Pandaragit

(Idinirekta mula sa Mandaragit)

Ang pandaragit o predasyon (Ingles: predation) ay isang interaksiyon sa biyolohiya kung saan ang isang organismo na tinatawag na predator (mandaragit) ay pumapatay at kumakain ng isa pang organismo na tinatawag na prey (nasila o biktima) Ito ang isa sa pamilya ng karaniwang mga pag-aasal sa pagkain ng ga hayop na kinabibilangan ng parasitismo at mikropredasyon (na hindi karaniwang pumapatay sa hosto nito at parasitodismo na palaging pumapatay sa hosto nito). Ang pandaragit ay iba sa mga carroñero (scavenger) na kumakain ng mga patay na hayop bagaman ang karamihan ng mga predator ay mga carroñero rin. Ito ay kasama sa herbiborya sa ang mga predator ng binhi at mga mapangwasak na mga frugivora ay mga predator. Karamihan sa mga predator ay aktibong naghahanap ng prey o biktima at nagtatago upang hindi mapansin. Kapag nakita na ang prey, tinatanto ng predator kung dapat itong salakayin. Ito ay kinasasangkutan ng pananambang o pagpupursiging pandaragit at binsan ay sinusundan ito. Kung matagumpay ang predator sa pagpatay ng prey, inaalis nito ang mga hindi makakain na bahagi ng katawan nito gaya ng shell at pagkatapos ay kakainin na ang biktima. Ang mga predator ay umangkop sa kapaligiran at nag-ebolb ng mga pandama gaya ng matalas na paningin, pandinig, pang-amoy. Ang karamihan ng mga hayop na predatoryo na parehong bertebrado at imbertebrado ay may mga matutulis na kalawit o panga at ngipin upang pumatay at lapain ang kanilang prey. Ang pandaragit ay may makapangyarihang epektibong selektibo at ang mga prey o biktima ay karaniwang nag-eebolb ng mga pag-aangkop na lalaban sa mga predator gaya ng mga kulay ng pagbabanta, mga pagtawag ng tulong at ibang mga senyas, pagbabalatkayo, mimikriya o pangongopya ng hitsura sa mga mahusay na nakakapatanggol sa sariling espesye gayundin ang mga pagtatanggol na espina at mga kemikal. Minsan, nalalaman ng mga predator at prey ang kanilang sarili sa labanang pang-ebolusyon na isang siklong pag-aangkop at kontra-pag-aangkop. Ang pandaragit ay isang pangunahing tagapagtulak ng proseso ng ebolusyon mula sa panahong Cambriano.

Solitaryong predator: Isang polar bear na kumakain ng bearded seal na pinatay nito.
Social predators: Ang mga langgam na meat ay natutulungan upang kainin ang isang cicada na mas malaki sa kanila.
Halamang karniboroso: Ang sundew na kumakain ng insekto
Pandaragit ng binhi: Isang[Aprikanong maliit na dagang pygmy na kumakain ng mga buto
mga Lobo na mga sosyal na predator ay nagtutulungan upang hantingin at patayin ang isang isang bison.
Ugnayan ng pandaragit sa ibang mga stratehiya sa paghahanap ng pagkain

Kapwa ebolusyon

baguhin
 
Ginagamit ng mga paniki ang ekolokasyon upang hantingin ang mga prey nitong mga moth sa gabi.

Ang mga predator at prey ay mga natural na magkaaway at karamihan sa kanilang ebolusyon at pag-aangkop ay upang salungatin ang bawat isa. Halimbawa, ang mga paniki ay nag-ebolb ng sopistikadong mga sistemang ekolokasyon upang matuntunan kung saan matutuklasan ang mga prey nito. Ang ilang mga insekto ay nag-ebolb ng iba't ibang mga paraan ng pagtatanggol sa sarili laban sa mga predator kabilang ang kakayahang marinig ang mga tawag na ekolokasyon..[1][2] Marami sa mga predator sa lupain gaya ng mga lobo ay nag-ebolb ng mga mahahabang hita bilang tugon sa tumaas na bilis ng kanilang mga prey.[3] Ang kanilang pag-aangkop ay isang labanan sa kung sino ang magwawagi sa isang koebolusyon ng dalawang espesye.[4] Sa pananaw ng ebolusyon na nakasentro sa gene, ang mga gene ng mga predator ay nagtutunggali para sa katawan ng prey.[4] Gayunpaman, ang prinsipyong "buhay-pagkain sa gabi" ni Richard Dawkins at Krebs at humuhula na ang labanang ito ay hindi pantay. Kapag nabigo ang predator na mabihag ang prey nito, mawawalan ito ng pagkain. Ngunit kung magwai, ang prey ay mamamatay.[4]

 
Ang Eastern coral snake na isa ring predator ay labis na makamandag upang mapatay ang mga predator na sasalakay dito kaya kapag naiiwasan nila ito, ang pag-aasal ay dapat namana at hindi natutunan.

Ang metaphor sa labanan ng pagwawagi ay nagpapahiwatig ng papataas na pagsulong sa pagsalakay at pagtatanggol. Gayunpaman, ang mga pag-aangkop na ito ay may gastos. Halimbawa, ang pagkakaroon ng mahahabang mga hita ay nagpapataas ng panganib sa pagkabali nito[5] samantalang ang espesyalisadong dila ng isang chameleon sa kakayahan nito na maging tulad ng projectile ay walang pakinabang sa pag-inom ng tubig kaya ang chameleon ay dapat makuha ito sa mga gulay.[6]

Ang pagiging hindi patay ng natural na seleksiyon ay nakasalalay sa pagmamanan ng mga katangiang pag-aangkop. Gayundin, kapag nawalan ng pagkain ang predator, ito ay mamamatay rin. Sa kabilang dako, ang gastos ng pagiging angkop ng isang nawalang pagkain ay hindi mahuhulaan dahil mabilis na makakahanap ang isang predator ng mas mabuting prey. Sa karagdagan, ang karamihan ng mga predator ay mga heneralista na nagbabawas sa epekto ng isang pag-aangkop ng prey sa isang predator. Dahil ang espesyalisasyon ay sanhi ng kopwa ebolusyon ng predator at prey, ang pagiging bihira ng mga espesyalista ay nagpapahiwatig na ang labanan sa pagwawagi ng predator at prey ay bihira. [6]

Mahirap na mtukoy kung ang ibinigay na pag-aangkop ay tunay na resulta ng kapwa ebolusyon kung saan ang pag-aangkop ng prey ay nagpapalitaw sa pag-aangkop ng predator na sinasalungat ng karagdagang pag-aangkop ng prey. Ang alternatibong paliwanag ang eskalasyon kung saan ang mga predator ay umaakop sa mga katunggali nito na kanilang mga mismong predator o mapanganib na prey.[7] Ang maliwanag na mga pag-aangkop sa pandaragit ay maaaring lumitaw mula sa ibang mga dahilan at kapwa napili sa pagsalakay o pagtatanggol. Sa ilang mga insektong prey ng mga paniki, ang mga prey na ito ay nag-ebol bago lumitaw ang mga paniki at ginamit ang mga ito upang marinig ang mga senyas na ginagamit sa pagtatanggol ng teritoryo at pakikipagtalik.[8] Ang kanilang pandinig ay nag-ebolb bilang tugon sa pandaragit ng paniki ngunit ang tanging maliwanag na halimbawa ng resiprokal na pag-aangkop sa mga paniki ang nakatagong ekolokasyon.[9]

Ang isang mas pantay na labanan sa pagwawagi ay nangyayari kapag ang prey ay mapanganib, may mga matutulis na espina, mga kamandag na magpapahamak sa predator nito. Ang predator ay tutugon sa pamamagitan ng pag-iwas na magtutulak naman sa ebolusyon ng mimikriya o pagkokopya ng hitsura. Ang pag-iwas ay hindi kinakailangang isang tugong pang-ebolusyonaryo dahil ito ay pangkahalatang natutunan mula sa mga malaing karanasan sa prey nito. Gayunpaman, kung may kakayahan ang prey na pumatay ng predator nito gaya ng ahas na koral dahil sa kamandag nito, may oportunidad sa pagkatuto at ang pag-iiwas ay dapat mamanahin. Ang mga predator ay tumutugon rin sa mga mapanganib na prey gamit ang mga kontra pag-aangkop. Ang halimbawa nito ang common garter snake na nag-ebolb ng resistensiya sa kamandag sa balat ng rough-skinned newt.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jacobs & Bastian 2017, p. 4
  2. Barbosa, Pedro; Castellanos, Ignacio (2005). Ecology of predator-prey interactions. Oxford University Press. p. 78. ISBN 9780199874545.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Janis, C. M.; Wilhelm, P. B. (1993). "Were there mammalian pursuit predators in the Tertiary? Dances with wolf avatars". Journal of Mammalian Evolution. 1 (2): 103–125. doi:10.1007/bf01041590. S2CID 22739360.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Dawkins, Richard; Krebs, J. R. (1979). "Arms races between and within species". Proceedings of the Royal Society B: Biological Sciences. 205 (1161): 489–511. Bibcode:1979RSPSB.205..489D. doi:10.1098/rspb.1979.0081. PMID 42057. S2CID 9695900.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Abrams, Peter A. (Nobyembre 1986). "Adaptive responses of predators to prey and prey to predators: The failure of the arms-race analogy". Evolution. 40 (6): 1229–1247. doi:10.1111/j.1558-5646.1986.tb05747.x. PMID 28563514. S2CID 27317468.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Brodie, Edmund D. (Hulyo 1999). "Predator-Prey Arms Races". BioScience. 49 (7): 557–568. doi:10.2307/1313476. JSTOR 1313476.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Vermeij, G J (Nobyembre 1994). "The Evolutionary Interaction Among Species: Selection, Escalation, and Coevolution". Annual Review of Ecology and Systematics. 25 (1): 219–236. doi:10.1146/annurev.es.25.110194.001251.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Jacobs & Bastian 2017, p. 8
  9. Jacobs & Bastian 2017, p. 107

Tingnan din

baguhin
  NODES
Project 1