Si Leopoldo Salcedo ay isang artistang Pilipino. Kilala rin siya bilang Pol, isang palayaw. Tinagurian siyang The Great Profile sa kasaysayang pelikulang Pilipino. Nagkaroon siya ng pelikulang Mr. Dupong dahil purong-kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat.

Leopoldo Salcedo
Kapanganakan
Leopoldo Ganal Salcedo

12 Marso 1912(1912-03-12)
Kamatayan11 Hunyo 1998(1998-06-11) (edad 86)
TrabahoAktor
Aktibong taon1934–1993

Talambuhay

baguhin

Sariling buhay

baguhin

Anak niya sina Yvonne Salcedo-Jones at Edgar Salcedo at labindalawang iba pa sa limang naging kabiyak.

Larangan

baguhin

Hindi naging madali kay Leopoldo Salcedo ang pagpasok sa pelikula, nagsuot muna siya sa butas ng karayom para bago niya maabot ang tugatog ng kanyang kasikatan.

Lumabas siya bilang ekstra sa pelikulang Sawing Palad at nasundan pa iyon ng Ang Itinapon noong 1936. Hindi pa siya gaanong napansin hanggang kontratahin siya ng Filippine Pictures at gawin ang limang kontratang pelikula ang Ligaw na Bituin, Kalapating Puti, Dalagang Silangan, Biyaya ni Bathala at Anak ng Hinagpis at ang kanyang papel ay pawang suporta lamang sa mga bigating artista sa pelikula.

Hanggang sa noong 1940 ay ipagkatiwala sa kanya ng pelikulang hango sa tunay na buhay ang Sakay ay doon na nagsimulang mapansin ang kanyang pagganap na de-kalidad, ito ay pumutok sa takilya hnaggang sa nakagawa pa siya ng isang dosenang pelikula sa loob lamang ng dalawang taon bago magkagiyera.

Kinuha ng LVN Pictures ang kanyang serbisyo para itambal sa pinagmamalaki ng kompanya na si Mila del Sol ang Mabangong Bulaklak. Kung tutusin ay mas marami siyang nagawang pelikula sa LVN kumpara sa Sampaguita Pictures.

Si Pol Salcedo ay nagtatag ng sarili niyang kompanya ang LGS Production at lima lamang ang nagawa niyon ito ay ang Kambal na Lihim, Parole kasama si Paraluman, Divisoria..Quiapo... kabituin si Gloria Sevilla, Tampalasan,Highway 54 at Mr. Dupong.

Sa bakuran ng Sampaguita Pictures, tatlo lamang ang kanyang nagawa at ito ay ang Katawang Lupa kabituin si Lolita Rodriguez, Sandra kapareha si Carmen Rosales noong 1959 at Anak ni Kamagong, kung saan kasama niya ang anak na si Edgar Salcedo, noong 1964.

Una niyang idinirek ang pelikulang Sierra Madre ng LVN Pictures noong 1949.

Mga pelikula

baguhin

Bilang aktor sa pelikula

baguhin

Bilang direktor ng pelikula

baguhin
  NODES