Kapuluang Mariana

(Idinirekta mula sa Mga Pulo ng Marianas)

Ang Kapuluang Mariana (na tinatawag ding Marianas) ay isang kapuluan na nabuo mula sa tuktok ng 15 mga bulkanikong bundok sa Karagatang Pasipiko. Ito ang timogang bahagi ng isang cordillera o bulubundukin sa ilalim ng dagat na umaabot ng 2,519 km mula Guam hanggang sa malapit sa bansang Hapon. Ang Marianas ang pinaka-hilagang mga isla ng Micronesia. Ang sukat nito ay 1.026 km² at matatagpuan sa silangan ng Pilipinas at timog ng Hapon.

Mariana Islands
Heograpiya
LokasyonPacific Ocean
Mga koordinado16°37′N 145°37′E / 16.617°N 145.617°E / 16.617; 145.617
Pamamahala
United States
Hilagang Kapuluang Mariana (U.S.)
Guam (U.S.)

Sa usaping pampolitika, ang Guam (ang pinaka-timogang isla) ay isang teritoryong hindi inkorporado ng Estados Unidos, samantalang ang natitirang mga isla ng Marianas ay bahagi ng isang asosasyong tinatawag na Hilagang Kapuluang Mariana (Northern Mariana Islands), isang malayang estado ngunit asosyado at may kaugnayan sa Estados Unidos.

Kasaysayan

baguhin

Ang unang Europeo na nakakita sa kapuluang ito ay si Fernando Magallanes na noong 1521 ay lumapag sa isla ng Guam, inangkin ang mga isla para sa hari ng Espanya at bininyagan ang mga ito sa pangalang Islas de los Ladrones (Kapuluan ng mga Magnanakaw).

Nang lumapag si Magallanes sa Guam, ang mga katutubo ay nakikipagkalakalan na sa mga kalapit na isla nito kaya't, bagama't hindi pa sila nakakita ng taong europeo, ay inakala nilang kalakal din ang habol ng mga ito. Gamit ang maliliit na bangka, nilapitan ng mga katutubo ang mga barko ng dayuhan at nag-alok ng pagkain at tubig. Ayon sa kasaysayan ng mga chamorro (mga tubong Marianas), umasa silang mababayaran nila ang mga ito, lalo na ng nakita nilang yero sa mga barko ni Magallanes. Subalit, napansin ng mga europeo na mababait ang mga taga-pulong ito at naniwalang hindi umaasa ang mga ito ng kahit anong kabayaran sa kanilang hospitality at magiliw na pagtanggap. Nagalit bigla si Magallanes nang lihim na pinasok ng mga katutubo ang kanilang mga barko tangay ang ilang mga yero nito. Nilusob niya ang mga katutubo at pinatay ang ilan. Nilisan ng mga europeo ang isla at pinagpatuloy ang kanilang ekspedisyon.

Noong 1667, ganap na inangkin na ng Espanya ang mga islang ito at pinangalanan para sa reyna ng Espanya noon na si Mariana de Asturia, asawa ni Felipe IV. Pagkatapos ng Digmaang Espanyol-Amerikano, pinasa ng Espanya ang timogang pulo (Guam) sa Estados Unidos at binenta naman ang natitirang mga isla sa Alemanya noong 1899. Pagkatapos naman ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang mga hawak ng Aleman ay napapunta sa kontrol ng Hapon sa pamamagitan ng isang mandato ng Liga ng mga Bansa (League of Nations).

Sa kapuluan nangyari ang ilan sa mga labananan sa pagitan ng tropang amerikano at hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong 1944.

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 14