Si Geoffrey Chaucer (c. 1343 – 25 Oktubre 1400), kilalá bílang Ama ng Panitikang Ingles, ay malawakang itinuturing bílang pinakamahusay na makatang Ingles ng Gitnang Panahon at ang kauna-unahang makata na inilibing sa Poets' Corner ng Westminster Abbey.

Geoffrey Chaucer
Isang larawan ni Geoffrey Chaucer noong ika-17 dantaon
Kapanganakan1343 (Huliyano)
  • (Kalakhang Londres, London, Inglatera)
Kamatayan25 Oktubre 1400 (Huliyano)
LibinganWestminster Abbey
MamamayanKaharian ng Inglatera
Trabaholingguwista, makatà,[1] lyricist, pilosopo, politiko,[1] tagasalin, astrologo, manunulat
AsawaPhilippa Roet
AnakThomas Chaucer
Elizabeth Chaucer
Pirma

Nakamit niya ang katanyagan noong buháy pa siya sa pagiging manunulat, pilosopo, at astronomo, sa pag-akda ng siyentipikong tratado sa astrolabe para sa kaniyang sampung taóng gulang na anak na si Lewis, napanatili rin ni Chaucer ang aktibong tungkulin sa serbisyo sibil bílang burukrata, kortesano at diplomatiko. Kabílang sa marami niyang akda ang The Book of the Duchess, The House of Fame, The Legend of Good Women at Troilus and Criseyde. Higit na kilalá siya ngayon dahil sa The Canterbury Tales.

Si Chaucer ay naging mahalaga sa paglinang ng pagkalehitimo ng bernakular, ang Gitnang Ingles, noong panahon na ang namamayagpag na wikang pampanitikan sa Inglatera ay Pranses at Latin.

Búhay

baguhin

Si Geoffrey Chaucer ay isinilang sa Londres sa loob ng taóng 1343, bagama't ang tiyak na petsa at lokasyon ng kaniyang kapanganakan ay walang nakakaalam. Ang kaniyang ama ay parehong tagagawa ng alak (vintner) sa Lonres; ang ilang mga nakaraang henerasyon ay mga mangangalakal sa Ipswich. is father and grandfather were both London vintners; several previous generations had been merchants in Ipswich. Ang apelyido niya ay mula sa salitang Pranses na chausseur, na ibigsabihin ay "sapatero".[1] Noong taóng 1324, si John Chaucer, ang ama ni Geoffrey, ay dinakip ng tita nitó sa kagustuhang ipakasal ang labindalawang taóng gulang na laláki (na si John Chaucer) sa anak niya (ng tita) upang manatili ang ari-arian sa Ipswich. Ang tita niya ay nakulong at sa multang £250 nitó ay nangangahulugan na ang pamilya nila ay financially-secure—mga bourgeois, kung hindi man elite.

Noong 1359, sa mga unang yugto ng Hundred Years' War nilusob ni Edward III ang Pransiya habang si Chaucer ay naglalakbay kasáma nina Lionel of Antwerp, Unang Duke ng Clarence, at asawa ni Elizabeth, bílang bahagi ni Hukbong Ingles. Noong 1360, nahúli si Chaucer sa paglusob sa Rheims. Nagbayad si Edward ng £16 bílang pantubos kay Chaucer, isang malaking halaga, at si Chaucer ay pinakawalan.

Pagkatapos nitó,ang búhay ni Chaucer ay wala nang katiyakan, ngunit parang naglakbay siya sa Pransiya, Espanya, at Flanders, marahil bílang mensahero at bakâ para magperegrinasyon papuntang Santiago de Compostela.

Siya ay pinaniniwalaang namatay dahil sa mga hindi malámang sanhi noong 25 Oktubre 1400, ngunit walang matibay na katunayan sa petsang ito, dahil mula lámang ito sa nakaukit sa puntod niya, na tinayô mahigit isang daang taon matapos ang kaniyang kamatayan.

Impluwesiya

baguhin

Ingles

baguhin

Si Chaucer ay tinuturing din na pinagmulan ng bernakular na tradisyon ng Ingles. Ang nakamit niya para sa wika ay makikitang parte ng general historical trend tungo sa paglikha ng isang panitikang bernakular, matapos ang halimbawa ni Dante, sa maraming bahagi ng Europa. Isa ring kaparehong trend noong panahon ni Chaucer ang kasalukuyang nagaganap sa Eskosya sa pamamagitan ng mga akda ng kaniyang medyo mas maagang kontemporaryo, na si John Barbour, na malamáng ay mas pangkalahatan, at pinatutunayan ito ng halimbawa ng Pearl Poet sa hilaga ng Inglatera.

Bagama't ang wika ni Chaucer ay mas malápit sa Makabagong Ingles kaysa sa teksto ng Beowulf, dahil (hindi tulad ng Beowulf) ang isang mordernong tagapagsalita ng Ingles na may malawak na bokabularyo ng mga lipas nang salita (archaic words) ay maaaring makaintindi nitó, ngunit nagkakaiba pa rin ito dahil ginagawang makabago ang kaniyang kawikaan sa karamihan ng mga publikasyon. Ang sumusunod ay isang halimbawa mula sa prologo ng The Summoner's Tale na nagkokompara sa teksto ni Chaucer at sa makabagong salin:

Orihinal na Teksto Makabagong Salin
This frere bosteth that he knoweth helle, This friar boasts that he knows hell,
And God it woot, that it is litel wonder; And God knows that it is little wonder;
Freres and feendes been but lyte asonder. Friars and fiends are seldom far apart.
For, pardee, ye han ofte tyme herd telle For, by God, you have ofttimes heard tell
How that a frere ravyshed was to helle How a friar was taken to hell
In spirit ones by a visioun; In spirit, once by a vision;
And as an angel ladde hym up and doun, And as an angel led him up and down,
To shewen hym the peynes that the were, To show him the pains that were there,
In al the place saugh he nat a frere; In all the place he saw not a friar;
Of oother folk he saugh ynowe in wo. Of other folk he saw enough in woe.
Unto this angel spak the frere tho: Unto this angel spoke the friar thus:
Now, sire, quod he, han freres swich a grace "Now sir", said he, "Have friars such a grace
That noon of hem shal come to this place? That none of them come to this place?"
Yis, quod this aungel, many a millioun! "Yes", said the angel, "many a million!"
And unto sathanas he ladde hym doun. And unto Satan the angel led him down.
--And now hath sathanas, --seith he, --a tayl "And now Satan has", he said, "a tail,
Brodder than of a carryk is the sayl. Broader than a galleon's sail.
Hold up thy tayl, thou sathanas!--quod he; Hold up your tail, Satan!" said he.
--shewe forth thyn ers, and lat the frere se "Show forth your arse, and let the friar see
Where is the nest of freres in this place!-- Where the nest of friars is in this place!"
And er that half a furlong wey of space, And before half a furlong of space,
Right so as bees out swarmen from an hyve, Just as bees swarm out from a hive,
Out of the develes ers ther gonne dryve Out of the devil's arse there were driven
Twenty thousand freres on a route, Twenty thousand friars on a rout,
And thurghout helle swarmed al aboute, And throughout hell swarmed all about,
And comen agayn as faste as they may gon, And came again as fast as they could go,
And in his ers they crepten everychon. And every one crept into his arse.
He clapte his tayl agayn and lay ful stille. He shut his tail again and lay very still.[2]
  1. 1.0 1.1 https://cs.isabart.org/person/143966; hinango: 1 Abril 2021.
  2. Original e-text available online at the University of Virginia website[patay na link], trans. Wikipedia.
  NODES
Done 1
eth 4
orte 1
see 2