Konsilyo ng Chalcedon

(Idinirekta mula sa Konseho ng Chalcedon)

Ang Konsilyo ng Chalcedon ang konsilyong idinaos mula Oktubre 8 hanggang Nobyembre 1, 451 CE sa Chalcedon na isang siyudad sa Bithynia sa Asya menor. Ang konsilyong ito ay kinikilala na Ikaapat na Konsilyong Ekumenikal ng Silangang Ortodokso, Simbahang Katoliko Romano(kabilang ang mga Silanganing simbahang Katoliko), Lumang Katoliko at iba't iba pang mga pangkat Kristiyano sa Kanluran. Ang konsilyong ito ay itinuturing ng mga Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso(sa panahong ito ay iisang Simbahan) na inpalible sa mga depinisyong dogmatiko nito. Ang karamihan rin ng mga Protestante ay tumuturing sa konsepto ng Trinidad at Pagkakatawang-tao na inilarawan sa Unang Konsilyo ng Nicaea(325 CE) at Chalcedon na doktrinang ortodokso na kanilang pinaniniwalaan. Gayunpaman, ang konsilyong ito ay itinatakwil ng ilang mga sinaunang Simbahang Silanganin kabilang ang Oriental Ortodokso ng Ehipto, Syria at Armenia at ang Simbahang Assyrian ng Silangan. Ang Oriental Ortodokso ay nagtuturo ng ang pagkadiyos at pagkatao ni Kristo ay pinagkakaisa sa isang kalikasan. Ito ay maling nirepresenta bilang isang pagtanggi sa kanyang tunay na pagkatao at ginamit upang siraan bilang erehiyang monopisismo bagaman ang mga neutral na terminong miapisismo ang malawakang tinatanggap ng mga hindi-Chalcedoniano. Ang konsilyong ito ay humantong sa pakikipaghiwalay ng mga hindi-Chaledonianong Ortodoksong Oriental mula sa mga Chalcedoniano noong ika-5 siglo CE.[1] Ito ang huling konsilyo na itinuturing ng mga Anglikano at Protestante na ekumenikal.[2] Ang Konsilyo ng Chalcedon ay tinipon ni Emperador Marcian na may pag-aatubiling pagpayag ni Papa Dakilang Leo upang itabi ang Ikalawang Konsilyo ng Efeso(449 CE) na mas kilala bilang "latrocinium". Binuo ng Konsilyong ito ang Depnisyong Chalcedonian na nagtatakwil ng doktrinang ang pagkaDiyos at pagkatao ni Hesus ay nagkakaisa sa isang kalikasan(physis) na hindi mahihiwalay ng mga hindi-Chalcedoniano. Ang depinisyong Chalcedoniano ay nagsasaad na si Kristo ay may dalawang mga kalikasan(physis) sa isang persona at hypostasis. Ang konsilyong ito ay bumuo rin ng 27 pangdisiplinang kanon na nangangasiwa sa administrasyon at autoridad ng simbahan. Sa isang karagdagang atas na kalaunang nakilala na kanon 28, idineklara ng mga obispo na ang Sede ng Constantinople(Bagong Roma) ay katumbas sa karangalan at autoridad sa Roma.

Konsilyo ng Chalcedon
Petsa451 CE
Tinanggap ngRomano Katoliko, Lumang Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Lutherano
Nakaraang konsehoUnang Konsilyo ng Efeso
Sumunod na konsehoIkalawang Konsilyo ng Constantinople
Tinipon niEmperador Marcian
Pinangasiwaan niIsang lupon ng mga opisyal ng pamahalaan at mga senador na pinamunuan ng partisyanong siAnatolius
Mga dumaloTinatayang 370
Mga Paksa ng talakayanAng hatol na inisyu sa Ikalawang Konsilyo ng Efeso(449 CE), ang mga inaakusang paglabag ng Obispong si Dioscorus ng Alexandria, ang depinisyon ng Pagkadiyos at pagkatao ni Kristo, maraming mga alitan na kinasasangkutan ng mga obispo at mga sede
Mga dokumento at salaysayKredong Chalcedonian Creed, 28 kanon
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal
Bithynia (Βιθυνία)
Pinagdausan ng Konsilyo ng Chalcedon sa Anatolia Turkiya
LoHilagang Anatolia Turkiya
State existed297–74 BC
NationGreeks, Bithyni, Thyni
Historical capitalsNicomedia, Nicaea
Roman provinceBithynia
Location of Bithynia within Asia Minor/Anatolia
Konsilyo ng Chalcedon

Bago ang konsilyo

baguhin

Noong Nobyembre 448 CE, ang isang synod sa Constantinople ay kumondena kaya Eutyches para sa kawalang ortodoksiya nito.[3] Si Eutyches, archimandrite (abbot) ng isang monasteryong Constinapolitan[4] ay nagturong si Kristo ay hindi konsubstansiyal sa pagiging tao.[5]

Noong 449, sinamo ni Theodosius II ang isang Ikalawang Konsilyo ng Efeso noong 449 CE kung saan si Eutyches ay napawalang sala at bumalik sa kanyang monasteryo.[3] Ang konsilyong ito ay kalaunang pinataob ng Konsilyo ng Chalcedon at tinawag na "Latrocinium" (i.e., "Robber Council").[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The acts of the Council of Chalcedon by Council of Chalcedon, Richard Price, Michael Gaddis 2006 ISBN 0-85323-039-0 pages 1–5 [1]
  2. An Episcopal dictionary of the church by Donald S. Armentrout, Robert Boak Slocum 2005 ISBN 0-89869-211-3 page 81 [2]
  3. 3.0 3.1 3.2 "Latrocinium." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  4. "Eutyches" and "Archimandrite." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  5. "Monophysitism." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  NODES
admin 1
todo 8