Si Helena Zoila Tirona Benitez (27 Hunyo 1914 – 14 Hulyo 2016) ay dating politiko sa Pilipinas at tagapangasiwa ng Philippine Women's University. Nanungkulan siya sa Senado ng Pilipinas mula 1967 hanggang sa pagsasara ng Kongreso nang ideklara ang Batas Militar noong 1972 at sa Batasang Pambansa mula 1978 hanggang buwagin ito noong 1986. Si Benitez din ang nagtatag at nagtaguyod ng Bayanihan Dance Company.

Helena Z. Benitez
Mambabatas Pambansa mula Cavite
Nasa puwesto
30 Hunyo 1984 – 25 Marso 1986
Mambabatas Pambansa mula Timog Katagalugan
Nasa puwesto
12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1984
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Disyembre 1967 – 23 Setyembre 1972
Personal na detalye
Isinilang27 Hunyo 1914(1914-06-27)
Maynila, Pilipinas
Yumao14 Hulyo 2016(2016-07-14) (edad 102)
KabansaanPilipino
MagulangConrado Benitez (father)
Francisca Tirona (mother)
TahananLungsod Dasmariñas, Cavite
Alma materPhilippine Women's University

Personal na buhay

baguhin

Anak ng mga respetadong edukador si Helena Benitez. Ang kaniyang inang si Francisca Tirona ay isa sa mga nagtatag ng Philippine Women's College (ngayo'y Philippine Women's University) noong 1932; ang ama naman niyang si Conrado Benitez isang pensionado noong panahon ng mga Amerikano, ay naging delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1935 at naging unang dekano ng Kolehiyo ng Administrasyong Pangkalakalan ng Unibersidad ng Pilipinas.[1]

Edukasyon

baguhin

Nagtapós na magna cum laude sa Sining at Edukasyon mula PWU si Benitez. Nagpatuloy siya ng kaniyang graduwadong pag-aaral sa George Washington University at Iowa State College para sa kaniyang master's degree at sa University of Chicago.

Buhay pulitika

baguhin

Sumabak si Benitez sa pulitika noong 1967 nang tumakbo siyang senador sa ilalim ng Partido Nacionalista ni Ferdinand Marcos. Nanalo siya nang pumangwalo sa halalan sa pagka-senador. Sa Senado, isinulong ni Benitez ang mga batas na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kalikasan, konserbasyong ng Haribon.

Parangal

baguhin

Noong 14 Mayo 1998, ginawaran ni Pangulong Fidel Ramos si Benitez ng Orden ni Sikatuna na may ranggong "Datu" — ang kauna-unahang babaeng nakatanggap ng naturang parangal.[1]

Pagpanaw

baguhin

Si Benitez ay pumanaw noong 14 Hulyo 2016 sa edad na 102.[2]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Bueza, Michael. "Fast Facts: Helena Zoila Benitez is 100 years old." Rappler, 27 Hunyo 2014. Web. 29 Hunyo 2014.
  2. Antiporda, Jefferson (14 Hulyo 2016). "Helena Benitez dies at 102". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-14. Nakuha noong 14 Hulyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
admin 1