Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na ibinibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.
Uri | Pampubliko (NASDAQ: FB) |
---|---|
Itinatag | 4 Pebrero 2004 |
Punong tanggapan | Menlo Park, California, US |
Lugar ng paglilingkod | Estados Unidos (2004–05) Buong mundo (2005–kasalukuyan) |
(Mga) tagapagtatag |
|
Key people | Mark Zuckerberg (Chairman at CEO) Sheryl Sandberg (COO) |
Industriya | Internet Advertising Social media Computer hardware Computer software |
Revenue | $85.97 bilyon |
Operating income | $32.67 bilyon (2020) |
Net income | $29.15 bilyon (2020) |
Total assets | $159.32 bilyon (2020) |
Total equity | $128.29 bilyon (2020) |
Mga mangagawa | 63,404 (Setyembre 2021) |
Mga sangay |
|
Websayt | facebook.com |
Katayuan sa Alexa | 7 |
Uri ng sayt | Social networking service |
Pagrehistro | Kinakailangan |
Mga tagagamit | 2.85 bilyon mga aktibong tagagamit noong Marso 2021 |
Mga wikang mayroon | Maraming wika |
Kasalukuyang katayuan | Aktibo |
Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes habang mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard.[1] Noong una, limitado ang pagsapi sa website na ito sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa ibang mga kolehiyo sa Boston, ang Ligang Ivy at Pamantasan ng Standford. Nang kalaunan, lumawak pa ito at napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan, mayroon na ang Facebook ng mahigit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo.[2] Gayumpaman, noong Mayo 2011, ang Consumer Reports ay nakitang mayroong mahigit 7.5 milyong akawnt na edad 13 pababa at na may mahigit 5 milyon sa edad na 10 pababa na lumabag sa patakaran ng websayt.[3]
Pagusbong
baguhinPagkalipas nang mahabang panahon ang Facebook ngayon sa bawat website na masasabi ay isa sa mga pinakaaktibo na gumagamit nito pag palo sa taong 2017 umabot sa 2 bilyong katao ang aktibo sa account na ito, bagamat hindi lahat nang ito ay magkakakilanlan dahil sa lugar o sa ibang pamamaraan, depende rin ito sa tao na gumagamit, Sa bansang Pilipino sa buong sulok ng Pilipinas mula Luzon hanggang Mindanao na ang may aktibong gumagamit nito simula nitong 2012 hanggang sa pangkasalukuyang taon, Isa pa rito ang idinagdag ang Facebook Messenger o mas pinaiksi bilang Messenger ay isang App na ginawa rin nang mga tagapangasiwa sa Facebook noong taong 2011 para makapag-usap nang maayos at maipaabot ang mga mensahe sa taong kinakausap, patok sa mga gumagamit hanggang sa kasalukuyan, nagsimula ang Facebook noong taong 2004 baba pa sa 2006 simula pag akyat sa taong 2012 ay namayagpag na ito sa sangkatauhan, kasama na rin rito ang paglibang nang mga tao kung wala silang makausap o makakwentuhan. Ang mga bansang ito ay aktibo sa buong Estados Unidos, mga bansa sa Timog Silangang Asya tulad nang mga bansang Vietnam, Thailand, Myanmar, Malaysia, Indonesia at kasama na rito ang Pilipinas.
Ang Facebook ngayon ay isa sa mga namamayagpag sa Alexa ranking nasa (3) sa social media accounts na aktibo, karamihan nito sa mga tagagamit (users) ay nasa mga pamayanan, mamayan mga kabahayan at iba pwede na rin ito magamit sa mobile phone, iphone, gamit rin ang data, WiFi internet at WiFi Load. Na isa sa mga ginagamit nang sangkatauhan. Mula noong 2006 di gaano kadami ang mga gumagamit nito ngunit pagsapit sa taong 2012 ay umusad at dumami ang mga tagagamit dahil sa dekalidad nang Facebook naidagdag pa rito ang mga follow signs, signs at iba pa. Hanggang umabot sa taong 2017, 2 bilyon mahigit ang aktibong gumagamit araw araw.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Talumbuhay ng mga Ehekutibo", Facebook. Kinuha noong 16 Agosto 2008.
- ↑ "Mga estadistika ng Facebook". Kinuha noong 9 Enero 2009.
- ↑ "Five million Facebook users are 10 or younger". ConsumerReports.org. Mayo 10, 2011. Nakuha noong Mayo 15, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)