Ebanghelyo ni Lucas

(Idinirekta mula sa Ebanghelyo ni Lukas)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ebanghelyo ni Lucas, Ebanghelyo ayon kay Lucas[1], o ang Mabuting Balita ayon kay Lucas[2] ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya at kabilang sa mga ebanghelyo. Isinulat ito ni San Lucas. Sinasabing karugtong ng ebanghelyong ito ang Aklat ng mga Gawa ng mga Alagad.[3]

Komposisyon

baguhin

Ang tradisyonal na paniniwala sa petsa ng pagkakasulat ng Ebanghelyo ni Lucas ay sa simula ng 59 o 60 CE.[4] Ang may-akda nito ay umamin ng pamilyaridad sa mga mas naunang ebanghelyo (Lucas 1:1). Bagaman ang mga semitismo ay umiiral sa buong Ebanghelyo ni Lucas, ito ay isinulat sa Griyegong Koiner.[5] Tulad ng Ebanghelyo ni Marcos ngunit hindi tulad ng Ebanghelyo ni Mateo, ang nilalayong mambabasa ng aklat na ito ang mga mamamayang nagsasalita ng Griyego sa rehiyong ito at sumisiguro sa mga mambabasa nito ang Kristiyanismo ay isang internasyonal na relihiyon at hindi lamang eklusibong sektang Hudyo.[kailangan ng sanggunian]

Mga ebanghelyong sinoptiko

baguhin
 
Ang halos lahat ng nilalaman ng Ebanghelyo ni Marcos ay matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo at ang karamihan sa nilalaman ng Ebanghelyo ni Marcos ay parehong matatagpuan sa Ebanghelyo ni Lucas. Sa karagdagan, ang Ebanghelyo ni Mateo at Lucas ay may malaking laman ng materyal na karaniwan sa dalawang ito ngunit hindi matatagpuan sa Marcos. Ito ay pinapaliwanag ng Dokumentong Q.

Ang mga ebanghelyo ni Lucas, Mateo at Marcos na tinatawag na mga ebanghelyong sinoptiko ay kinabibilangan ng maraming pare parehong kuwento na kalimitan ay nasa parehong pagkakasunod sunod at minsan ay sa eksaktong mga pananalita. Ang pinakamalawak na tinatanggap ng mga skolar ng Bibliya na paliwanag para dito ang hipotesis ng dalawang-pinagkunan (two-source hypothesis). Ang pananaw na ito ay nagsasaad na ang parehong Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas ay humiram o kumopya sa Ebanghelyo ni Marcos at sa isang kalipunan ng mga kasabihan na tinatawag na Dokumentong Q. Ang Dokumentong Q ang nagpapaliwanag ng mga talata o kuwentong pinagsasaluhan ng parehong Ebanghelyo ni Lucas at Mateo ngunit hindi matatagpuan sa Ebanghelyo ni Marcos.[6]

Sa aklat na The Four Gospels: A Study of Origins (1924) ni Burnett Hillman Streeter, kanyang ipingatwiran ang isa pang pinagkunan ni Ebanghelyo ni Lucas na tinatawag na pinagkunang L (L source)[7] na pinagbatayan ng materyal sa aklat na ito na walang katulad sa Ebanghelyo ni Marcos o Mateo.[8] (See the Four Document Hypothesis )

Mga pinagkunan

baguhin

Ang tradisyonal na pananaw ay ang Ebanghelyo ni Lucas na hindi saksi (eyewitness) sa ministerio ni Hesus ay sumulat ng ebanghelyong ito pagkatapos tipunin ang pinakamahuhusay na mga pinagkunan ng impormasyon na kanyang nakuha (Lucas 1:1-4).[9] Ang pananaw naman ng halos lahat ng skolar ng Bibliya ang hipotesis ng dalawang-pinagkunan na nagsasaad na ang may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas ay kumopya sa Ebanghelyo ni Marcos at sa Dokumentong Q.

Ebanghelyo ni Marcos

baguhin

Ang karamihan sa mga modernong skolar ng Bibliya ay umaayon na pinagbatayan ng may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas ang Ebanghelyo ni Marcos.[10] Ayon din sa mga skolar ng Bibliya, ang Ebanghelyo ni Marcos ang pinaka-unang ebanghelyo sa kanon ng Bagong Tipan at ang pinagbatayan ng parehong Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas.[11]

Ang Ebanghelyo ni Marcos ay maiksi at isinulat sa Griyegong Koine (karaniwang Griyego). Ito ay nagbibigay ng pangkalahatang kronolohiya mula sa bautismo ni Hesus hanggang sa walang lamang libingan nito. Gayunpaman, ang Ebanghelyo ni Lucas ay minsang nagtatanghal ng ng mga pangyayari sa ibang kaayusan upang mas maliwanag na suportahan ang kanyang mga pagbibigay diin. Halimbawa, ang Ebanghelyo ni Marcos ay nagsasaad na inakay ni Hesus ang kanyang mga alagad bago siya magsagawa ng mga himala. Sa Ebanghelyo ni Lucas naman, ang pag-akay sa mga alagad ay inilipat pagkatapos ng paggawa ng unang himala ni Hesus.[10]

Dokumentong Q

baguhin
 
Ang mga Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas ay isinulat ng independiyente sa isa't isa ngunit parehong gumamit ng Ebanghelyo ni Marcos at Dokumentong Q.

Ang karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay naniniwalang ginamit ng may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas ang Dokumentong Q bilang ikalawang pinagbatayan. Ang Dokumentong Q (Aleman ng "Quelle" na ang ibig sabihin ang "pinagkunan") ay isang hipotetikal na mga kalipunan ng kasabihan ni Hesus. Sa hipotesis ng dalawang-pinagkunan, ang Dokumentong Q ang nagpapaliwanag ng pinagsaluhang materyal na nasa Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas na wala sa Ebanghelyo ni marcos gaya ng Ama Namin (Lord's prayer).[12][13][14]

Ebanghelyo ni Mateo

baguhin

Nangatwiran si Martin Hengel na ang may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas ay gumamit rin ng Ebanghelyo ni Mateo na ikalawang ebanghelyong sinoptiko.[15]

Pinagkunang L

baguhin

Ang materyal na natatangi sa Ebanghelyo ni Lucas ay sinasabing hinango sa pinagkunang tinatawag na pinagkunang L na sinasabing hinango sa tradisyonal ipinasa ng bibig.[11]

Maliwanag na ang may-akda ng Lucas ay pormal na humugot ng mga pirasong hanay ng mga "katuruan" ng Kristiyanismo at isinama ito sa ebanghelyong ito. Ang isang halimbawa nito ang Magnificat kung saan pinuri ni Marya na ina ni Hesus ang diyos. [10]

Ang mga salaysay ng kapanganak sa parehong Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Mateo ang pinakahuling bahagi ng mga ebanghelyong ito.[16] Luke may have originally begun with verses 3:1-7, a second prologue.[16]

Ang mga paghahambing ay ginawa sa pagitan ng salaysay na pagpapahayag (annunciation) sa Ebanghelyo ni Lucas sa manuskritong Q4Q246 ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat (Dead Sea Scrolls). Ang skrolyo ng Patay na Dagat ay isinulat ng mga Essene mula 150 BCE hanggang 70 CE na isang sektang Hudaismo na ang ilang mga katuruan ay kapareho ng sa Kristiyanismo.:

He will be great, and will be called the Son of the Most High … The power of the Most High will overshadow you; therefore the child to be born will be called holy, the Son of God” (Luke 1:32, 35).

Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas Taasan...Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos.

[X] shall be great upon the earth. [O king, all (people) shall] make [peace], and all shall serve [him. He shall be called the son of] the [G]reat [God], and by his name shall he be hailed (as) the Son of God, and they shall call him Son of the Most High.” (Dead Sea scrolls manuscript Q4Q246)[17]
Magiging dakila sa mundo. O hari, lahat (ng mga tao) ay makikipag payapaan at ang lahat ay sasamba sa [kanya. Siya ay tatawaging anak ng] [Diyos] na Dakila, at sa kanyang pangalan ay tatanghalin (bilang) Anak ng Diyos at tatawagin nila siyang Anak ng Kataas Taasan.

Ang pagkakapareho ng nilalamang ito ay inilarawan na "mahirap na maiwasan ang konklusyong ang Ebanghelyo ni Lucas ay nakabatay sa isang paraan na direkta o hindi direkta sa matagal nang nawalang teksto mula sa Qumran.[18]

Griyego

baguhin

Ang mga aklat ng Bagong Tipan ay isinulat sa Griyego. Ang istilo ng Ebanghelyo ni Lucas ang pinaka literaryo sa lahat ng mga aklat na ito.[19]

May akda

baguhin
 
ika-10 siglong CE na Byzantine ilustrasyon ni Lukas na Ebanghelista.

Bagaman ang ebanghelyong ito ay nakapagpatuloy sa anyong anonimo (hindi kilala), itinuturing na ang pangalan ay alam ng pinatutungkulan (o pinadalhan) nito si Theophilus.[20] Ang may-akda ay malamang na isang Kristiyanong hentil[kailangan ng sanggunian] Kung sino man ang may-akda nito ay isang may mataas na pinag-aralan, labis na nakapaglakbay, konektado at labis na nakapagbasa. Sa panahong kanyang nilikha ang ebanghelyong ito, siya ay isang labis na may kasanayan at may kakayahang may-akda na nagawang lumikha ng malawak na iba ibang anyong pampanitikan ayon sa mga hinihingi ng sandali.[21]

Ang may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas ay nagpapalagay ng isang kaalam sa Lumang Tipan at kasaysayang Hudyo (1:7; 4:38; 9:9-10 & 9:28-36).[22] Ang katunayan, "ang may-akda ng Lucas ay natanto ang kanyang sarili bilang isang Hudyo".[23]

Ayon sa mga skolar, ang Ebanghelyo ni Lucas at ang Mga Gawa ng mga Apostol ay parehong isinulat ng parehong may-akda.[24] Ang pinakadirektang ebidensiya ay nagmumula sa mga panimula ng parehong aklat na ito na pinadala kay Theophilus at ang panimula ng Gawa ng mga Apostol ay hayagang may reperensiya sa "aking dating aklat" tungkol sa buhay ni Hesus. Sa karagadagan, may mga linguistiko at teolohikal na pagkakatulad sa pagitan ng dalawang aklat na ito na nagmumungkahing ang mga ito ay may karaniwang may-akda.[25] Both books also contain common interests.[26] Linguistic and theological agreements and cross-references between the books indicate that they are from the same author.[27][28]

Ayon sa mga ama ng simbahan na sina Irenaeus (c. 170), Clement ng Alexandria, Origen, at Tertullian, ang Ebanghelyo ni Lucas ay isinulat ni Lucas.[29] Ang manuskritong P75 (circa 200 CE) ay may atribusyon ng "Ebanghelyo ayon kay Lucas",[30][31] bagaman may isa pang manuskrito na P4 na posibleng mas nauna sa Papyrus sa 75[32][33] na walang atribusyong ganito.

Pananaw ng mga skolar

baguhin

Ayon sa nangingibabaw na pananaw ng mga skolar ng Bagong Tipan, ang ebidensiya na hindi si Lucas ang may-akda ay sapat na malakas at ang may-akda ay hindi alamm.[34][35][36] Ang Gawa ng mga Apostol ay sumasalungat sa mga epistula ni Pablo gaya ng ikalawang paglalakbay ni Apostol Pablo sa Jerusalem para sa konsehong apostoliko.[37][38] Si Pablo ay nagbigay diin sa kamatayan ni Hesus samantalang ang may-akda ng Lucas ay nagbigay diin sa pagdurusa ni Hesus at mayroong mga pagkakaiba sa eskatolihiya at Batas ng Hudaismo.[kailangan ng sanggunian] Inilarawan ni Pablo si Lucas bilang isang "minamahal na manggagamot" na nagdulot kay Hobart noong 1882 na mag-angkin na ang bokabularyong ginamit sa Lukas-Gawa ay nagmumungkahing ang may-akda nito ay may pagsasanay medikal. Gayunpaman, ang pagpapalagay na ito ay sinalungat ng isang maimpluwensiya (influential) na pag-aaral ni Cadbury noong 1926 at tinalikuran na. Bagkus, ay pinaniniwalaan ngayon na ang wika ay nagpapakita lamang ng karaniwang edukasyong Griyego.[39][40][41][42][43]

Petsa ng pagkakasulat

baguhin

Ayon sa karamihan ng mga skolar ng Bagong TIpan, ang aklat na ito ay isinulat noong mga c 80–90 CE,[44][45] bagaman ang ilan mga konserbatibong komentador ng Bibliya ay naniniwalang ito ay isinulat noong mga c. 60–65 CE.[46]

75-100 CE

baguhin

Ang karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay tumuturing sa Ebanghelyo ni Marcos bilang pinagbatayan ng may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas.[47] Ayon din sa mga skolar ng Bibliya, ang Markos ay isinulat sa panahon ng pagkakawasak ng Templo sa Jesusalem noong mga 70 CE kaya ang Ebanghelyo ni Lucas ay hindi maaaring isulat bago ang 70 CE.[48] Ang mga skolar ay naniniwalang ang prediksiyon ng pagkawasak ng templo ay hindi maaaring resulta ng paghula ni Hesus ng hinaharap ngunit may kapakinabangan ng pagkakaalam ng nakaraan tungkol sa mga spesipikong detalye. Ayon sa mga skolar, ang Lucas 21:5-30 ay sapat na spesipiko na mas spesipiko pa sa Ebanghelyo ni Marcos o Ebanghelyo ni Mateo na ang isang petsa pagkatapos ng 70 ay tila kinakailangan.[49] Ayon sa skolar ng Biblia na si S. Brown, ang mga reperensiya sa pagkawasak ng templo sa Jerusalem ay makikitang ebidensiya ng petsang pagktapos ng 70 CE.[50] Ang mga skolar na ito ay nagmungkahi ng petsang pagkakasulat ng Ebanghelyo ni Lucas mula 75 CE hanggang 100 CE. Ang suporta sa kalaunang petsa ay nagmula sa iba't ibang mga dahilan. Ang mga pagkakaiba ng mga kronolohiya, istilo at teolohiya ay nagmumungkahing ang may-akda ng Lucas-Gawa ay hindi pamilyar sa walang katulad na teolohiya ni Pablo kundi bagkus ay isinulat mga dekada o higit pagkatapos ng petsa nito kung saan ang mahalagang pagtutugma sa pagitan ng iba't ibang mga tradisyon sa loob ng sinaunang Kristiyanismo ay nangyari.[51] Sa karagdagan, ang Lucas-Gawa ay may mga pananaw sa kristolohiya ni Hesus, eskatolohiya (pagwawakas ng panahon), soteiolohiya (kaligtasan) na katulad ng matatagpuan sa mga epistulang Pastoral ni Pablo at kalimitang nakikita bilang pseudonymous (may pekeng pangalan) at may kalaunang petsa kesa sa mga ibang sulat ni Pablo.[52]

Ang mga skolar ng Jesus Seminar ay nangatwirang ang mga salaysay ng kapanganak sa Lucas at Mateo ay mga kalaunang idinagdag (interpolation) sa kalaunang manuskrito ng mga ebanghelyong ito tungkol kay Hesus. [16] Sa pananaw na ito, ang Lucas ay maaaring orihinal na nagsimula sa Lucas 3:1 kay Juan Bautista.[16]

Ang terminus ad quem, o ang pinakahuling posibleng petsa para sa Ebanghelyo ni Lucas ay nakatali sa pinakaunang mga manuskritong papyrus na naglalaman ng mga bahagi ng Lucas (huli nang ika-2 siglo/simula ng ika-3 siglo CE)[53] gayundin mula sa gitna hanggang huli ng ika-2 siglong CE mga kasulatan na sumipi (quoted) o sumangguni sa Ebanghelyo ni Lucas. Ang Lucas ay makikita sa Didache, mga kasulatang Gnostiko nina Basilides at Valentinus, mga apolohetiko ng ama ng simbahan na si Justin Martyr at gayundin ay ginamit ni Marcion.[54] Ayon sa skolar na si Helmut Koester, bukod kay Marcion, "walang ebidensiya ng paggamit nito bago ang ca. 150 CE.[55] Sa gitna ng ikalawang siglo CE, ang isang binagong bersiyon ng Ebanghelyo ni Lucas ang tanging ebanghelyong tinanggap ni Marcion na tinawag na heretiko ng mga ama ng simbahan.[56]

Layunin

baguhin

Naging layunin ni San Lucas sa ebanghelyong ito ang mabigyan ng mas matibay na kaalaman ang mga Kristiyano tungkol sa pananampalataya.[1]

Paglalarawan

baguhin

Ito ang pinakamahabang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya. Sinulat ito ni San Lucas noong bago maganap ang pagkawasak ng Herusalem noong mga 70. Pinaniniwalaang sa panahong mula 63 hanggang 64, o himigit-kumulang, nasulat ang ebanghelyong sapagkat hindi ito bumabanggit ng anuman ukol sa pangyayari ng pagkawasak ng Herusalem. May mga bagay-bagay na isinulat si San Lucas na hindi matatagpuan sa ibang mga kasamang ebanghelyo sa Bibliya. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ang talinghaga hinggil sa "Publikano at Pariseo," ang "Anak na Alibugha" (o "Alibughang Anak"), at ang "Dives at Lazaro."[1]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng limang mga bahagi ang Ebanghelyo ni Lucas:[1]

  • Kamusmusan ni Hesus (1–2)
  • Pangangaral ni Hesus sa Galilea (3, 1 - 9, 50)
  • Patungo sa Herusalem (9, 51–19, 28)
  • Pangangaral ni Hesus sa Herusalem (19, 29 - 21, 38)
  • Paghihirap, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus (22–24)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Ebanghelyo ayon kay Lucas". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link),
  2. "Ang Mabuting Balita ayon kay Lucas". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ang mga Gawa ng mga Apostol". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. A. T. Robertson Luke the historian in the light of research 1923 "The theological argument strongly confirms the early date ... There remains only one further difficulty of importance in the way of dating the Gospel of Luke so early as 59 or 60 "
  5. Francis & Mary Peloubet, A dictionary of the Bible: comprising its antiquities, biography, geography, natural history and literature, Porter and Coates Pub. 1884 P. 367
  6. Bart Erhman, Jesus: Apocalyptic Prophet of the New Millennium, Oxford University Press, p.78-87
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-17. Nakuha noong 2012-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Burnett H. Streeter,The Four Gospels. A Study of Origins Treating the Manuscript Tradition, Sources, Authorship, & Dates Naka-arkibo 2021-02-26 sa Wayback Machine.. London: MacMillian and Co., Ltd., 1924.
  9. M.G. Easton, Easton's Bible Dictionary (Oak Harbor, WA: Logos Research Systems, Inc., 1996, c1897), "Luke, Gospel According To".
  10. 10.0 10.1 10.2 Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Luke," p. 267-364
  11. 11.0 11.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang 5GIntro); $2
  12. Pier Franco Beatrice, The Gospel according to the Hebrews in the Apostolic Fathers, Novum Testamentum 2006, vol. 48, no2, pp. 147–195 ISSN 0048-1009
  13. James R. Edwards, The Hebrew Gospel & the Development of the Synoptic Tradition, Wm. B. Eerdmans Publishing, 2009 pp. 209 - 247
  14. Martin Hengel, The Four Gospels and the One Gospel of Jesus Christ Trinity Press, SCM 2000 p.207- 210
  15. Martin Hengel. 2000. The Four Gospels and the One Gospel of Jesus Christ: An Investigation of the Collection and Origin of the Canonical Gospels. Trans. J. Bowden. London and Harrisburg: SCM and Trinity Press International. Pp. 169-207.
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Birth & Infancy Stories" p. 497-526.
  17. "An Unpublished Dead Sea Scroll Text Parallels Luke’s Infancy Narrative", Biblical Archaeology Review, Abril/Mayo 1990
  18. "The meaning of the Dead Sea scrolls: Their significance for understanding the Bible, Judaism, Jesus, and Christianity", James C. VanderKam, Peter W. Flint, p. 335, Continuum, 2005, ISBN 0-567-08468-X
  19. "Greek." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  20. Saint Luke Christopher Francis Evans - 1990 "... author was bound to give his name - 'Luke to Theophilus greeting' - it is considered likely that his name was attached to the work somehow (it is not known whether or not it had a title), or was attached to it by Theophilus. If so,
  21. Fizmyer, Joseph. The Gospel according to Luke: introduction, translation, and notes. The Anchor Bible v. 28-28A. (2 vols) Garden City, NY: Doubleday, 1981-1985.
  22. Schatter, 330.
  23. Salmon, Marilyn, “Insider or Outsider? Luke's relationship with Judaism,” in Tyson, ed., Luke-Acts and the Jewish People, 76-82. 
  24. Horrell, DG, An Introduction to the study of Paul, T&T Clark, 2006, 2nd Ed.,p.7; cf. W. L. Knox, The Acts of the Apostles (1948), p. 2–15 for detailed arguments that still stand.
  25. on linguistics, see A. Kenny, A stylometric Study of the New Testament (1986).
  26. F. F. Bruce, The Acts of the Apostles (1952), p2.
  27. Udo Schnelle. The History and Theology of the New Testament Writings, p. 259.
  28. E.g., C. Kavin Rowe, "History, Hermeneutics and the Unity of Luke-Acts," JSNT 28 (2005): 131–157, raising questions about the literary unity of Luke-Acts.
  29. Donald Guthrie, New Testament Introduction (Leicester, England: Apollos, 1990), pp. 37-40.
  30. Gospel of Luke at EarlyChristianWritings.com However, there is probably a bit of a mistake here. According to my sources, P75 does not include the start of the gospel, rather it includes the end, where an attribution to Luke is found.
  31. Image of Papyrus 75 showing the end of Luke's Gospel and the beginning of John's Gospel, separated by the words Κατά Λουκαν, (Kata Loukan) = "According to Luke".
  32. Possibly dated earlier than P75
  33. Gregory, A. (2003) The Reception of Luke and Acts in the Period Before Irenaeus, Mohr Siebeck, ISBN 3-16-148086-4 p.28
  34. "The unknown author of Luke-Acts was certainly not a companion of Paul." Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). Chapter 2. Christian sources about Jesus.
  35. '[T]he author of this gospel remains unknown.' "biblical literature." Encyclopædia Britannica. 2010. Encyclopædia Britannica Online. 06 Nobyembre 2010 [1].
  36. "Most modern commentators on the Lukan gospel are skeptical about the validity of the traditional attribution" Fizmyer, Joseph. The Gospel according to Luke: introduction, translation, and notes. The Anchor Bible v. 28-28A. (2 vols) Garden City, NY: Doubleday, 1981-1985.
  37. Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). Chapter 2. Christian sources about Jesus.
  38. 'These differing accounts [of the council] seem to be irreconcilable; but since Paul's is a contemporary witness and Acts was written many years after the event, scholars generally prefer Paul's version.' Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985. p. 313.
  39. "Efforts to argue that the Third Gospel demonstrates that its author was a doctor have been abandoned today. Hobart argued that the sheer number of healing stories and the vocabulary demonstrated that Luke was a physician.10 However, Cadbury later refuted these claims by proving that Luke showed no more “medical” language than other educated writers of his day.11 Of course, the healing stories and “medical” vocabulary are consistent with authorship by a physician. They simply do not prove it.", Black, M. C. (1996). Luke. College Press NIV commentary. Joplin, Mo.: College Press Pub.
  40. "Colossians 4:14 refers to Luke as a doctor. In 1882, Hobart tried to bolster this connection by indicating all the technical verbal evidence for Luke’s vocation. Despite the wealth of references Hobart gathered, the case was rendered ambiguous by the work of Cadbury (1926), who showed that almost all of the alleged technical medical vocabulary appeared in everyday Greek documents such as the LXX, Josephus, Lucian, and Plutarch. This meant that the language could have come from a literate person within any vocation. Cadbury’s work does not, however, deny that Luke could have been a doctor, but only that the vocabulary of these books does not guarantee that he was one.", Bock, D. L. (1994). Luke Volume 1: 1:1-9:50. Baker exegetical commentary on the New Testament (7). Grand Rapids, Mich.: Baker Books
  41. Attempts have been made to strengthen the argument for authorship by a physician by finding examples of medical phraseology in Luke-Acts; these are too few to be made the basis of an argument, but there is perhaps just sufficient evidence to corroborate a view more firmly based on other considerations.", Marshall, I. H. (1978). The Gospel of Luke : A commentary on the Greek text. The New international Greek testament commentary (33–34). Exeter [Eng.: Paternoster Press.]
  42. e.g. W. K. Hobart, The Medical Language of St. Luke (1882); A. Harnack, Lukas der Arzt (1906)
  43. 'References are often made to Luke’s medical language, but there is no evidence of such language beyond that to which any educated Greek might have been exposed.' "biblical literature." Encyclopædia Britannica. 2010. Encyclopædia Britannica Online. 08 Nobyembre 2010 [2].
  44. Brown, Raymond E. (1997). Introduction to the New Testament. New York: Anchor Bible. p. 226. ISBN 0-385-24767-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Meier, John P., A Marginal Jew: Rethinking the Historical Jesus. Doubleday, 1991, v. 1, pp. 43
  46. "Introduction to the New Testament", chapter on Luke, by D. Carson and D. Moo, Zondervan Books (2005)
  47. Helmut Koester. Ancient Christian Gospels. Harrisburg, Pennsylvania: Trinity Press International, 1999. p. 336
  48. Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). p. 24-27.
  49. "Matthew, Gospel acc. to St." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  50. Brown, Schuyler. The origins of Christianity: a historical introduction to the New Testament. New York: Oxford University Press, 1993. p. 24
  51. Brown, Schuyler. The origins of Christianity: a historical introduction to the New Testament. New York: Oxford University Press, 1993. p. 29
  52. Brown, Schuyler. The origins of Christianity: a historical introduction to the New Testament. New York: Oxford University Press, 1993. p. 27
  53. P4, P45, P69, P75, and P111
  54. Donald Guthrie, New Testament Introduction (Leicester, England: Apollos, 1990), pp. 126-126.
  55. Helmut Koester. Ancient Christian Gospels. Harrisburg, Pennsylvania: Trinity Press International, 1999. p. 334
  56. "Marcion." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005

Mga panlabas na kawing

baguhin
  NODES
chat 1
INTERN 7
Note 2
todo 1