Michelangelo Buonarroti

(Idinirekta mula sa Michelangelo)

Si Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni (6 Marso 1475 - 18 Pebrero 1564), mas kilala bilang Michaelangelo lamang, ay isang manlililok, arkitekto, pintor, at manunula noong Renasimiyento.

Michelangelo
Portrait ni Michelangelo na gawa ni Daniele da Volterra
Kapanganakan
Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni

6 Marso 1475(1475-03-06)
Caprese malapit sa Arezzo, Republika ng Florence (kasalukuyang-araw Tuscany, Italya)
Kamatayan18 Pebrero 1564(1564-02-18) (edad 88)
Roma, Papal States (kasalukuyang-araw na Italya)
Kilala saPaglililok, pag-pinta, arkitektura, at tula
Kilalang gawa
KilusanMataas na Renasimiyento
Pirma

Naging kilala si Michelangelo sa paggawa ng fresco sa Kapilya ng Sistine, gayon din sa Huling Paghuhusga sa altar nito, at "Ang Pagkamartir ni San Pedro" at "Ang Pagbabagong-loob ni San Pablo" sa Cappella Paolina sa Batikano. Kabilang ang David at ang Piyeta, gayon din ang Birhen, Bacchus, Moises, Rachel, Leah, at kasapi ng pamilyang Medici sa kanyang mga eskultura. Dinisenyo rin niya simboryo ng Basilika ni San Pedro.

Natutunan ni Michelangelo ang sining sa pagpinta noong siya ay manirahan sa Florencia sa edad na labing-apat na taong gulang. Pinag-aralan niya ang sining na ito sa loob ng botega ni Domenico Ghirlandaio habang kinokopya ang mga gawa ng mga lumipas na tanyag na pintor ng Florencia gaya nina Giotto at Masaccio. Ang kanyang talento sa eskultura naman ay natutunan niya sa hardin ni Lorenzo il Magnifico kung saan maraming mga antikong estatwa. Unang nakilala si Michelangelo sa pag-imita ng mga antikong estatwa. At ng mamatay si Magnifico (1492) iniwan niya ang bayang pinanggalingan at nagpunta sa Venecia at Bologna kung saan natapos niya ang "Arco di San Domenico".

Sa Roma, si Michelangelo ay naanyayahan upang gawin ang isang proyekto na tinatawag na "Bacco"(Bacchus 1496-97). Nasundan naman kaagad ng isa pang proyekto na may bansag na "Pietà". Ito ay ginastusan ng isang kardinal na francès, si Jean Bilhères de Lagraulas, na may layuning ilagak ito sa parokya ni Santa Petronilla sa Roma subalit hindi ito nasunod at pagdaka ay napalipat sa Basilica ni San Pedro noong 1517. Ang "Pietà" ay ginawa ni Michelangelo noong 1498-1499. Isinasalarawan ng opera na ito ang Birheng Maria at ang mga labi ni Hesukristo sa kanyang kandungan. Ito ang nag-iisang opera ni Michelangelo na napirmahan niya, makikita sa nakabalagbag na tale sa dibdiban ng Birheng Maria.. Kapansin pansin na ang mukha ng dalawang simuno ay natural at walang halong pagkabagabag, kalma lalo na ang mukha ng Birhen, ito ay dahil sa alam niyang muling mabubuhay sa Hesus sa takdang panahon.

Noong 1501 napatawag si Michelangelo upang magbalik sa Florencia para sa isang bagong proyekto ang "David" para sa Simbahan ng Santa Maria del Fiore gamit ang isang bloke ng marmol na nagamit na ni Duccio (1418-1481). Si David ang tumalo kay Golayat kung kaya ito ang naging simbolo ng Florencia. Isinasalarawan nito ang pagkalaya ng mga mamamayang Florenciano mula sa kamay ng pamilya Medici.

Mga Kilalang Gawa ni Michelangelo

baguhin

Ang Banal na Pamilya (1504) Bilugang Kuadro na may diametrong 120 cm. Florencia sa Galleria degli Uffici

Isinasalarawan ang banal na pamilya. Sa unang palapag makikita si Maria na inaabot ang kanyang anak na si Hesus mula sa kanyang asawang si Jose. Sa kanan sa ikalawang palapag, makikita ang batang si San Juan na siyang magsasabi sa mga nasa likod na nakahubad (mga pagano) na si Hesus ay parating na. Sa bilugang kuadro naman sa ibaba ay may dalawang sibila (babaeng propeta o manghuhula ng hinaharap) sa tagiliran naman ng kuadro naroon ang dalawang propeta at sa ay si Hesukristo. Gaya ni Leonardo da Vinci, si Michelangelo ay gumagamit din ng mga katangian ng isang opera noong panahong iyon. Kapansin pansin unang-una ang hugis triangolo ng pamilya. Ang pagkakaupo ni Maria na kung tawagin ay torsione (ang pagkakabali ng katawan mula sa tamang posisyon). Makikita rin ang prospetiba atmosperika ( sa likuran iyong unti-unting paglalaho ng mga larawan) at panghuli ang matitingkad na kulay na ginamit ni Michelangelo ng sa ganun ay mabigyang buhay ang gawa. Ang operang ito ay ginastusan nina Agnolo Doni at Maddalena Strozzi para sa kanilang Kasal.

  NODES