Pagkalalaki

(Idinirekta mula sa Birilidad)

Ang Pagkalalaki o birilidad (Ingles: virility) ay ang anuman sa isang malawak na nasasakupan ng maskulinidad, pagkabarako o pagiging bulog o kabulugan) ng isang lalaki. Hindi ito magagamit sa mga babae o sa negatibong mga katangian. Sinasabi ng Oxford English Dictionary (OED1) na ang pagiging barakung-barako o lalaking-lalaki (o kaya "parang lalaki") o kalibugan ay may "tanda ng lakas o puwersa". Ang pagkalalaki ay pangkaraniwang may kaugnayan sa katalaghayan, pagiging malakas, kasiglahan, pagiging matibay, pagiging mabisa, pagiging malusog, katatagan, at bikas ng katawan (pangangatawan), natatangi na ang kakayahang makagawa ng mga anak. Sa huling diwang ito, ang birilidad ay para sa kalalakihan, samantalang ang pertilidad ay para sa kababaihan. Sinasabi pa rin ng Talahuluganang Ingles ng Oxford na ang virile ay naging wala na sa panahon bilang pagtukoy sa isang nubile (nubilidad), o pagiging puwede nang mag-asawa[2] ng babaeng nasa kaniyang kabataan subalit nasa wasto nang edad - "isang dalagang maaari nang ikasal o hinog na para sa isang asawang lalaki, o Virill."

Sa pangkasaysayan, ang mga panlalaking katangian ng pagkakaroon ng balbas ay tinatanaw bilang mga tanda ng pagkalalaki o pagiging lalaking-lalaki at pamumuno (katulad ng sa sinaunang Ehipto at sa sinaunang Gresya).[1]

Sa pangkasaysayan, ang mga katangiang panglalaki katulad ng pagkakaroon ng balbas ay tinatanaw bilang mga tanda ng pagkalalaki at pamumuno (katulad na sa sinaunang Ehipto at Gresya).[1]

Bilang isang katagang may positibong pagtukoy, ang pagkalalaki o birilidad ay hindi kaayon ng mga peminismo na nagpapasulong ng samu't saring pagkakalas ng maskulinidad (kilala rin bilang "pagkalalaki").[3] Ayon sa mga pananaw na ito, ang pagkalalaki ay muling binigyan ng kahulugan bilang wala na sa panahong abstraksiyon, na negatibong bumabangga sa kababaihan sa pamamagitan hindi ginugustong gawaing seksuwal, at hindi ginustong mga pagbubuntis.[4]

Ayon sa Gabby's Dictionary, ang virility ay ang "sigla at lakas ng isang lalake; kakayahan ng lalake na makapagpaligaya ng babae [habang nakikipagtalik]; pagiging lalakeng-lalake" at katumbas ng mga salitang "bulog" at "birilidad".[5]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Schiebinger, Londa 1993
  2. Oxford English Dictionary
  3. Plant, Sheryl (11 Pebrero 2006). "Deconstructing Masculinity". The F Word.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kligman, Gail (1998). The Politics of Duplicity: Controlling Reproduction in Ceausescu's Romania. University of California Press. p. 249.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Virility Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com

Basahin pa

baguhin
  • Schiebinger, Londa (1993), Nature's Body, Boston, Massachusetts: Beacon Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES