Ireneo

Griyegong obispo at santo
(Idinirekta mula sa Irenaeus)

Si Ireneo (Griyego: Εἰρηναῖος) (ika-2 siglo CE – c. 202 CE) ang obispo ng Lugdunum sa Gaul, ngayong Lyon sa Pransiya. Siya ang mahusay na kilala sa kanyang aklat na Laban sa Erehiya na isinulat noong c. 180 na umatake sa mga iba ibang mga paniniwala na sumasalungat sa kanyang paniniwala. Siya ang unang nagmungkahi ng pagtanggap lamang sa 4 na ebanghelyo at nangatwiran laban sa mga ibang pangkat na Kristiyano na gumagamit ng mga ebanghelyo na kaunti o higit pa sa 4. Ang kanyang katwiran sa pagtanggap lamang ng 4 na ebanghelyo ay: "Ang mga ebanghelyo ay hindi posibleng higit o kaunti sa bilang. Dahil may apat na sulok ng daigdig na ating tinitirhan at apat na mga pangunahing hangin, at ang haligi at saligan ng simbahan ang ebanghelyo, at espirito ng buhay, akmang may apat na saligan na saan man ay humihinga ng kawalang korupsiyon at muling bumubuhay ng mga tao."

Saint Irenaeus
An engraving of St Irenaeus, Bishop of Lugdunum in Gaul (now Lyons, France)
Bishop and Martyr
Ipinanganak130
Smyrna in Asia Minor (modern-day İzmir, Turkey)
Namatay202
Lugdunum in Gaul (modern-day Lyons, France)
Benerasyon saRoman Catholic Church
Eastern Orthodox Church
Oriental Orthodox Church
Lutheran Church
Anglican Communion
KapistahanJune 28 (Roman Catholic Church, Anglican Communion); August 23 (Eastern Orthodox Church)

Si Irenaeus ang unang Kristiyano na nagbigay ng mga pangalan sa 4 na ebanghelyong kanyang tinanggap (Ebanghelyo ni Mateo, Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Juan). Bagaman sinipi niya ang karamihan ng mga aklat sa naging kanon ng Bagong Tipan, hindi niya binanggit o sinipi ang Sulat kay Filemon, 2 Pedro, 3 Juan at Sulat ni Judas. Kabilang sa mga "kasulatang" kanyang sinipi ang 1 Clemente at Pastol ni Hermas.

Kanyang sinalungat ang Kristiyanismong Gnostisismo sa kanyang aklat na Ukol sa Pagtukoy at Pagpapabagsak ng tinatawag na Gnosis o mas kilala bilang Laban sa Erehiya. Bago ang pagkakatuklas ng mga kasulatang gnostiko sa Aklatang Nag Hammadi noong 1945, ang paglalarawan ni Ireneus ang tanging alam na paglalarawan ng Gnostisismo. Ayon sa mga skolar, maling kinatawan o maling naunawaan ni Irenaeus ang mga paniniwala ng mga gnostikong Kristiyano.[1][2] Halimbawa, kanyang inilarawan ang mga pangkat gnostiko bilang mga hayok sa laman gayong ang mga kasulatang gnostiko ay nagtataguyod ng pagpipigil sa pakikipagtalik na mas masidhi pa kesa sa mga kasulatan ng mga kalaunang naging ortodoksiya na tumuligsa sa mga gnostiko.

Si Irenaeus rin ang unang Kristiyano na gumamit ng doktrinang apostolikong paghalili upang salungatin ang kanyang mga katunggali.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pagels, Elaine. Beyond Belief, Pan Books, 2005. p. 54
  2. Robinson, James M., The Nag Hammadi Library, HarperSanFrancisco, 1990. p. 104.
  NODES
Done 1