Bilang ng Halimaw
Ang Bilang ng Halimaw ay isang konsepto na hango sa Aklat ng Apocalipsis sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ang bilang ng halimaw sa mga modernong salin ng Bibliya ay 666 bagaman ang mga bilang na 616 at 665 ay makikita rin sa mga makalumang manuskripto ng Bagong Tipan. Ang bilang na ito ay binibigyan ng iba't ibang pakahulugan ng mga teologo, eskolar ng Bibliya at mga iba't ibang sekta.
Bilang ng Halimaw
baguhinAng bilang ng halimaw ay inilalarawan sa Apocalipsis 13:18. Ang orihinal na Griyego ay nakasulat nang ganito:
ωδε η σοφίι εστίν ο εχων τον νουν ψηφισάτω τον αριθμον του θηριου αριθμος γαρ ανθρώπου εστίν και ο αριθμος αυτου Χξς
Sa Saling King James ay ganito ang pagkakasalin:
Dito’y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.
Sa mga manuskrito ng Griyero, ang bilang ay nakasulat sa anyong numerikal sa Griyego na "“χξϛ”.
Ang 616 ay ang bilang na mababasa sa pinakamatandang manuskrito ng Aklat ng Apokalipsis na tinatawag na Papyrus 115. Ito'y kasama sa tinatawag na Oxyrhynchus Papyri na nadiskubre ng mga arkeologo sa Oxyrhynchus, Ehipto noong 1896. Ang Papyrus 115 ay nabasa lamang ng mga eskolar sa Unibersidad ng Oxford dahil sa makabagong imaging techniques noong Mayo 2005. Marami ang naniniwala na ang 616 ang orihinal na bilang ng halimaw.
Ang bilang na 665 naman ay mababasa sa ika-labing isang siglong manuskripto na tinatawag na codex 2344.
Interpretasyon
baguhinAng mga Kristiyano at Hudyo noong unang siglo ay kilala sa paggamit ng numerolohiya, mga kodigo (codes), at mga simbolo sa ilalim ng Imperyo Romano upang makaiwas sa persekusyon. Pinaniwalaan ng mga eskolar ng bibliya na ang bilang ng halimaw ay mauunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng gematria o ang pagbibilang ng mga letra ng pangalan na sa Hebreo at Griyego ay may katumbas na bilang.
Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinaniniwalaang Anti-Kristo dahil sa ang kanilang pangalan ay may katumbas na 666 o 616.
Emperador Nero
baguhinSa Hebreo, ang "Nero Caesar" na titulo ni Emperador Nero ay nakabaybay na “נרון קסר”. Pag binilang ang mga letra ng pangalan ni Nero sa Hebreo, ito ay may katumbas na 666. Siya ang pinaniniwalaang halimaw ng marami dahil sa kanyang matinding pag-uusig sa mga Kristiyano noong unang siglo.
Ang pangalan naman ni Nero sa saling Latin ay mabibilang na 616, ang sinasabing orihinal na bilang ng Halimaw.
Imperyo Romano
baguhinAyon sa (17:9-11), "Dito ay kailangan ang isang kaisipan na may karunungan: Ang pitong ulo ay kumakatawan sa pitong mga bundok na kinauupuan ng babae. 10 May pitong mga hari roon. Lima sa kanila ang bumagsak. Ang isa ay sa ngayon. Ang isa ay hindi pa dumating. At kapag siya ay dumating, siya ay kailangang mananatili sa sandaling panahon. 11 Ang mabangis na hayop na siya ang sa nakaraan at hindi ang sa ngayon, siya rin ang pangwalong hari at mula sa pitong mga hari. Siya ay paroroon sa kapahamakan."
Ang pitong ulo na kinupupuan ng Dakilang Babilonya na pitong bundok ay alusyon sa pitong bundok ng Roma.
Ang karamihan ng mga skolar ng bibliya ay nagsasabing ang pito ay tumutukoy kina Julio Cesar(100 BCE-44 BCE), Augustus(29 BCE - 14 CE), Tiberio(14-37 CE), Caligula (37-41), Claudius (41-54), Nero(54-68), at Galba na naghari lamang ng anim na buwan. Ang mabangis na hayop na siyang sa nakaraan at hind sa ngayon na siya ring pangwalong hari at mula sa pitong mga hari na paroroon sa kapahamakan ay alusyon sa alamat ng Nero Redivivus na si Nero na namatay noong 68 CE ay hindi talaga namatay at tumungo sa kalaban ng Roma na Imperyong Parthian sa Ilog Eufrates sa Silangan at magbabalik o mabubuhay para wasakin ang Roma. (Sybilline Oracles IV:150; V:490) Ang paniniwalang si Nero ay buhay pa rin ay tumanggal hanggang sa kamatayan ni Emperador Domitian noong 96 CE at ang tatlong impostor ay nagpakilalang si Nero.
Ayon sa (16:12) Ibinuhos ng pang-anim na anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa dakilang Ilog Eufrates. Ang mga tubig nito ay natuyo upang maihanda ang daan ng mga hari na mula sa silangan.
Ayon sa (7: 2) At nakita ko ang isa pang anghel na pumapaitaas mula sa silangan
Ayon sa (9:2) Mayroon silang hari na namumuno sa kanila. Siya ay ang anghel sa walang hanggang kalaliman. Ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon. Sa wikang Griyego ito ay Apolyon. na isang alusyon kay Nero na nagpikalalang ang Diyos na si Apollo
Ayon sa (9:13-16), Hinipan ng pang-anim na anghel ang kaniyang trumpeta. Narinig ko ang isang tinig mula sa apat na sungay ng gintong dambana na nasa harapan ng Diyos. 14 Sinabi niya sa pang-anim na anghel na may trumpeta: Pakawalan mo ang apat na anghel na iginapos sa malaking Ilog ng Eufrates. 15 At pinakawalan niya ang apat na anghel na inihanda para sa oras, araw, buwan at taon upang pumatay sa ikatlong bahagi ng mga tao. 16 Ang bilang ng hukbong nangangabayo ay dalawang daang milyon. Narinig ko ang bilang nila. Sa ganito ko nakita ang mga kabayo at ang mga sakay nila sa isang pangitain. Sila ay may suot na mga baluti sa dibdib na mapulang katulad ng apoy, matingkad na bughaw at dilaw na katulad ng asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay katulad ng mga ulo ng mga leon. Apoy at usok at nagniningas na asupre ang lumalabas sa kanilang mga bibig. 18 Sa pamamagitan ng tatlong ito, ang apoy, ang usok at ang nagniningas na asupre, ay pinatay nila ang ikatlong bahagi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ay lumalabas mula sa kanilang mga bibig. 19 Ito ay sapagkat ang kanilang mga kapamahalaan ay nasa mga bibig at mga buntot katulad ng mga ahas na may mga ulong makakapanakit.20 May mga nalalabing mga tao na hindi napatay ng mga salot na ito. Ngunit hindi nila pinagsisihan ang gawa ng kanilang mga kamay. At hindi sila nagsisi upang hindi sila sasamba sa mga demonyo at mga diyos-diyosang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy. Hindi sila makakakita, ni makakarinig, ni makakalakad man. 21 Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga pagpatay, sa kanilang mga panggagaway, sa kanilang mga pakikiapid at sa kanilang pagnanakaw.
Ayon sa (13:3) 3 At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay. Ang sugat na ikamamatay ay gumaling. At ang lahat ng mga tao ay nanggilalas sa mabangis na hayop at sumunod dito.
Ang ilang skolar ay nagsasabing ang pito ay tumutukoy kina Augustus, Tiberio , Gaius, Claudius, Nero (54-68), Vespasian (69-79) , Titus(79-81) at ang siyang ang sa nakaraan at hindi ang sa ngayon na siya rin ang pangwalong hari na mula sa pito at siya ring pangwalo ay si Domitian(51-96) na pinaniniwalaang ang nabuhay na si Nero ayon sa kilalang alamat ng Nero Redivivus noong unang siglo CE(muling mabubuhay si Nero). Parehong sina Nero at Domitian ay labis na umusig sa mga Kristiyano.[1]
Ang "Ang sampung sungay na iyong nakita ay ang sampung mga hari. Hindi pa nila natanggap ang kaharian. Subalit sila ay tatanggap ng kapamahalaan mula sa mabangis na hayop upang maghari ng isang oras"(17:18) ay tumutukoy sa 10 pinuno ng 10 mga probinsiyang senatorial(Latin: provincia populi Romani). Ito ang mga pinuno ng Achaea, Africa, Asia, Bithynia et PontusCreta et Cyrenaica, Cyprus, Gallia Narbonensis, Hispania Baetica Macedonia (Macedonia & Thessalia) at Sicilia ayon sa historyan na si Strabo.
Papa ng Romano Katoliko
baguhinNoong panahon ng Repormasyon, ang mga protestante sa pangunguna ni Martin Luther ay nag-akusa sa Papa sa Roma na siya ang katuparan ng Halimaw dahil sa ang titulong Vicarius Filii Dei na pinaniniwalaang titulo ng papa ay may bilang na 666.
Ang titulong ito ay sinasabing nakaukit sa tiara na ginagagamit ng mga papa sa roma bagaman ito'y itinanggi at pinabulaanan ng Simbahang Katolika. Ang titulo'y galing sa Donasyon ni Constantine na isang pekeng dokumento na inimbento noong 750 hanggang 850 AD. Bagama't napatunayan nang ang Vicarius Filii Dei ay hindi naging opisyal na titulo ng Papa sa Roma, marami pa ring mga sekta ang naniniwala na ito'y totoo gaya ng Iglesia ni Cristo, mga ilang sekto Sabadista, Members Church of God International, Seventh Day Adventist.