Ilocos Sur
Ang Ilocos Sur (Filipino: Timog Ilocos, Ilokano: Makin-abagatan nga Ilocos) ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabiserang panlalawigan nito ay Vigan City, na nasa bunganga ng Ilog Mestizo River. Napapaligiran ang Ilocos Sur ng Ilocos Norte at Abra sa hilaga, Lalawigang Bulubundukin sa silangan, La Union at Benguet sa timog at ang Dagat Timog Tsina sa kanluran.
Ilocos Sur | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Ilocos Sur | |||
Panlalawigang Kapitolyo ng Ilocos Sur | |||
| |||
Location in the Philippines | |||
Mga koordinado: 17°20′N 120°35′E / 17.33°N 120.58°E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Rehiyon ng Ilocos | ||
Founded | 1572 | ||
Capital | Vigan | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Governor | Ryan Luis V. Singson (NP) | ||
• Vice Governor | Jeremias "Jerry" C. Singson (NP) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,596.00 km2 (1,002.32 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-51 mula sa 81 | ||
Pinakamataas na pook | 2,009 m (6,591 tal) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 706,009 | ||
• Ranggo | Ika-42 mula sa 81 | ||
• Kapal | 270/km2 (700/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-33 mula sa 81 | ||
Paghahati | |||
• Malayang Lungsod | 0 | ||
• Nakapaloob na Lungsod | |||
• Munisipalidad | 32
| ||
• Barangay | 768 | ||
• Distrito | Ika-1 at Ika-2 distrito ng Ilocos Sur | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
IDD : area code | PH-ILS | ||
Mga sinasalitang wika | |||
Websayt | mis.ilocossur.gov.ph |
Itinatag ang Ilocos Sur ni Juan de Salcedo, isang Kastilang konkistador, noong 1572. Nabuo ito noong pinaghiwalay ang hilaga (Ilocos Norte ngayon) sa timog (Ilocos Sur). Sa panahong iyon, kalakip nito ang mga bahagi ng Abra at ang itaas na kalahati ng La Union sa kasalukuyan. Ang kasalukuyang hangganan ng lalawigan ay permanenteng binigyang-kahulugan ng Kautusan Blg. 2683, na nilagdaan noong Marso 1917.
Ang lalawigan ay tahanan sa dalawang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO, alalaong baga’y ang Pamanang Lungsod ng Vigan at ang Simbahang Santa Maria.
Heograpiya
baguhinAng lalawigan ng Ilocos Sur ay nahahati sa 32 bayan at 2 lungsod.
Mga Lungsod
baguhinMga Bayan
baguhinPisikal
baguhinMatatagpuan ang lalawigan ng Ilocos Sur sa kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon. Naghahanggan ang ito sa Ilocos Norte sa Hilaga, sa Abra sa hilagang silangan, sa Mountain Province sa silangan, sa Benguet sa timog silangan, sa La Union sa timog, at sa Dagat Tsina sa silangan. May sukat itong 2,579.58 kilometro parisukat na sumasakop sa 20.11 % ng kabuuang area ng Rehiyong 1.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2013. Nakuha noong 19 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)