Ang Londinium[1] o Romanong Londres ay isang lungsod o bayan na itinatag ng mga Romano noong mga 47 T.P., ang kapanahunan ng Romanong Britanya. Ayon sa kasaysayan ng Londres, dumating ang pagpapabaya at pag-iwan sa Londinium ng mga Sinaunang Romano noong ika-5 dantaon. Sa kasalukuyan, ito ang Lungsod ng Londres, Inglatera.

Natitirang labi ng pader ng Londinium, ang Romanong Londres.

Hindi itinatag ang Londinium ayon sa isang plano sapagkat lumaki ito mula sa mga magkakalapit na mga bayan. Sa pagtatayo ng mga kabahayan ng mga mamamayan sa pagitan ng mga hangganan ng mga bayang ito, naging isang malaking lungsod ang Londinium. Nang dumating ang mga Romano sa Britanya noong 43 T.P., nagtatag sila ng isang bayan sa pilapilan o baybayin ng Ilog Tamesis. Nagtayo sila ng pader sa paligid ng ilog at gumawa ng mga unang tulay sa kahabaan ng Thames. Maraming mga mangangalakal at manggagawa ang nanirahan sa Londinium. Sa pagsapit ng ika-3 dantaon AD, nagkaroon ng may 15,000 katao ang namumuhay sa loob ng pader ng Romanong Londres.[1]

Makaraang lumikas ang mga Romano mula sa Britanya noong ika-5 dantaon, nawala rin ang mga naninirahan dito. Subalit napakahalaga ng London para iwan na lamang, kaya't noong ika-9 dantaon, muling itinatag ni Haring Alfredo ang Dakila (Alfred the Great) ang bayan, isinaayos muli ang pader na itinayo ng mga Romano, at naglagay ng mga bagong pananggalang. Nang sumapit ang paglusob ni Guillermo ang Mananakop (William the Conqueror) noong 1066, isang matatag na bayan ang London na nasanay sa pagpapatakbo ng sariling mga gawain. Tinanggap ng mga taga-Londres (mga taga-Londinium) si Guillermo bilang hari, sapagkat binigyan sila ni Haring Guillermo ng karta o nasusulat na kapahintulutan at pangakong masayang makapagpapatuloy ang mga mamamayan ng Londres sa kanilang mga pribilehiyo at mga karapatang natatamo, bago pa man sila sakupin ni Haring Guillermo.[1]

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Londinium, London". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin
  • Billings, Malcolm (1994), London: a companion to its history and archaeology, ISBN 1-85626-153-0
  • Inwood, Stephen. A History of London (1998) ISBN 0333671538
  • John Wacher: The Towns of Roman Britain, London/New York 1997, p. 88-111. ISBN 0-415-17041-9
  • Gordon Home: Roman London: A D 43 - 457 May mga ilustrayon, artipakto, diyagrama at plano. Nilimbag ng Eyre at Spottiswoode (London), 1948, (walang ISBN)
  NODES
Done 1
Story 2