Benito Mussolini
Si Benito Amilcare Andrea Mussolini, GCB KSMOM GCTE (29 Hulyo 1883, Predappio, Forlì, Italya – 28 Abril 1945, Giulino di Mezzegra, Italya) ay Italyanong politiko na pinamunuan ang Pambansang Pasismong Partido at binibigyan kredito sa pagiging isa sa mga susing mga tauhan sa pagkalikha ng Pasismo. Siya ang pinunong Pasista (Fascist) ng Italya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Naging Punong Ministro siya ng Italya noong 1922 at may titulong Il Duce noong 1925. Noong 1936, ang opisyal na titulo niya ay "Ang Kanyang Kabunyian Benito Mussolini, Pinuno ng Pamahalaa, Duce ng Pasismo, at Nagtatag ng Imperyo" ("His Excellency Benito Mussolini, Head of Government, Duce of Fascism, and Founder of the Empire").[2] Nilikha din Mussolini ang ranggo sa militar na Unang Mariskal ng Imperyo sa tabi ng Haring Victor Emmanuel III ng Italya, na nagbigay sa kanya at ng Hari ng kataas-taasang pamamahala ng militar ng Italya. Nanatili si Mussolini sa kapangyarihan hanggang pinalitan siya noong 1943; sa maikling panahon pagkatapos nito hanggang kamatayan niya, naging pinuno siya ng Italyanong Republikang Panlipunan.
Benito Mussolini | |
---|---|
Ika-40 Punong Ministro ng Italya | |
Nasa puwesto 31 Oktubre 1922 – 25 Hulyo 1943 | |
Monarko | Victor Emmanuel III |
Nakaraang sinundan | Luigi Facta |
Sinundan ni | Pietro Badoglio (Pansamantalang Pamahalaang Militar) |
Unang Mariskal ng Imperyo | |
Nasa puwesto 30 Marso 1938 – 25 Hulyo 1943 | |
Sinundan ni | Pietro Badoglio |
Duce ng Italyanong Republikang Panlipunan (Duce of the Italian Social Republic) | |
Nasa puwesto 23 Setyembre 1943 – 26 Abril 1945 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 29 Hulyo 1883 Predappio, Forlì, Italya |
Yumao | 28 Abril 1945 Giulino di Mezzegra, Italya | (edad 61)
Kabansaan | Italyano |
Partidong pampolitika | Republikanong Pasistang Partido (Republican Fascist Party) (1943–1945) Pambansang Pasistang Partido (National Fascist Party) (1921–1943) Italyanong Sosyalistang Partido (Italian Socialist Party) (1901–1914) |
Taas | 5' 6½" (1.69 m) |
Asawa | Rachele Mussolini |
Propesyon | politiko, mamamahayag |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R114.
- ↑ Image Description: Karatula pang-propaganda poster ni Benito Mussolini, kasama ang titulong "His Excellency Benito Mussolini, Head of Government, Leader of Fascism, and Founder of the Empire...".