Sa relihiyon ng Sinaunang Roma, ang isang flamen ay isang saserdote na itinakda sa isa sa 15 mga opisyal na kulto noong Republikang Romano. Ang pinakamahalaga sa mga ito ang mga flamines maiores (o "mga pangunahing saserdote") na nagsilbi na tatlong mga pangunahing diyos na Romano ng Kapitolinang Triad. Ang natitirang mga 12 ay mga flamines minores ("mas maliit na mga saserdote"). Ang dalawa sa mga minores ay nagpalago ng mga diyos na ang mga pangalan ay hindi na alam ngayon. Noong panahong Imperyong Romano, ang kulto ng ginawang diyos na emperador na Romano na divus ay may isa ring flamen. Ang 15 mga flamen na Republikano ay bahagi ng Kolehiyon ng mga Pontipise na nanganagsiwa sa itinataguyod ng estadong relihiyon. Kapag ang opisina ng flamen ay nabakante, ang Pontipise ay maaaring magsilbing temporaryong kapalit bagayan ang tanging Pontifex Maximus ang alam na humalili sa Flamen Dialis.

Ang opisyal na kasuotan ng isang flamen ay isang takip sa ulong tinatwag na apex at isang mabigat na lanang balabal na tinatawag na laena.[1] [2]

Flamines maiores

baguhin

Ang 3 flamines maiores ay kinakailangang mga patrisyo:

  • Ang Flamen Dialis na nangasiwa sa kulto ni Hupiter na diyos ng kalangitan at pinuno ng mga diyos.
  • Ang Flamen Martialis na nangasiwa sa kulto ni Mars na diyos ng digmaan, namumuno sa mga ritong pampubliko sa mga araw na sagrado kay Mars. Ang mga sagradong sibat ni Mars ay ritwal na kinakalog kapag ang mga lehiyong Romano ay naghahanda sa digmaan.
  • Ang Flamen Quirinalis na nangasiwa sa kulto ni Quirinus, nangasiwa sa organisadong buhay panlipunan ng Rom at nauugnay sa aspetong mapayapa ni Mars. Ang Flamen Quirinalis ay nangunguna sa mga rito sa mga araw na sagrado kay Quirinus.

Ang ikaapat na flamen maior ay inalay kay Julius Caesar bilang isang diyos (divus) ng estadong Romano.[3] Thereafter, any deceased emperor could be made divus by vote of the senate and consent of his successor, and as a divus he would be served by a flamen. The flamen's role in relation to living emperors is uncertain; no living emperor is known to have received official divine worship;[4]

Ang flamen ay maaari ring ikatawan ng isang proflamen, o ng isang kasaping walang pamagat na maaaring humalili par asa flamen. (qui vice flaminis fungebatur).[5]

Flamines minores

baguhin
 
Flamines na itinatangi sa kanilang mga matulis na takip sa ulo bilang bahagi ng prusisyon sa Ara Pacis.

Ang mga 12 flamines minores ay maaaring mga plebo. Ang tanging 10 ang alam sa mga pangalan:

  • Flamen Carmentalis, ang flamen para kay Carmentis
  • Flamen Cerialis, ang flamen para kay Ceres
  • Flamen Falacer, ang flamen para kay Falacer
  • Flamen Floralis, ang flamen para kay Flora
  • Flamen Furrinalis,ang flamen para kay Furrina
  • Flamen Palatualis, ang flamen para kay Palatua
  • Flamen Pomonalis, ang flamen para kay Pomona
  • Flamen Portunalis, ang flamen para kay Portunes
  • Flamen Volcanalis, ang flamen para kay Vulcan
  • Flamen Volturnalis, ang flamen para kay Volturnus

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maurus Servius Honoratus, Commentary on the Aeneid of Vergil iv.262; Cicero Brutus 57.
  2. Servius Commentary on the Aeneid of Vergil ii.683, viii.664, x.270.
  3. Caesar's first flamen was Mark Antony.
  4. Caesar may have been granted an active flamen while living; the evidence is equivocal.
  5. A Dictionary of Greek and Roman Antiquities (1890) (eds. William Smith, LLD, William Wayte, G. E. Marindin)[patay na link].
  NODES
os 8