Artiko

(Idinirekta mula sa Bilog ng Artiko)

Ang Artiko o Arktiko[1] ang kasalungat ng Antartiko. Ito ay matatagpuan sa pinakatuktuk ng mundo. Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na "arktos" kung saan tumutukoy ito sa hilagang konstelasyon ng oso.[2] Binubuo ang Arktiko ng Karagatang Arktiko, mga katabing dagat at mga bahagi ng Canada (Yukon, Mga teritoryong Hilagang-Kanluran, Nunavut), ang Lupaing Danes (Greenland), hilagang Pinlandya (Lapland), Iceland, hilagang Norway (Finnmark at Svalbard), Rusya (Murmansk, Siberia, Nenets Okrug, Novaya Zemlya), pinakahilagang Suwesya at Estados Unidos (Alaska). Ang lupain sa loob ng rehiyon ng Arktiko ay may pana-panahong iba't ibang takip ng niyebe at yelo, na may halos walang punong permafrost (permanenteng nagyelo sa ilalim ng lupa) na naglalaman ng tundra. Ang mga dagat ng Arktiko ay naglalaman ng pana-panahong yelo sa dagat sa maraming lugar.

Isang politikong mapa ng artiko

Kakaibang lugar ang rehiyong Artiko sa mga ekosistema ng Daigdig. May adapsyon sa mga lamig nito at mga matinding kondisyon ang mga katutubo sa Artiko at kalinangan sa rehiyon. Kabilang sa buhay sa Artiko ang sooplankton at pitoplankton, isda at mga mamalyang pandagat, ibon, mga hayop na panlupa, mga halaman at mga lipunan ng tao.[3] Napapaligiran ang lupaing Artiko ng subartiko.

Bilog ng Artiko

baguhin

Ang Bilog ng Artiko ay isa sa dalawang bilog pampolo (o polar circle) at ito ang pinakahilaga sa limang pangunahing mga bilog ng latitud na pinapakita sa mga mapa ng Daigdig na nasa mga 66° 34' N.[4] Ang katumbas nito sa timog ay ang Bilog ng Antartiko.

 
Isang maniyebeng tanawin ng Inari na matatagpuan sa Lapland (Pinlandya)

Nailalarawan ang klima sa rehiyon ng Artiko ng malamig na tagniyebe at malamig na tag-init. Karamihan nagmumula ang presipitasyon bilang niyebe at mababa ito, na karamihan mayroon nakakatanggap ang lugar ng mas mababa sa 50 cm (20 pul). Kadalasang ginugulo ng mataas na hangin ang niyebe, na nililikha ang ilusyon ng tuloy-tuloy na niyebe. Maaring maging kasing baba ang katamtamang temperatura sa tagniyebe sa −40 °C (−40 °F), at tinataya ang pinakamalamig na natalang temperatura bilang −68 °C (−90 °F). Pinapahina ang mga klima sa Artikong baybayin ng mga impluwensyang pangkaragatan, na mayroon pangkalahatang mas mainit na temperatura at mas mabigat na pagbagsak ng niyebe kaysa sa mga panloob na lugar na mas malamig at mas tuyong temperatura. Naapektuhan ang Artiko ng kasalukuyang pag-init ng mundo, na nagdudulot ng pagbabago ng klima sa Artiko, kabilang ang pagkawala ng yelo sa dagat ng Artiko, lumiliit na yelo sa takip ng yelo ng Groenlandya, at mga emisyon ng metano sa Artiko bilang ang pagtunaw ng permafrost.[5][6] Naiuugnay ang pagtunaw ng takip ng yelo ng Groenlandya sa amplipikasyong pampolo.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Artiko, Arktiko". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Arctic | Definition, Climate, People, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Krembs, Christopher and Jody Deming. "Organisms that thrive in Arctic sea ice." Naka-arkibo 2010-03-23 sa Wayback Machine. National Oceanic and Atmospheric Administration. 18 Nobyembre 2006. (sa Ingles)
  4. "Arctic FAQ - Frequently Asked Questions about the Arctic" (sa wikang Ingles).
  5. Radford, Tim (2020-09-02). "Arctic heating races ahead of worst case estimates". Climate News Network (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Setyembre 2020. Nakuha noong 2020-09-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Dormann, C. F.; Woodin, S. J. (Pebrero 2002). "Climate change in the Arctic: using plant functional types in a meta-analysis of field experiments: Meta-analysis of arctic experiments". Functional Ecology (sa wikang Ingles). 16 (1): 4–17. doi:10.1046/j.0269-8463.2001.00596.x. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-06-30. Nakuha noong 16 Pebrero 2023.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Tedesco, M.; Mote, T.; Fettweis, X.; Hanna, E.; Jeyaratnam, J.; Booth, J. F.; Datta, R.; Briggs, K. (2016-06-09). "Arctic cut-off high drives the poleward shift of a new Greenland melting record". Nature Communications (sa wikang Ingles). 7: 11723. Bibcode:2016NatCo...711723T. doi:10.1038/ncomms11723. ISSN 2041-1723. PMC 4906163. PMID 27277547.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
admin 1