Ang haiku (俳句, haiku) ay isang uri ng maikling tula mula sa Hapon. Ang tradisyonal na haiku ay tungkol sa kalikasan, mga imahen ng kalikasan. Ang mga silaba'y sumusunod sa estrukturang tatlong linyang 5-7-5. Ang halimbawa tungkol sa ibon (ni Victor Emmanuel Medrano ng Kanada):

Haiku ni Yosa Buson
Mga haiku sa eksibisyon sa estasyon ng Ueno sa Hapon
Haiku ni pamosong Matsuo Bashõ
lumílipád na
ang ibon sa langit ngâ
—may saranggola

Ang haiku na isinalin ni Victor Emmanuel Medrano tungkol sa palaka ay orihinal na gawa sa Hapon ni pamosong Matsuo Bashō (1644-1694):

古池や
furuike ya
antigong lawà—
蛙飛込む
kawazu tobikomu
tumalón ang palaká'y
水の音
mizu no oto
tubig náriníg

Ang isang katangian ng tradisyonal na haiku ay ang kireji, ang pagputol para magkaroon ng dalawang imahen. Sa Hapon, ang mga salitang katulad ng ya at kana ay halimbawa ng kireji. Kung ang kireji ay gamit sa huli ng haiku, magkakaroon ng marangal na konklusyon.

Ang isa pang katangian ng tradisyonal na haiku ay ang kigo, ang salita para ipahiwatig ang panahon sa taon. Sa tula ni Matsuo Bashō, ang kigo ay kawazu—palaka—para sa tagsibol nang Pebrero hanggang Abril.

Ang modernong haiku ay iba sa tradisyonal, dahil hindi lamang ang kalikasan ang tema. Kung minsan, tao ang tema at siniko at madilim na nakakatawa; ang tulang ganito ay senryū (川柳) ang talagang tawag. Walang kireji o kigo ang senryū. Mas seryoso, pero mas maliwanag, ang haiku kaysa sa senryū.

Sinulat ni Karai Senryū (1718–1790) ang pundador ng mga senryū ang sumusunod na senryū. Isinalin ni Victor Emmanuel Medrano:

泥棒を
dorobō o
ang mágnanákaw
捕えてみれば
toraete mireba
kung nahuli ko siyá'y
我が子なり
wagako nari
nagíng anák ko
  NODES