Si Sir Edmund Percival Hillary ay isang Bagong Selanderong mamumundok at pilantropo. Siya ay ipinanganak noong 20 Hulyo 1919 sa Auckland, New Zealand at namatay noong 11 Enero 2008. Noong siya ay 16 anyos gulang ay nakakita siya sa unang pagkaktaon ng snow nang siya ay dumalo sa isang pagtitipon sa Tangariro National Park, isang parke sa Raupehu, New Zealand. Sa lugar na ito siya naging interisado sa pag aakyat ng bundok.

Sir Edmund Hillary
Si Edmundo Hillary noong 2006
Kapanganakan20 Hulyo 1919(1919-07-20)
Auckland, New Zealand
Kamatayan11 Enero 2008(2008-01-11) (edad 88)
Auckland, New Zealand
AsawaLouise Mary Rose (1953-1975)
June Mulgrew (1989-2008)
AnakPeter (1954)
Sarah (1955)
Belinda (1959-1975)
MagulangPercival Augustus Hillary
Gertrude Hillary, née Clark

Bagamat siya ay isang taga pag-alaga ng mga bubuyog, naging mahilig siya sa pag aakyat ng mga bundok. Nuong una ay nag umpisa siyang mag akyat ng mga bunzok sa New Zealand. Pagkatapos ay pumunta siya sa Europa upang akyatin ang bundok na Alps.

Nang mga sumunod na taon ay nagpunta siya sa Himalayas upang sumama sa pag aakyat ng mga bundok na mahigit sa 20,000 piye ang taas. Dito sa Himalayas ay umakyat siya ng 11 bundok. Inisip niya ngayun na siya ay handa upang akyatin ang Bundok Everest: ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Ang Bundok Everest ay nasa gitna ng Tibet at Nepal at ito ay 29,028 piye ang taas. Wala pang nakarating sa tuktok nito. Sa panahon nang dumating si Sir Edmund Hillary dito, wala pang taong matagumpay na nakapanik sa tuktukan nito. Bago pa si Sir Edmund, marami na ang nagtangka na pumahik dito pero ang karamihan sa kanila ay hindi nagtagumpay at ang iba ay nagbuwis ng buhay sa kanilang pagtangkang pumanhik sa tuktok ng Bundok Everest.

Nuong taong 1953, nagpadala nang isang makalaking grupo ang Royal Geographic Society at Joint Himalayan Committee of the Alpine Club of Great Britain sa Himalayas upang muling subukan na marating ang tuktok ng Bundok Everest. sa grupong ito sumama si edmund Hillary. Pagdating sa South Peak, ang lahat ay nagsibalikan na sa baba dahil sa tindi ng pagod at hirap at lamig. Ang naiwan na lamang upang isang beses pang magtangka na pumanhik ay si Edmund Hillary at Tenzing Norgay, isang tiga Nepal na giya. Nuong ika 29 ng Mayo, 1953 sa oras na 11:33 ng umaga, sina Edmund Hillary at ang tiga Nepal na giya niya na si Tenzing Norgay ang naging kauna-unahang tao na makarating sa pinakatuktok ng pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Kung anong hirap na kanilang tiniis sa pag-akyat ng Bundok Everest ay doble pa ang hirap na kanilang dinanas sa pagbaba, subalit matagumpay silang nakababa. dumating ang balita sa Britanya sa bisperas ng koronasyon ng bagong reyna na si Elizabeth II. Ang balita na sa wakas ay napanhik din sa wakas ang tuktok ang Bundok Everest, at kasabay na din ang kaalaman na ito ay isang anak ng Britanya ay masayang sinalubong ng mga Britanyo at nagbigay bugay sa mga mamamayan ng Britanyo dahil sa halos mahigit nang dalawang daang taon na nilang pakikipaglaban sa giyera sa kung saan-saang parte ng mundo. Muling bumalik sa britanya ang grupo na kung saan nagawaran ng "knighthood" si Sir Edmund Hillary.

Pagkatapos ng lahat ng ito ay muling lumabas ulit si Sir Edmund Hillary sa isa pang adbenturya: ang isang ekspedisyon sa South Pole. Matagumpay ding natapos ito ni Sir Edmund Hillary at muli pa siyang naging sikat dahil sa siya at ang kanyang grupo ang unang nakatawid sa buong South Pole sa tulong ng makinarya.

Sa dekada ng 1960, muli siyang bumalik sa Himalayas at sa Nepal at kinumbinsi niyia ang gobyerno ng Nepal na ingatan ang mga bundok sa Himalayas. Nuong 1977, namatay sa isang pagbagsak ng eroplano ang kanyang asawa at kaisa-isang anak na babae. Muli siyang nag asawa nuong 1979. Sa kasalukuyan, nakatira siya sa auckland New Zealand kasama ang ikalawa niyang asawa.

  NODES
ELIZA 1
os 9