Sa botanika, ang buto, binhi, o punla ay ang hindi pa tumutubong bilig ng halaman at reserbang pagkain na nakabalot sa isang nakaprotektang panlabas na balat na tinatawag na balat ng buto. Sa mas pangkalahatan, nangangahulugan ang katawagang "binhi" sa kahit anumang bagay na maaring ihasik, na maaring kabilang ang buto at talop o lamang-ugat. Produkto ang mga binhi ng hinog na obula, pakatapos mapunlaan ang supot-suputan ng bilig sa pamamagitan ng semilya mula sa bulo, na binubuo ang isang sigoto. Nabubuo ang bilig sa loob ng isang buto mula sa sigoto, na binubuo ang isang balat ng buto sa palibot ng obula, at lumalago sa loob ng pinagmulang halaman hanggang titigil ang paglago sa isang takdang laki.

Mikropotograpiya ng iba't ibang mga buto

Kasaysayan

baguhin

Nag-ebolusyon ang unang mga halaman nasa lupa noong mga 468 milyong taon na nakalaipas,[1] at nagparami gamit ang mga espora. Ang pinakamatandang mga halamang may buto ay ang mga himnosperma, na walang obaryo upang ilaman ang mga binhi, na lumitaw noong huling bahagi ng huling Deboniyano (416 milyon hanggang 358 milyong taon na nakalipas).[2] Mula sa mga naunang himnospermang ito, nag-ebolusyon ang mga pakong may buto noong panahong Karbonipero (359 hanggang 299 milyong taon nakalipas); mayroon silang mga obula na dinadala sa isang kupula,[3] na mga pangkat na mga nakabalot na sanga na malamang ginamit upang iprotekta ang nabubuong buto.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. McGhee, George R. Jr. (2013-11-12). When the Invasion of Land Failed: The Legacy of the Devonian Extinctions (sa wikang Ingles). Columbia University Press. ISBN 978-0-231-16057-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mary Bagley (2014-02-22). "Devonian Period: Climate, Animals & Plants". livescience.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bora, Lily (2010). Principles of Paleobotany (sa wikang Ingles). Mittal Publications. ISBN 978-81-8293-024-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Taylor, Edith L.; Taylor, Thomas N.; Krings, Michael (2009-01-21). Paleobotany: The Biology and Evolution of Fossil Plants (sa wikang Ingles). Academic Press. ISBN 978-0-08-055783-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES