Si. Dr. José Veloso Abueva (MPA, IRKEWL, UP; PhD Political Science, University of Michigan) ay isa sa mga naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Tumanggap ng parangal para sa agham pampolitika mula sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) noong 1962, inilaan nya ang kanyang buhay sa mundo ng edukasyon. Isa siya sa mga guro sa Kolehiyo ng Pampublikong Pamamahala at bisitang propesor sa Brooklyn College, Unibersidad panglungsod ng New York at sa Yale University. Nagtrabaho din siya sa Pamantasan ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Tokyo. Kalihim siya ng Kombensyong ng Saligang Batas noong 1971 Constitutional Convention, direktor ng Lehislatura-Ehekutibong Komisyon sa Reporma ng Lokal na Pamahalaan at Tagapangulo ng Lehislaturang-Ehekutibong Konseho na namuno sa paggamit sa mga dating kampo ng militar. Isa rin siyang manunulat, ilan sa mga sinulat niya ay ang "Focus in the Barrio: The Foundation of the Philippine Community Development Program" at "Ang Filipino sa Siglo 21." Ang ilan naman sa mga isinaayos niyang lathalain aya ng "PAMANA: The UP Anthology of Filipino Socio-Political Thought since 1872."

José Veloso Abueva
Kapanganakan25 Hunyo 1928(1928-06-25)
Kamatayan18 Agosto 2021(2021-08-18) (edad 93)
TrabahoEdukador
Manunulat
AsawaCora Abueva
AnakLanelle, Jobert, Rosanna, Jonas
MagulangTeodoro Abueva
Purificacion Veloso


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
COMMUNITY 1