rin ang pinakamalaking taniman ng bakawan sa buong mundo. Nasa Bangladesh din ang pinakamalaking populasyon ng takas (o refugee) sa mundo dahil sa henosidyo ng Rohingya.[29] Ang Bangladesh ay nahaharap sa maraming hamon, partikular na ang katiwalian, kawalang-tatag sa politika, sobrang populasyon at mga epekto ng pagbabago ng klima. Naging pinuno ang Bangladesh sa loob ng Climate Vulnerable Forum (o Pagtitipon sa Maaring Mapektuhan ng Klima). Narito sa bansang ito ang punong-tanggapan ng Bay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation (BIMSTEC, Inisyatibong Look ng Bengal para sa Multi-Sektoral na Teknikal at Kooperasyong Ekonomiko). Ang bansa ay isang kasaping tagapagtatag ng South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC, Timog Asyanong Asosasyon para sa Koopersyong Pang-rehiyon), gayundin bilang miyembro ng Organisasyon ng Kooperasyong Islamiko at Komonwelt ng mga Bansa.
Mga pananda
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "The Constitution of the People's Republic of Bangladesh". Ministry of Law, Justice and Parliamentary Affairs (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Nobyembre 2019. Nakuha noong 1 Pebrero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ বাংলা ভাষা প্রচলন আইন, ১৯৮৭ [Batas ng Implementasyon ng Wikang Bengali, 1987]. bdlaws.minlaw.gov.bd (sa wikang Bengali). Ministry of Law, Justice and Parliamentary Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2024. Nakuha noong 7 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Historical Evolution of English in Bangladesh (PDF) (sa wikang Ingles). Mohammad Nurul Islam. 1 Marso 2019. pp. 9–. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 5 Pebrero 2024. Nakuha noong 10 Nobyembre 2023.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ethnic population in 2022 census" (PDF) (sa wikang Ingles).
- ↑ "Census data confirm decline of Bangladesh's religious minorities". www.asianews.it (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-02-07. Nakuha noong 7 Pebrero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ang Konstitusyon ng Republikang Bayan ng Bangladesh ( BATAS BLG. NG 1972 ). (n.d.). Sa Bangladesh. Hinango noong 13 Hunyo 2023, mula sa http://bdlaws.minlaw.gov.bd/act-367/section-24549.html Naka-arkibo 2021-01-17 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ "Population of minority religions decrease further in Bangladesh". The Business Standard (sa wikang Ingles). 27 Hulyo 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-05. Nakuha noong 6 Pebrero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 "Bangladesh". The World Factbook (sa wikang Ingles) (ika-2024 (na) edisyon). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 13 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (Nakaarkibong 2021 edisyon) - ↑ "Population and Housing Census 2022: Post Enumeration Check (PEC) Adjusted Population" (PDF). Bangladesh Bureau of Statistics (sa wikang Ingles). 18 Abril 2023. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2023-05-30. Nakuha noong 30 Mayo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Report: 68% Bangladeshis live in villages". Dhaka Tribune (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-02-06. Nakuha noong 6 Pebrero 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Download World Economic Outlook database: Abril 2023". International Monetary Fund - IMF (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-04. Nakuha noong 4 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Download World Economic Outlook database: Abril 2023". International Monetary Fund - IMF (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-04. Nakuha noong 4 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Download World Economic Outlook database: April 2023". International Monetary Fund - IMF (sa wikang Ingles). IMF. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-04. Nakuha noong 4 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Download World Economic Outlook database: April 2023" (sa wikang Ingles). IMF. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-04. Nakuha noong 4 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "KEY FINDINGS HIES 2022" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Bangladesh Bureau of Statistics. p. 15. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2023-05-30. Nakuha noong 13 Abril 2023.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nations, United (13 Marso 2024). "Human Development Report 2023-24" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-03-18. Nakuha noong 18 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng hdr.undp.org.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frank E. Eyetsemitan; James T. Gire (2003). Aging and Adult Development in the Developing World: Applying Western Theories and Concepts (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 91. ISBN 978-0-89789-925-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Commonwealth and Dhaka". 15 Setyembre 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Oktubre 2023. Nakuha noong 20 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llewellyn-Jones, Rosie (8 Pebrero 2023). Empire Building: The Construction of British India, 1690–1860. Hurst Publishers. ISBN 9781805260264. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Agosto 2023. Nakuha noong 28 Hulyo 2023.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Muslim League - Banglapedia" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Marso 2024. Nakuha noong 20 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lailufar Yasmin. "Struggle for the Soul of Bangladesh" (sa wikang Ingles). Institute for Global Change. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2022. Nakuha noong 10 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bangladesh profile – Timeline" (sa wikang Ingles). BBC News. 26 Pebrero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-12. Nakuha noong 10 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alam, Shah (1991). "The State-Religion Amendment to the Constitution of Bangladesh: A Critique". Verfassung und Recht in Übersee / Law and Politics in Africa, Asia and Latin America (sa wikang em). 24 (2): 209–225. JSTOR 43110030. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Enero 2022. Nakuha noong 10 Enero 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link) - ↑ "Writ challenging Islam as state religion rejected". The Daily Star (sa wikang Ingles). 28 Marso 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2022. Nakuha noong 10 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bangladesh" (PDF). U.S. State Department (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong 7 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A rising Bangladesh starts to exert its regional power". The Interpreter (sa wikang Ingles). Lowyinstitute.org. 21 Pebrero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2022. Nakuha noong 10 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Contribution of Uniformed Personnel to UN by Country and Personnel Type" (PDF). United Nations (sa wikang Ingles). 4 Abril 2023. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2023-05-12. Nakuha noong 12 Mayo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roy, Pinaki; Deshwara, Mintu (9 Agosto 2022). "Ethnic population in 2022 census: Real picture not reflected". The Daily Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2022. Nakuha noong 11 Agosto 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mahmud, Faisal. "Four years on, Rohingya stuck in Bangladesh camps yearn for home". Al Jazeera (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2022. Nakuha noong 10 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)