Capparis spinosa

(Idinirekta mula sa Keyper)

Ang Capparis spinosa (Ingles: caper, caper bush, Flinders rose[1]; Espanyol: alcaparro) ay isang santaunan o perenyal na halamang nalalagasan ng dahon tuwing taglamig na nagkakaroon ng mga dahong malaman at mabilog at namumulaklak ng malalaking puti hanggang marosas na puting mga bulaklak. Kilala ang halaman para sa mga nakakain na mga usbong ng mga bulaklak na tinatawag na mga caper, na kadalasang ginagamit bilang panimpla, at ang bungang caper berry, na kapwa kinukunsumo bilang inatsara o binuro. Ang ibang mga espesye ng Capparis ay binuburo ring katulad ng C. spinosa dahil sa kanilang mga usbong at mga bunga. Ang ibang mga bahagi ng mga halamang Capparis ay ginagamit sa pagmamanupaktura ng mga gamot at mga kosmetiko.

Capparis spinosa
(Ingles: Caper)
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
C. spinosa
Pangalang binomial
Capparis spinosa
Linnaeus, 1753

Mayroong Capparis spinosa sa halos lahat ng mga bansang nasa paligid ng lunas ng Mediteraneo, at kasama sa kabuoang pambulaklak ng karamihan sa mga ito, subalit hindi natitiyak kung katutubo ito sa rehiyong ito. Bagaman ang mga halaman ng rehiyong Mediteraneo ay mayroong sapat na endemismo, ang palumpong ng caper ay maaaring nagmula sa tropiko, at lumaong naging likas sa lunas ng Mediteraneo.[2]

Pagkain

baguhin

Ang inatsarang mga usbong ng bulaklak ng palumpong na Mediteraneong ito ay ginagamit bilang isang mahayap na pampalasa o rekado sa mga pagkain.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "USDA GRIN Taxonomy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-11. Nakuha noong 2013-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pugnaire, F (1989). "Nota sobre las Capparaceae ibéricas". Blancoana. 7: 121–122.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
iOS 1
os 18
web 1