Si Sir Humphry Davy, Unang Baronet, FRS MRIA (ipinanganak noong 17 Disyembre 1778 sa Penzance, Cornwall, Inglatera; namatay noong 29 Mayo 1829 sa Lungsod ng Ginebra, Suwisa),[1][2][3] ay isang kimiko na ang pag-aaral ng elektrokimika ay humantong sa unang dalisay na mga anyo ng ilan sa mga elementong kimikal na katulad ng potasyo at sodyo. Isa rin siyang imbentor.[4] Marahil siya ay pinaka naalala sa ngayon dahil sa kaniyang pagkakatuklas ng ilang mga metal na alkali at mga alkalinang metal ng mundo, pati na sa mga naiambag niya sa pagkakatuklas ng mga kalikasang pang-elemento ng klorina at ng iyodo. Tinawag ni Berzelius ang Panayam na Bakeriano ni Davy noong 1806 na pinamagatang "Hinggil sa Ilang mga Ahensiyang Pangkimika ng Kuryente" (On Some Chemical Agencies of Electricity)[5] bilang isa sa pinakamahusay na talang-gunita (memoir) na nakapagpayaman sa teoriya ng kimika.[6] Ang sulating ito ay nakatuon sa anumang teoriya ng pagkakaugnayang pangkimika noong unang hati ng ika-19 na daantaon.[7] Noong 1815, naimbento niya ang lamparang Davy, na nakapagpahintulot sa mga mangmimina (mga minero) na makapagtrabaho nang ligtas habang mayroong mga gas na maaaring magliyab.

Humphry Davy
Kapanganakan17 Disyembre 1778
    • Penzance
  • (Cornwall, South West England, Inglatera)
Kamatayan29 Mayo 1829
  • (Canton of Geneva, Suwisa)
LibinganCimetière des Rois
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Kaharian ng Gran Britanya
Trabahokimiko, imbentor, pisiko, heologo, potograpo, makatà, manunulat
AsawaJane Davy (11 Abril 1812–)
Magulang
  • Robert Davy
  • Grace Millett
PamilyaJohn Davy
Pirma

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sir Humphry Davy, Baronet , britannica.com
  2. Mula sa Naka-arkibo 2009-02-18 sa Wayback Machine., Institue of Chemistry, The Hebrew University of Jerusalem
  3. SIR HUMPHRY DAVY (1778–1829) Naka-arkibo 2012-11-14 sa Wayback Machine., woodrow.org
  4. David Knight, ‘Davy, Sir Humphry, baronet (1778–1829)’, Oxford Dictionary of National Biography, Oxford University Press, 2004 napuntahan noong 6 Abril 2008
  5. "On Some Chemical Agencies of Electricity". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-26. Nakuha noong 2008-03-02.
  6. Berzelius, J. J.; isinalinwika nina A. Jourdan at M. Esslinger (1829–1833). Traité de chimie (sa wikang Pranses). Bol. 1 (ika-salinwika, mayroong 8 mga tomo na (na) edisyon). Paris. p. 164., Larbok i kemien (sa wikang Suweko) (ika-Orihinal na (na) edisyon). Stockholm. 1818.
  7. Levere, Trevor H. (1971). Affinity and Matter – Elements of Chemical Philosophy 1800–1865. Gordon and Breach Science Publishers. ISBN 2-88124-583-8.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya, Talambuhay at Suwisa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES