Papa Ceferino

(Idinirekta mula sa Ceferino)

Si Papa Ceferino o Papa Zephyrinus na ipinanganak sa Roma ang Obispo ng Roma mula 199 CE hanggang 217 CE. Sa panahon ng 17 taong pagkaobispo ni Ceferino, ang batang simbahang Kristiyano ay nagtiis ng malalang pag-uusig sa ilalim ni Emperador Severus hanggang sa kanyang kamatayan noong 211 CE. Si Ceferino ay nagtiis rin sa mga pagsubok na nauugnay sa mga heresiya at apostasiya. Ang pangunahin sa mga ito sina Marcion ng Sinope, Praxeas, Valentino, at mga Montanista. Ayon sa Optatus, ang lahat ng mga ito ay pinasuko ni Ceferino(Ref. Optat. 1,1 De Schismate, n.9 et Albaspinæus, not.ib.) Iginiit ni Eusebio na masigasig na nilabanan ni Ceferino ang mga pamumusong ng dalawang mga Theodotus na bilang tugon ng mga ito tumrato sa kanyang may panghahamak ngunit kalaunan ay tinawag siyang pinakadakilang tagapagtanggol ng pagka-diyos ni Hesus. Bagaman hindi siya pisika na naging martir para sa pananampalataya, ang kanyang mga pagdurusa na pang-isip at espiritwal sa kanyang pagkaobispo ang nagdulto sa kanya ng pamagat na martir.(Ref. Berti in Sæc 3. Diss. 1.t. 2 p 158) Noong paghahari ni Emperador Severus, ang mga ugnayan sa batang simbahang Kristiyano ay lumala. Noong 202 o 203 CE, ang kautusan ng pag-uusig ay lumitaw na nagbabawal sa pagkaakay sa Kristiyanismo sa ilalim ng pinakamalalang mga parusa.(Ref Opus cit Butler) Ang isang Proclus (o Proculus) na nangumpisal ng pananampalataya sa harap ng mga tagalitis at sumailalim sa mga pagpapahirap ay kalaunang naakit sa heresiya ni Asclepiodotus at Theodotus na bankero na parehong mga alagad ni Teodoto ang Mangungulti na itiniwalag ng predesesor ni Ceferinong si Papa Victor I dahil sa muling pagbuhay ng heresiya ng mga Ebionita na nagpatunay na si Kristo ay isa lamang tao bagaman isang propeta. Ang mga heretikong ito ay humikayat kay Natalis na payagan silang ordinahan siyang obispo sa kanilang sekta na nangangakong magbibigay sila ng buwanang sahod na 150 pilak na denarii.

Papa San Ceferino
Nagsimula ang pagka-Papa199
Nagtapos ang pagka-Papa20 December 217
HinalinhanVictor I
KahaliliCalixto I
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanZephyrinus
Kapanganakan???
Rome, Roman Empire
Yumao20 December 217
Rome, Roman Empire
Kasantuhan
Kapistahan20 December

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 4