Si Fridtjof Wedel-Jarlsberg Nansen (10 Oktubre 1861 – 13 Mayo 1930) ay isang Noruwegong eksplorador ng Artiko[4], siyentipiko, politiko[4], at diplomata. Nagantimpalaan si Nansen ng Gantimpalaang Nobel na Pangkapayapaan noong 1922 dahil sa kanyang naging gawain bilang Mataas na Komisyonero ng Liga ng mga Nasyon.[4]

Fridtjof Nansen
Kapanganakan10 Oktubre 1861[1]
  • (Oslo Municipality, Noruwega)
Kamatayan13 Mayo 1930[1]
  • (Lysaker, Bærum Municipality, Akershus, Noruwega)
MamamayanNoruwega
NagtaposUnibersidad ng Oslo[2]
Trabahosoologo, diplomata, propesor, politiko,[3] potograpo, speed skater, manunulat
Pirma

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak siya malapit sa Christiana (kasaluyang Oslo). Sa kanyang paglalakbay sa Artiko, narating niya ang puntong 86°14' Hilaga, na mas pahilaga sa naabot ng sinumang tao noong 1895.[4]

Sa politika, tumulong siya sa pakikipagkasundo hinggil sa kasarinlan ng Noruwega mula sa Suwesya (Sweden) noong 1905. Siya ang naging unang ministro ng malayang Noruwega para sa Dakilang Britanya mula 1906 hanggang 1908.[4]

Mula 1910 hanggang 1914, naging kasapi siya ng mga ekspedisyong pang-Hilagang Atlantiko upang pag-aralan ang dagat.[4]

Noong 1921, naging Mataas na Komisyonero siya para sa mga refugee ng Liga ng mga Nasyon. Noong 1922, nagkamit siya ng gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan dahil sa kanyang mga gawaing kaugnay ng pagbibigay-lunas sa panahon ng tag-gutom sa Rusya.[4]

Kabilang sa kanyang mga naisulat na aklat ang Farthest North ("Pinakamalayo sa Hilaga").[4]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Notice de personne"; hinango: 16 Enero 2019.
  2. "Nansen – Norway’s first brain scientist"; hinango: 16 Enero 2019; tagapaglathala: Unibersidad ng Oslo; petsa ng paglalathala: 2008.
  3. "About Fridtjof Nansen". 19 Marso 2008. Nakuha noong 16 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 "Fridtjof Nansen". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing palabas

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 7
web 1