Ang keyk ay isang kumpites na gawa sa harina, asukal, at iba pang sangkap at kadalasang hinuhurno. Sa mga makalumang anyo, malatinapay ang mga keyk, ngunit ngayon sumasaklaw ang keyk sa samu't saring uri ng paghahanda na maaaring simple man o magarbo at may mga kahawig na katangian sa ibang panghimagas tulad ng mga pastelerya, merengge, kastard, and pie.

Keyk
Isang ube cheesecake
KursoPanghimagas
Pangunahing SangkapKadalasan harina, asin, asukal, itlog, mantikilya, o mantika

Kabilang sa mga pinakakaraniwang sangkap ang harina, asukal, itlog, taba (kagaya ng mantikilya, mantika, o margarina), isang likido, at isang pampaalsa, gaya ng sodang panghurno o pulbos panghurno. Kabilang sa mga karaniwang sahog ang pinatuyo, minatamis, o sariwang prutas, nuwes, kakaw, at mga ekstrakto tulad ng baynilya, na may maraming pamalit para sa mga pangunahing sangkap. Maaari ring palamanan ang mga keyk ng mga minatamis, nuwes, o sarsang panghimagas (gaya ng mga kastard, halaya, nilutong prutas, batidong krema, o sirup),[1] pinahiran ng buttercream o iba pang mga aysing, at palamutian ng masapan, pipadong gilid, o minatamis na prutas.

Madalas inihahain ang mga keyk sa mga pagdiriwang o seremonya, tulad ng mga kasalan, anibersaryo, at kaarawan. Napakarami ang mga resipi ng keyk; ilan na malatinapay, ilan na magarbo at detalyado, at marami na siglo-siglo na ang tanda. Hindi na kumplikado ang paggawa ng keyk; habang dati napakamatrabaho ang paggawa ng keyk, pinasimple ang mga kagamitan at tagubilin sa paghuhurno para makakagawa ang sinuman ng keyk kahit ang mga pinakabaguhang panadero.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Cake Filling Types". RecipeTips. 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2022. Nakuha noong 8 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 2
web 1