Mesopotamya

(Idinirekta mula sa Mesopotamia)

Ang Mesopotamia (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persa na Miyanrudan "Lupain sa pagitan ng dalawang Ilog"; sa pangalang Arameo na Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Golpong Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Kaukasya sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.

Sinaunang
Mesopotamia
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve

Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging "Duyan ng Sibilisasyon". Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito ang mga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng malawak ng Mabungang Gasuklay - isang rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at angkop sa pagsasaka. Ito ay may hugis crescent ng buwan.[1].

Kontribusyon ng Mesopotamya

baguhin

Ang mga kontribusyon ng Mesopotamia ay may kinalaman sa paraan ng pagsulat, transportasyon at kalakalan, matematika, astronomiya, relihiyon, batas, at iba pa.

Pagsulat

baguhin

Ang mga manunulat o tagapagtala na Sumeryo ay lumikha ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Ito ang tinatayang pinakaunang pamamaraan ng pagsulat. Matulis na stylus ang ginagamit na panulat. Sa isang parisukat na tapyas ng malambot na luad ay umuukit sila ng larawan na sumasagisag sa mga kaisipan at mga pangyayaring naganap.

Pagkatapos, pinatutuyo ang mga ito at itinatago. Nakatala ang kasaysayan sa mga tapyas na mga batong ito (cuneiform tablet). Gumagamit ang mga mangangalakal ng tatak (seal) ng namimili, nagbebenta, at saksi. Ang mga selyo ng lagda (signature seal) na ginawa sa hugis cylinder ay inuukit sa bato at isinusuot ng may-ari na parang kwintas.

Matematika at Astronomiya

baguhin

Sa matematika, ang mga taga-Mesopotamya ang nagpakilala ng talaang multiplikasyon at dibisyon. Ipinapalagay na sila rin ang nagturo ng pagkalkula sa pamamagitan ng sugkisan o dyometri at pinagmulan ng kaisipang may 360 digri ang isang bilog at 60 minuto sa isang oras.

Isa sa pinaka matandang ulat ng astronomiya ay ginawa rin sa Mesopotamya. Itinala nila ang paiba-ibang posisyon ng mga planeta at iba-ibang yugto ng pag-ikot ng buwan. Hinati nila ang isang taon sa 12 buwan. At ang isang buwan sa 30 araw.

Transportasyon

baguhin

Sa paggamit nila ng gulong, napadali ang pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar. Maging ang paggamit ng layag sa paglalakbay-dagat ay pinangunahan din ng mga taga-Mesopotamya. Nakatulong ito sa kanilang kalakalan sa malayong lugar.

Relihiyon

baguhin

Naniniwala ang mga Sumerian sa maraming diyos---tinatawag itong politeismo. Bawat lungsod-estado ay itinuturing na pag-aari ng bawat diyos. Pinaniniwalaan nilang ang diyos ang pumipili ng pinuno at nangangalaga sa mga lungsod. Ang mga diyos ang nagdadala ng pagpapala at kalamidad tulad ng baha, taggutom, at iba pa. Ang mga Sumeryo ay nagsasagawang mga ritwal tulad ng pag-aalay at pasasalamat.

Ang mga ito ay nangangailangan ng dasal o pista. Si An o Anu ay diyos ng langit. Si Ki ang tagapagtanggol ng daigdig, at si Enlil ang nagdadala ng malalakas na hangin at ulan. Sina Inanna at Dumuzi ang pinagkalooban ng fertilidad.

Pinag-aralan naman ng mga pari ang ibig ipakahulugan ng mga panaginip at galaw ng mga bituin. Ayon sa kanila, ang mga ito ay may pahiwatig na galing sa diyos.

Naniniwala rin ang mga taga-Mesopotamya na may lugar sa ilalim ng lupa. Sa Epiko ng Gilgamesh, inilarawan ito bilang madilim na kweba kung saan alikabok at luad ang pagkain.

Sining

baguhin

Ang mga Sumeryo ay mahilig sa magagandang bagay. Ang mga manggagawaang may kasanayang gumawa ng alahas, kasangkapan sa bahay, at dekorasyon.

Ang musika ay isang kakayahan na kanilang napalawak at napaunlad. Ang mga instrumentong tulad ng harpa at lira ay ilan sa nagawa nila. Ang mga Sumeryo ay mayroon ding mga pipa, plauta, at pati na rin tamburin.

Ang pinakakilalang panitikan ng Sumeryo ay ang tulang epiko ni Gilgamesh. Si Gilgamesh ay isang hari sa Uruk.

Sa larangan ng batas, kinilala ang Kodigo ni Hammurabi. Sa bato na may taas na 2.44 na metro nakaukit ang batas ng kaharian. Si Hammurabi, pinuno ng Babilonya noong 17921750 BCE, ang nagpagawa ng mga batas. Naglalaman ito ng 285 na konstitusyon.

Ang batas ni Hammurabi ay may kaugnayan sa lahat na makaaapekto sa pamayanan, kasama na ang relihiyon, pamilya, kabuhayan, at krimen. Ang mga sumusunod na pahayag ay nakuha sa Kodigo ni Hammurabi:

  • "Kapag ang isang tao ay nagnakaw ng kapong baka (ox), tupa, baboy, o kambing na pag-aari ng estado, dapat bayaran niya ito ng 30 beses sa tunay na halaga nito. Kung ito naman ay pag-aari ng pribadong mamamayan, dapat bayaran niya ito ng 10 beses sa tunay nitong halaga. Kung ang nagnanakaw naman ay hindi kayang magbayad, parurusahan siya ng kamatayan…"
  • "Kapag ang isang tao ay masyadong tamad sa pag-aayos ng dike ng kanyang lupain, at pinabayaan niyang umagos ang tubig sa taniman o sa palayan na pag-aari ng ibang tao, dapat makalikha siya ng ani para sa mga naapektuhan niyang taniman…"
  • "Kapag nasira ng isang tao ang mata ng isang kasapi ng aristokrata, sisirain din ang kanyang mata…"
  • "Kapag tinanggal ng isang tao ang ngipin ng kapwa o kauri niya, tatanggalan din siya ng ngipin."

Sa paglalahat ng kodigo, ito ay pagpapahiwatig ng pagsunod sa batas o pagtanggap ng parusang nauukol sa paglabag.

Mga Sanggunian

baguhin
  NODES
dada 3
dada 3
Done 1
eth 1
games 3