Gantimbayad
Ang kabayaran, gantimbayad, o ganting bayad (Ingles: wage) ay isang kompensasyon, karaniwang pampananalapi, na natatanggap ng mga manggagawa bilang kapalit sa kanilang mga nagawa o gawain. Ang kompensasyon bilang upa ay ibinibigay sa mga manggagawa at ang kompensasyon bilang suweldo o salaryo ay ibinibigay sa mga empleyado. Ang kompensasyon ay isang benepisyong salapi o pakinabang na pera bilang kapalit o ibinabalik para sa mga serbisyo o paglilingkod na isinasagawa ng mga naghahanapbuhay, o kaya bilang remunerasyon o panumbas na halaga sa ginawa ng nagtrabaho.
Impluwensiya sa halaga ng kabayaran
baguhinNakabatay ang ang antas o halaga ng kabayaran mula sa kayarian o mga tradisyon ng iba’t ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Ang antas na bayad ay maaaring produkto ng mga puwersang pampamilihan (dami ng nakukuha at dami ng pangangailangan), na pangkaraniwan halimbawa sa Estados Unidos. Maaari ring maimpluwensiyahan ang halaga ng kabayaran ng iba pang mga bagay-bagay, katulad ng kayariang panlipunan at senyoridad o pagiging “mas nauna” o mas matagal ng paglilingkod o pag-upo sa isang posisyon sa trabaho, o kaya ayon sa kataasan ng ranggo sa isang trabaho, katulad ng sa Hapon.[1]
May ilang mga bansa ang nagsakatuparan ng mga batas na pangkabayaran na para sa antas o halaga ng pinakamababang kabayaran na nagtatakda ng isang “sahig ng presyo” para sa partikular na mga gawain o trabaho.
Mga pagbabayad sa Estados Unidos
baguhinSa Estados Unidos, ang mga kabayaran para sa karamihan ng mga manggagawa ay itinatakda ng mga puwersang pangpamilihan (ang dami ng nakukuha at ang dami ng pangangailangan o supply and demand), o kaya ng pagtutulungan sa pakikipagkasundo, kung saan ang isang unyon ng mga manggagawa ay humaharap at nakikipag-usap bilang kinatawan ng lahat ng mga manggagawa. Ang Batas sa Patas na Pamantayang Pangmanggagawa ang naglulunsad ng isang pinakamababang halaga ng kabayaran sa antas na pederal na dapat sundin at tuparin ng lahat ng mga estado, bukod sa iba pang mga probisyon. Labing-apat at isa pang bilang ng mga lungsod ang nagtakda ng sarili nilang antas ng mababang bayad na mas mataas kaysa sa antas na pederal. Para sa mga partikular na mga kaugnayang pederal o pang-estadong pamahalaan, ang mga tagapagpatrabaho ay dapat na magbayad ng tinatawag na umiiral na kabayaran na nakabatay mula sa Batas Davis-Bacon o kaya mula sa katumbas nito. Nagsagawa ang mga aktibista ng pagtataguyod ng ideya ng isang antas ng kabayaran na pangpamumuhay na tumutuos sa mga gastusing pampamumuhay at iba pang mga payak na pangangailangan, na nagtakda sa antas ng bayad na pampamumuhay na mas mataas kaysa sa pangkasalukuyang ipinatutupad at hinihingi ng mga batas para sa pinakamamabang kabayaran.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ - Education 2020 Homeschool console, Vocabulary Assignment, ipinasok na kahulugan para sa "wage rate" (maaaring kailangan ang paglagda upang makita ang artikulo).