Si Hajji Abu Abdullah Muhammad Ibn Abdullah Al Lawati Al Tanji Ibn Battuta (Arabe: أبو عبد الله محمد ابن عبد الله اللواتي الطنجي بن بطوطة‎), o payak na Ibn Battuta (25 Pebrero 1304 – 1376) lamang, ay isang Arabong Morokanong Berber na dalubhasa sa Islam, manlalakbay, at eksplorador na kilala dahil sa kanyang mga paglalakbay at mga ekskursiyong tinatawag na Rihla ("Paglalakbay"). Nagtagal ang kanyang mga paglalakbay sa loob ng halos tatlumpung mga taon at sumaklaw sa halos sa kabuuan ng nalalamang daigdig ng Islam at lampas pa, na umaabot mula sa Hilagang Aprika, Kanlurang Aprika, Timog Europa, at Silangang Europa sa Kanluran, hanggang sa Gitnang Silangan, subkontinente ng Indiya, Gitnang Asya, Timog-Silangang Asya, at Tsina sa Silangan, isang distansiyang lumalampas sa mga nauna sa kanya at sa kanyang halos kasabayang si Marco Polo. Ang layo ay umabot sa 75,000 mga milya.[1] Dahil sa malawak na pagsasalaysay ng kanyang paglalakbay, karaniwang itinuturing si Ibn Battuta bilang isa sa pinakadakilang mga manlalakbay sa mundo.[2]

Ibn Battuta
Kapanganakan24 Pebrero 1304 (Huliyano)
  • (Tangier-Assilah Prefecture, Tangier-Tetouan-Al Hoceima, Marueko)
Kamatayan1368 (Huliyano)
    • Fes
  • (Fez Prefecture, Fès-Meknès, Marueko)
Trabahoeksplorador, heograpo, manunulat

Noong 1325, nagpunta si Ibn Battuta sa Mecca bilang isang pilgrimo, ang simula ng kanyang mga paglalakbay. Kasama sa mga pook na narating niya ang mga kinaroroonan ng mga Muslim, katulad ng Ehipto, Aprika, Persiya, Indiya, Rusya, Monggolya, Tsina, at sa Espanya na noon ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Moro.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Ibn Battuta?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 114.
  2. Nehru, Jawaharlal (1989). Oxford University Press. p. 752. ISBN 0195613236. {{cite book}}: Check |authorlink= value (tulong); Missing or empty |title= (tulong); Missing pipe in: |authorlink= (tulong); line feed character in |authorlink= at position 17 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)."


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Morocco ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES