Konduksiyong elektrikal

(Idinirekta mula sa Elektrikal na konduksiyon)

Ang Konduksiyong elektrikal o Electrical conduction ang paggalaw ng may kargang mga partikulo sa pamamagitan ng isang midyum ng transmisyon (konduktor na elektrikal). Ang paggalaw ng karga ay bumubuo ng kuryente. Ang paghahatid ng kargang ito ay maaaring magreplekta ng isang diperensiyang potensiyal sanhi ng isang elektrikong field o isang konsentrasyong gradient sa tagadalang densidad. Ang huli ay nagrereplekta sa dipusyon ng may kargang tagadala. Ang mga pisikal na parametro na nangangasiwa sa paghahatid ay nakasalalay sa materyal. Ang konduksiyon sa mga metal at resistor ay sumusunod sa Batas ni Ohm. Ito ay nagsasaad na ang kuryente ay proporsiyonal sa nilalapat na elektrikong field. Ang densidad ng kuryente(kuryente kada unit area) na J sa isang materyal ay sinusukat ng konduktibidad na σ na inilalarawan bilang:

J = σ E

o ang resiprokal nitong resistibidad ρ:

J = E / ρ

Ang konduksiyon sa mga kasangkapang semikonduktor ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng isang kombinasyon ng elektrikong field at dipusyon. Ang densidad ng kuryente ay:

J = σ E + D qn

na ang q ang kargang elementaryo at ang n ang densidad ng elektron. Ang mga tagadala ay gumagalaw sa direksiyon ng papaliit na konsentrasyon kaya para sa mga elektron, ang isang positibong kuryente ay nagreresulta para sa isang positibong densidad na gradient. Kung ang mga tagadala ay mga butas, palitan ang densidad ng elektron na n ng negatibo ng densidad ng butas na p. Sa linyar an mga materyal na anisotropiko, ang σ, ρ at D ang mga tensor.

Mga sanggunian

baguhin
  NODES