Ang fresco ay isang paraan ng pagpipinta sa miyural na isinasagawa sa kakapahid lang na ("basang") emplastong apog. Tubig ang ginagamit na behikulo para magsama-sama ang tuyong malapulbos na pangkulay at emplasto, at sa pagtuyo ng emplasto, nagiging mahalagang bahagi ng pader ang pinta. Ang salitang fresco (Italyano: affresco) ay nagmumula sa Italyanong pandiwa fresco na nangangahulugang "sariwa", at sa gayon ay maisasalungat sa sining ng fresco-secco o secco sa pagpipinta ng miyural, na ipinapahid sa emplastong tuyo, upang madagdagan ang pagpipintang fresco. Ginagamit na ang sining ng fresco mula pa noong sinaunang panahon at may malapit na kaugnayan sa pagpipinta sa Italyanong Renasimiyento.[1][2]

Ang Paglalang kay Adan, isang pintang fresco ni Michelangelo, isang Italyanong manlilikha

Teknolohiya

baguhin
 
Etruskong fresco. Mga detalye ng dalawang mananayaw mula sa Libingan ng Triklinyo sa Nekropolis ng Monterozzi 470 BK, Tarquinia, Lazio, Italya

Hinahalo ang buon fresco na pangkulay sa tubig na may katamtamang temperatura at ipinapahid sa isang manipis na suson ng basang, panibagong emplasto na tinatawagang intonaco (mula sa salitang Italyano para sa emplasto). Dahil sa kemikal na kayarian ng emplasto, hindi kailangan ang pampabuo, dahil lulubog sa intonaco ang pangkulay na hinalo lang sa tubig, na kinakapitan mismo ng pangkulay. Hinihigop ng basang emplasto ang pangkulay; pagkatapos ng iilang oras, natutuyo ang emplasto dahil sa hangin: ito ang reaksyong kemikal na nagpapapirmi sa mga partikula ng pangkulay sa emplasto. Narito ang mga kemikal na proseso:[3]

 
Isang Romanong fresco ng isang binata mula sa Villa di Arianna, Stabiae, Ika-1 siglo PK.

Sa buon fresco na pagpipinta, idinaragdag ang isang magaspang na saligan na tinatawagang arriccio sa pagpipintahan at iniiwanang tumuyo ng iilang araw. Ginuhit ng mga mararaming manlilikha ang kanilang mga komposisyon sa saligang ito, na hindi kailanman makikita, gamit ang isang pulang pangkulay na tinatawagang sinopia, isang pangalan na tumutukoy rin sa mga guhit-guhit na ito. Nang maglaon,[kailan?] nabuo ang mga bagong paraan ng paglilipat ng mga guhit sa papel patungong pader. Tinuturok ang mga pangunahing linya ng dinrowing sa papel, nakasandal ang papel sa pader, at kinakalampagan ng isang supot ng uling (spolvero) para makabuo ng mga itim na tuldok sa mga linya. Kung gagawin ang pagpipinta sa ibabaw ng umiiral na fresco, gagaspang ang ibabaw para lumagkit ito. Sa araw ng pagpipinta, ang intonaco, isang mas manipis, makinis na suson ng pinong emplasto ay idinagdag sa saklaw ng pader na inaasahang matatapos sa araw na iyon, kung minsa'y tugma sa tabas ng mga pigura o tanawin, ngunit mas madalas na nagsisimula lamang sa pinakatuktok ng komposisyon. Ang tawag sa saklaw na ito ay giornata ("gawain ng araw"), at kadalasan, makikita ang mga iba't ibang yugto sa mga malalaking fresco, sa pamamagitan ng dugtungan na naghihiwalay sa kanila.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Mora, Paolo; Mora, Laura; Philippot, Paul (1984). Conservation of Wall Paintings. Butterworths. pp. 34–54. ISBN 0-408-10812-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ward, Gerald W. R., pat. (2008). The GroveEncyclopedia of Materials and Techniques in Art. Oxford University Press. pp. 223–5. ISBN 978-0-19-531391-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mora, Paolo; Mora, Laura; Philippot, Paul (1984). Conservation of Wall Paintings. Butterworths. pp. 47–54. ISBN 0-408-10812-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES