Ang Huambo, dating Nova Lisboa (Ingles: New Lisbon, 1928–1975), ay ang kabisera ng lalawigan ng Huambo sa Angola. Matatagpuan ang lungsod sa layong 220 kilometro silangan ng Benguela at 600 kilometro timog-silangan ng kabiserang lungsod na Luanda. Pangalawang pinakamalaking lungsod sa Angola ang Huambo, kasunod ng Luanda. Ito ang pangunahing sentro sa Caminho de Ferro de Benguela (CFB) (ang Daambakal ng Benguela), na tumatakbo mula sa pantalang lungsod ng Lobito papuntang lalawigan ng Lualaba sa Demokratikong Republika ng Congo. Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Albano Machado (dating Paliparan ng Nova Lisboa) ang Huambo.

Huambo

Nova Lisboa (1928–1975)
Munisipalidad at lungsod
Gitnang liwasan ng Huambo
Gitnang liwasan ng Huambo
Huambo is located in Angola
Huambo
Huambo
Kinaroroonan sa Angola
Huambo is located in Aprika
Huambo
Huambo
Huambo (Aprika)
Mga koordinado: 12°46′S 15°44′E / 12.767°S 15.733°E / -12.767; 15.733
Bansa Angola
LalawiganHuambo
Itinatag8 Agosto 1912; 112 taon na'ng nakalipas (1912-08-08)
Lawak
 • Munisipalidad at lungsod2,609 km2 (1,007 milya kuwadrado)
Taas
1,721 m (5,646 tal)
Populasyon
 (Senso 2014)
 • Munisipalidad at lungsod665,574
 • Kapal245.5/km2 (636/milya kuwadrado)
 • Metro
1,896,147
Sona ng orasUTC+1 (WAT)
KlimaCwb

Kasaysayan

baguhin

Unang kasaysayan

baguhin

Hango ang pangalang Huambo sa Wambu, isa sa 14 na dating mga kahariang Ovimbundu ng gitnang talampas ng Angola. Ang Ovimbundu na isang dating lipi na unang dumating mula Silangang Aprika, ay nagtatag ng kanilang kahariang sentral ng Bailundu noon pa mang ika-15 na dantaon. Ang Wambu ay isa sa mas-maliit na mga kaharian at nasa ilalim ng kapangyarihan ng hari ng Bailundu, bagamat nagtamo ito ng malaking saklaw ng kalayaan katulad ng ibang mga kaharian.

Pamumuno ng mga Portuges

baguhin

Nabanggit ang Bailundo sa ilang mga kasaysayan ng ika-18 at ika-19 na dantaon na may kaugnayan sa isang rutang pampangangalakal na nag-uugnay nito sa Viye (Bie). Ang Wambu naman ay nakilala lamang kalakip ng pagdating ng pagtatayo ng Daambakal ng Benguela ng mga Portuges. Tinutulan ng mga hari ng Bailundu at Wambu (lalo na sina Ekuikui II at Katiavala I) ang pagpasok ng daambakal sa pamamagitan ng pagtatambang ng mga manggagawa at nandayuhan. Paglaon, sila ay pinasuko ng Hukbong Katihan ng Portugal, at opisyal nang itinatag ni Gobernador-Heneral Norton de Matos ng Angola ang Huambo noong Agosto 8, 1912.

Magkaugnay ang umpisa ng Huambo at ng kahalagahang pang-ekonomiya na naabutan nito sa ilalim ng pangasiwaang Portuges sa pagtatayo ng Caminho de Ferro de Benguela (Daambakal ng Benguela), na sinimulan sa pambaybaying-dagat na bayan ng Lobito noong 1902. Ang daambakal na ito ay naibalangkas ng Britong maninikap na si Sir Robert Williams bilang pinakamadali at pinakamurang paraan upang maiugnay ang mayamang mga minahan ng tanso ng Katanga sa Belhikanong Congo sa isang lugar sa baybaying-dagat kung saan maaaring iluwas ang mineral. Hindi ikinakailang pinakamagandang likas na pantalang-dagat sa buong kontinente ang look ng Lobito.

Sa simula, lubhang napakahirap ang pagatatyo ng daambakal dahil sa pabaku-bakong lupa, ang paglaganap ng malarya at, sa paano man, ang pagtutol ng mga katutubo. Natuklasang isang estratehikong lugar ang Huambo dahil sa maraming mga kadahilanan. Isang kaaya-ayang klima (pangunahing dahilan ay ang mataas na altitud nito na nasa 1,700 metro) at ang pagkakaroon ng sapat na mga yamang tubig sa paligid nito ay naging isang tamang-tamang puwesto para makaroon ng himpilan sa daambakal. Noong naisakatuparan ito, napadali ang mga gawaing pagtatayo at natapos ang karugtong papunta sa hangganan ng Belhikanong Congo noong 1929. Sa mga panahong iyon ang Huambo ay naging lugar ng pinakamahalagang talayer ng daambakal sa Aprika.

Pagsapit ng dekada-1920 ang Huambo ay isa na sa pangunahing mga kasangkapang pang-ekonomiya ng Portuges na Angola.[1] Mayroon itong mahalagang mga planta sa pagpoproseso ng pagkain at nagsilbi bilang pangunahing pook ng pagluwas para sa maraming yamang agrikultura ng lalawigan at nakilala rin ito sa maraming mga pasilidad pang-edukasyon lalo na ang Suriang Pananaliksik ng Agrikultura (kasalukuyang bahagi ng College of Agricultural Science).

Noong 1928 binago ang pangalan ng Huambo sa Nova Lisboa (o Bagong Lisbon, mula sa Lisbon na kabisera ng Portugal). Ipinahihiwatig nito na nagbalak ang pangasiwaang kolonyal na gawin itong kabisera ng kolonya.

Noong 1966 ipinundar sa Nova Lisboa ang mga gradwasyon sa Veterinary Medicine, Agronomy and Forestry ng General University Studies of Angola (Unibersidad ng Angola mula 1968).

Sa larangan ng motorsports, nakilala sa kahulihan ng dekada-1960 ang Nova Lisboa sa buong daigdig sa anim na oras ng karerang pampalakasan na International Nova Lisboa.[2][3] Hanggang sa kalayaan ng Angola noong 1975, lumawak ang lungsod ng Nova Lisboa at lumago ang pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya nito, kaya ito ay naging isa sa pinakamahalagang mga sentrong urbano sa noo'y Portuges na Ibayong-dagat na Lalawigan ng Angola.[4]

Pagkaraan ng kalayaan

baguhin

Dekada-1970

baguhin

Kasunod ng kalayaan mula sa Portugal noong 1975, ibinalik ang dating pangalan ng Nova Lisboa – Huambo. Nagpatigil sa pag-unlad ng Angola at ng Huambo ang Digmaang Sibil ng Angola (1975–2002). Malaking bahagi ng impraestruktura ng lungsod ay nasira.[5]

Naging tagpo ang Huambo ng makalupit na Digmaang 55 Araw [en] at ibang mga labanan sa panahon ng madugong digmaang sibil sa pagitan ng MPLA at UNITA, na tumagal mula kasarinlan noong 1975 hanggang kamatayan ng pinuno ng UNITA na si Jonas Savimbi noong 2002. Pinalibutan at nawasak ang lungsod. Walang-awang pinatay ang karamihan sa mga mamamayan nito habang tumakas naman ang iba.

Sa paglaya ng Angola mula sa Portugal noong 1975, inihayag ni Savimbi ang Huambo bilang hiwalay na republika sa loob ng bansa. Ngunit kinuha muli ng MPLA ang lungsod noong Pebrero 8, 1976 sa tulong ng mga kawal ng Cuba, bagamat nanatili sa kapangyarihan ng UNITA ang karamihan sa mga kalapit-pook.

Pagsapit ng kalagitnaan ng taong 1976, itinatag ng hukbong ekspedisyon ng Cuba ang pinakamahalagang mga estraktura nito sa mga pook ng São Pedro, Lufefena, at Cruzeiro sa lalawigan ng Huambo at matatag na mga kampamento sa karamihan sa mga kabiserang pang-munisipalidad at pangunahing mga bayan, subalit nasa kapangyarihan ng UNITA ang lahat ng mga nalalabing lupain.

Nagsimulang magtipun-tipon sa mga bayan ang pinaalis na mga tao na naghahanap ng pisikal na mapagkukublian at mapagkawanggawang tulong. Salig nito, ang isa sa unang mga ahensiyang mapagkawanggawa na dumating sa lalawigan ng Huambo ay ang Krus na Pula (ICRC) noong 1979.

Dekada-1980

baguhin

Noong 1984 lumala ang kaguluhan, pati na ang paglikas sa mga bayan. Inilunsad ang isang pangunahing gawaing pagtulong sa mga kabisera ng Gitnang Talampas at sa ilang mga munisipalidad na mapapasukan pa rin ng eroplano. Nang mga panahon na iyon hawak ng UNITA ang malaking bahagi ng mga daan at lubhang maraming ibinaon na mga mina.

Dekada-1990

baguhin

Noong Mayo 1991 isinagawa ang isang kasundang pangkapayapaan sa pagitan ng MPLA at UNITA. Pasulong na namagitan ang mga ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa at mga NGO sa pagitan ng kalagitnaan ng 1991 at 1992. Unti-unting gumanda ang sitwasyon, at isinagawa ang mga pangkalahatang halalan noong Setyembre 1992. Ngunit nagsimula ang súliranin nang inilabas ang mga resulta ng mga pagboto. Mabilis na nakarating ang kagulugan sa Huambo, sapagkat itinuring ng UNITA ang lalawigan bilang kanilang dambanang pampolitika. Itinuon nila sa lungsod ang karamihan sa mga pinuno at kawal di-katagalan pagkatapos nang isinapubliko ang mga resulta ng halalan.

Pormal nang nanatili sa ilalim pamamahala ng pamahalaang MPLA ang lungsod, subalit tumindi ang igtingan dahil sa lumalaking marahas na mga gawain. Pagsapit ng katapusan ng 1992 umalis ng lungsod ang lahat ng banyagang mga ahensiya sa pagtulong. Nakuha ng UNITA ang buong pamamahala sa lungsod sa paglipas ng kasindak-sindak na mga labanan sa bawat lansangan na nagsimula pagkaraan lamang ng Kapaskuhan ng 1992, at umabot sa kasukdulan sa kalagitnaan ng Enero noong 1993. Tumagal nang 55 araw ang marahas na mga labanan sa loob at paligid ng Huambo,[6] hanggang sa umurong ang mga kawal ng pamahalaang MPLA at nakamit ng UNITA ang lubos na pamamahala ng lungsod. Sinakop din ng UNITA sa mga panahong iyon ang iba pang mga lungsod sa Gitnang Talampas.

Muling sumiklab ang armadong labanan noong Agosto 1994. Isang malaking opensiba ay nagbunga sa pagbawi ng pamahalaan ng pamamahala sa Huambo noong Nobyembre 9, at di-katagalan lahat ng panlalawigang mga kabisera. Lumipat naman ang punong himpilan ng UNITA sa Jamba sa lalawigan ng Kuando Kubango.

Pormal nang natapos ang digmaan noong Nobyembre 20, 1994 nang nilagdaan ang Protokol ng Lusaka. Sa pangmalakihan ang yugtong ito ay nagngangahulugang isang hakbang tungo sa pagiging normal ng sitwasyon, at tinanggap ito ng Huambo nang may katamtamang pag-asa sa mabuting ibubunga. Inilipat muli ng UNITA ang kanilang tanggapan sa Bailundo, mga 50 kilometro hilaga ng panlalawigang kabisera, kasunod ng paglagda ng protokol. Ikinabahala nang husto ng mga tagasubaybay ang gayong hakbang ng UNITA.

Pagsapit ng 1995 ganap na nagtatag muli ang malayang lulan ng tao at kalakal sa lalawigan. Pagsapit ng katapusan ng taon muling ipinadala sa lungsod ang mga tagapangalaga ng kapayapaan ng Mga Nagkakaisang Bansa (UNAVEM III), bilang pagsunod sa mga probisyon ng Protokol ng Lusaka. Ang 1996 at 1997 ay mga taon ng bahagyang pagpapabuti ng kalagayan ng pamumuhay ng mga sibilyan sa Huambo, bagamat katamatamang lamang ang pagpapanumbalik, mabagal ang mga gawaing pagsasaayos at hindi bumalik sa dating lakas ang mga gawaing pangkomersiyo.

 
Naiwang bakas ng kaguluhan sa Huambo: Isang gusaling may mga butas dulot ng mga putukan noong panahon ng digmaan

Pagkaraang nagpataw ang Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa ng mga sanksiyon laban sa UNITA (Oktubre 29, 1997) dahil sa mga antala sa pagpapatupad ng Protokol ng Lusaka at pagbabantulot sa pagpapatanggal ng kanilang mga hukbong militar at pagbibigay ng kanilang kuta, unti-unting lumaki ang kawalan ng kapanatagan sa Huambo, lalo na sa huling kalahati ng 1998. Noong mga unang araw ng Disyembre, naglunsad ng opensiba ang pamahalaan na itinutok sa pagbawi muli ng huling mga kutang hawak ng UNITA sa Huambo at Kuito; ang bagong labanan na ito ay umabot sa ibang mga rehiyon sa bansa di-katagalan.

Muling nagsimula ang malakihang paggalaw ng populasyon mula sa pangkabukirang mga lugar papuntang Huambo, Kuito at Caála. Itinatag sa mga lungsod na ito ang malaking mga kampo para sa napaalis na mga tao, habang napilitang umalis ang mapagkawanggawang mga ahensiya ng mga lugar na kontrolado ng UNITA, at ganap na umalis pagsapit ng katapusan ng taon at nakatuon sa Huambo, Caála, at kalaunan, Ukuma.

Naging salawahan nang husto ang sitwasyong panseguridad. Habang binobomba ang Huambo at ibang mga pangunahing bayan sa Talampas mula sa Bailundo at ibang mga puwestong hawak pa rin ng UNITA, pinabagsak ang dalawang eroplano ng C-130 Hercules na ikinarta ng Mga Nagkakaisang Bansa at lulan ng 23 katao sa ibabaw ng Vila Nova (Disyembre 26, 1998 at Enero 2, 1999), habang sila ay pinalilikas patungong Luanda - ang huling labi ng misyong UNAVEM III sa Huambo.

Nakuha muli ng pamahalaan ang bayan ng Bailundo noong Oktubre 1999. Nasa pamumuno na ng pamahalaan ang Londuimbali, Vila Nova at ilan pang mga malalaking bayan sa lalawigan, at noong Disyembre 1999 muling itinatag ang pangangasiwa ng estado sa lahat ng pangmunisipyong mga kabisera. Sa panahong ito naging pakikidigmang gerilya ang kombensiyonal na digmaan sa lalawigan, hawak pa rin ng UNITA ang maraming mga kabukiraning pook at walang piling tinatamaan ang mga kampo ng militar at pulisya ng pamahalaan, and malimit din ang mga pamayanang pansibilyan.

Nakaranas ng panibagong pagdami ang pag-aalisan ng mga sibilyan patungong Huambo at Caála.

Dekada-2000

baguhin

Noong unahan ng taong 2000 may higit na 25,000 napaalis na katao sa nayon ng Caála, at higit sa 40,000 katao sa Huambo. Nang humigpit ang mga pandaigdigang sanksiyon laban sa UNITA, umigting ang kanilang mga gawaing militar sa Huambo, at umabot sa tugatog ng karahasan pagsapit ng katapusan ng 2000.

Noong Oktubre 2001 inilunsad ng pamahalaan ang panibagong opensiba laban sa UNITA mula sa hilaga at timog ng lalawigan. Sa pagkakataong ito sinama ang mahigpit na gawaing militar sa operasyong kung tawagin ay operações de limpeça, sa letra-por-letra, mga operasyong paglilinis na binubuo ng pagtanggal ng malaking mga pangkat ng populasyon mula sa pangkabukirang mga lugar. Sa gayon ay may ilang tiyak na punto ng pagtitipun-tipon. Ang kaisipan sa likod ng estratehiyang ito ay upang pagkaitán ang gerilya ng maaaring tagasustento na maaari nilang makita sa mga nayong dati nilang hinawak, kaya hindi matitirahan ang kanilang pinamamahayan.

Panandaliang nagbunga ito ng panibagong panggigipit sa makukuhang mga pinagkukunan sa ligtas na mga lugar sa lungsod at sa lalawigan, at sa maraming kaso nagdulot ito ng pagkamatay sa pagkakagutom ng mga pangkat na binihag ng labanan o pinigilang umabot sa alinmang mga sonang iyon. Ang puntong ito ay maaaring kumatawan sa kasukdulan ng pagpapahirap ng pangkabukirang populasyon ng sibilyan na dinanas sa lalawigan ng Huambo sa kasagsagan ng digmaan.

Kasunod ng digmaang sibil

baguhin
 
Bahay ni Jonas Savimbi sa Huambo, nawasak noong 2002

Ang pagkamatay ni Jonas Savimbi noong Pebrero 2002 at ang kasunod na paglagda ng panibagong tigil-putukan ay nagpanumbalik muli ng katahimikan sa lalawigan. Itinakda ng mga saligan para sa kasalukuyang ginagawa na proseso ng kapayapaan at ang pagsisimula ng panahon ng pag-unlad.

Ang pagdating ng kapayapaan ay naghatid ng panibagong panahon ng muling pagtatayo at pagpapanibagong-buhay sa Huambo at sa buong Angola.

Heograpiya

baguhin
 
Tanawin ng Jardim da Cultura ng Huambo

Ang Huambo na nasa gitnang kabundukan ng Angola ay matatagpuan malapit sa inantubig (headwaters) ng Ilog Kunene.[7]

Ang Huambo ay mayroong klimang subtropikal na paltok (Köppen: Cwb), kalakip ang tag-ulan mula Oktubre hanggang Abril at ang tagtuyo mula May hanggang September. Sa kabila ng kinaroroonan nito sa tropiko, mayroong temperatura na katulad sa tagsibol ang Huambo sa kabuuan ng taon dahil sa mataas na altitud nito, isang katangiang madalas sa mga lungsod na may gayong klima. May maraming presipitasyon ang lungsod sa kabuuan ng taon; halos 1500 milimetro ang katamtamang dami ng ulan. Bahagyang mas-mataas ang temperatura sa Huambo kaysa Pretoria na matatagpuan sa layong 2000 kilometro timog-silangan..

Datos ng klima para sa Huambo (1941–1970)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 31.2
(88.2)
31.1
(88)
29.8
(85.6)
29.5
(85.1)
29.0
(84.2)
28.4
(83.1)
28.5
(83.3)
30.9
(87.6)
32.0
(89.6)
32.0
(89.6)
30.7
(87.3)
30.4
(86.7)
32.0
(89.6)
Katamtamang taas °S (°P) 24.9
(76.8)
25.2
(77.4)
25.0
(77)
25.5
(77.9)
25.4
(77.7)
24.6
(76.3)
25.0
(77)
27.2
(81)
28.7
(83.7)
27.3
(81.1)
25.2
(77.4)
24.9
(76.8)
25.7
(78.3)
Arawang tamtaman °S (°P) 19.8
(67.6)
19.8
(67.6)
19.8
(67.6)
19.6
(67.3)
18.0
(64.4)
16.2
(61.2)
16.6
(61.9)
18.8
(65.8)
21.0
(69.8)
20.8
(69.4)
19.8
(67.6)
19.8
(67.6)
19.2
(66.6)
Katamtamang baba °S (°P) 14.4
(57.9)
14.2
(57.6)
14.4
(57.9)
13.7
(56.7)
10.5
(50.9)
7.8
(46)
7.9
(46.2)
10.3
(50.5)
13.0
(55.4)
14.2
(57.6)
14.3
(57.7)
14.3
(57.7)
12.4
(54.3)
Sukdulang baba °S (°P) 8.9
(48)
8.4
(47.1)
9.3
(48.7)
7.4
(45.3)
4.6
(40.3)
2.1
(35.8)
2.0
(35.6)
4.7
(40.5)
7.7
(45.9)
9.4
(48.9)
7.5
(45.5)
9.2
(48.6)
2.0
(35.6)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 220
(8.66)
179
(7.05)
239
(9.41)
146
(5.75)
14
(0.55)
0
(0)
0
(0)
1
(0.04)
19
(0.75)
119
(4.69)
227
(8.94)
234
(9.21)
1,398
(55.04)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) 20 17 22 14 3 0 0 0 4 16 21 21 138
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 72 67 73 66 48 38 33 29 38 57 69 71 55
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 142.6 141.3 142.6 171.0 241.8 270.0 269.7 254.2 201.0 164.3 135.0 139.5 2,273
Arawang tamtaman ng sikat ng araw 4.6 5.0 4.6 5.7 7.8 9.0 8.7 8.2 6.7 5.3 4.5 4.5 6.2
Sanggunian: Deutscher Wetterdienst[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maria da Conceição Neto, In Town and out of Town: A Social History of Huambo (Angola), 1902–1975, PhD thesis, School of Oriental and African Studies/University of London, 2012
  2. 6h Huambo 1973, youtube.com
  3. Galpin, Darren. "Nova Lisboa". GEL Motorsport Information Page. Nakuha noong 24 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. NovaLisboaAnosOuro.wmv, a film of Nova Lisboa, Overseas Province of Angola, before 1975.
  5. New Lisbon's Ghost, images of Nova Lisboa, Portuguese Angola/Huambo, Angola (a few are from other places in the territory) before and after the Angolan Civil War, youtube.com
  6. "Stories from Huambo" Radio Netherlands Archives
  7. C.Michael Hogan. 2012. Kunene River. eds. P.Saundry & C.Cleveland. Encyclopedia of Earth. National Council for Science and the Environment. Washington DC.
  8. "Klimatafel von Huambo (Nova Lisboa), Prov. Huambo / Angola" (PDF). Baseline climate means (1961–1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong 25 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

  Gabay panlakbay sa Huambo mula sa Wikivoyage

12°46′S 15°44′E / 12.767°S 15.733°E / -12.767; 15.733

  NODES
INTERN 1