Bathala
Si Bathala[1] ang makapangyarihang diyos sa mitolohiya ng mga lumang Tagalog. Siya ang pinakamakapangyarihang diyos at kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal (maylikha). Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tagalog na siya ang hari ng mga diwata at punong diyos o pinaka-ama ng lahat ng mga mas mababang diyos katulad nina Maria Makiling, Minukawa, Kabunian at iba pang mga anito. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila: pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong ngayon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino ngayon.
Etimolohiya
baguhinAyon sa mga dalubhasa, nanggaling ang salitang "bathala" sa salitang Sanskrito भट्टार [bhaṭṭāra] na nangunguhulugang "sinasamba."
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Bathala, Diyos". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan din
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.