Katawan ng tao

Buong istraktura ng isang tao
Tumutukoy ang lathalaing ito sa pisikal na kayarian ng katawan ng tao, para sa makaagham na pag-aaral ng katawan ng tao, tingnan Anatomiya ng tao.

Ang katawan ng tao ay ang buong kayariang pangkatawan o pisikal ng isang organismong tao. Isang bagay ang katawan na maaaring masaktan o mawalan ng buhay. Nagtatapos ang mga tungkulin nito kapag sumapit ang kamatayan. Kinabibilangan ang katawan ng tao ng ulo, leeg, punungkatawan, dalawang bisig, at dalawang binti. Isa sa mga natatanging katangian ng katawan ng tao ang pagiging buhay o pagkakaroon ng buhay.[1]

Mga bahagi at sangkap ng katawan ng tao.

Paglalarawan

baguhin

Pangkaraniwang taas ng isang nasa edad nang lalaking tao ang mga 1.8 metro (6 talampakan) at nasa mga 1.6 hanggang 1.7 metro ang isang nasa gulang na babaeng tao. Naaayon ang taas na ito sa diyeta o mga kinakain ng tao at, pangalawa, sa hene. Naiimpluwensiyahan ng nutrisyon at pagsasanay ang uri ng katawan at komposisyon ng katawan. Sa pagsapit ng tao sa kaniyang tamang edad, naglalaman na ang katawan ng malapit sa 100 trilyong (100,000,000,000,000) selula, ang pinakapayak o basikong yunit ng buhay. Magkakatulong at magkakasamang kung gumawa ang mga pangkat ng mga selula para bumuo ng himaymay, na nagsasamasama naman para buuin ang mga laman-loob, na sila namang nagtitipun-tipon para mabuo ang sistema ng mga organo.

Sa ilang mga gawi, katulad ng isang makina ang katawan ng tao, sapagkat kailangan ng katawan ang enerhiya. Nangangailangan ang makina ng gasolina, samantalang kailangan naman ng katawan ang pagkain. Subalit mas nakahihigit ang katawan kesa makina, sapagkat napagbabago ng katawan ang pagkain upang maging nabubuhay na mga materyal. Dahil sa pagkain, lumalaki, tumataas at umuunlad ang katawan, isang katangiang hini magagawa ng isang makina. Maaaring makadama ang mga makina: nakakakita ang mga kamera at natututo ang mga kompyuter, subalit walang pandama ang mga makina, isang katangiang mayroon ang tao. Nakakadama ang mga tao, nakakatanaw, nakapag-iisip, at natututo. May kakayahan din ang katawan ng taong gamutin at "kumpunihin" ang mga sirang bahagi nito. Nakalilikha din ng bagong buhay ang katawan ng tao.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Body, Human". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin
  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao, isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa wikang Pilipino, NRCP Medical Series 1 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Selula ng Tao, tinatalakay ng seryeng ito ang histolohiya ng mga selula at iba’t ibang uri ng mga selula, at mga bahagi ng selulang natatagpuan sa katawan ng tao; nilalarawan din nito ang dibisyon o paghahati ng mga selulas, at ang pormasyon o pagbubuo ng selula para maging isang tisyu. NRCP Medical Series 2 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. NRCP Medical Series 3 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph

Mga kawing panlabas

baguhin
  NODES
Done 1