Ang MRSA (bigkas: /em•ar•es•ey/ o /mér•sä/; mula sa Ingles na "methicillin-resistant Staphylococcus aureus", lit. "Staphylococcus aureus na hindi tinatablan ng methicillin") ay isang bacterium na responsable sa ilang mga mahirap na gamuting impeksiyon sa mga tao. Ito ay tinatawag ring multidrug-resistant(hindi tinatablan ng maraming gamot) na Staphylococcus aureus at hindi tinatablan ng oxacillin na Staphylococcus aureus (ORSA). Ang MRSA ay anumang strain ng Staphylococcus aureus na nakalikha ng resitansiya(kakahayang hindi tablan) sa mga beta-lactam na mga antibiotiko na kinabibilangan ng mga penicillins (methicillin, dicloxacillin, nafcillin, oxacillin, etc.) at mga cephalosporin. Ang pagkakalikha ng gayong resistansiya ay hindi nagsasanhi sa organismo na mas maging likas na birulente kesa sa mga strain ng Staphylococcus aureus na walang resistansiya sa antibiotiko ngunit ang resistansiyang ito ay gumagawa sa MRSA na mas mahirap gamutin kesa sa mga pamantayang uri ng mga antibiotiko kaya ito ay mas mapanganbi sa kalusugan. Ang MRSA ay lalong nagdudulot ng problema sa mga hospital at mga tahanan ng narsing kung saan ang mga pasyenteng may bukas na mga sugat, ipinapasok na mga kasangkapan sa katawan, at huminang sistemang immuno ay nasa mas malaking panganib ng impeksiyon kesa sa pangkalahatang publiko.

  NODES
os 3