Miss Universe Philippines

Ang Miss Universe Philippines ay isang patimpalak ng kagandahan at organisasyon na pumipili ng opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.[1]

The Miss Universe Philippines
Motto"Confident, beautiful, and empowered Filipinas"
PagkakabuoDisyembre 2019; 5 taon ang nakalipas (2019-12)
Uri
Punong tanggapanBonifacio Global City, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Kinaroroonan
Kasapihip
Miss Universe
Wikang opisyal
Franchise Holder
Empire Philippines Holdings, Inc.
National Director
Shamcey Supsup-Lee
Creative Director
Jonas Gaffud
Director of Communications
Voltaire Tayag
Websitewww.missuniverseph.com

Ang kasalukuyang Miss Universe Philippines ay si Celeste Cortesi ng Pasay na kinoronahan noong Abril 30, 2022 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.[2] Siya ang kumatawan sa bansang Pilipinas sa Miss Universe 2022 na naganap sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, Estados Unidos noong Enero 14, 2023, at hindi ito napabilang sa Top 16.

Kasaysayan

baguhin

Mula 1964 hanggang 2019, ang Binibining Pilipinas ang may hawak ng prangkisa para sa Miss Universe, kung saan responsable ito sa pagpili ng mga Pilipinang kakatawan sa Pilipinas at sasabak sa taunang Miss Universe pageant.[3] Sa ilalim ng Binibining Pilipinas, ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant ay kinoronahan sa ilalim ng titulong Binibining Pilipinas mula 1964 hanggang 1971, at Binibining Pilipinas-Universe mula 1974 hanggang 2011.[4] Noong 2012, pinalitan ang titulong Binibining Pilipinas Universe sa Miss Universe Philippines. Unang ibinigay ang titulo kay Janine Tugonon noong Binibining Pilipinas 2012, at simula noon, taon-taong ibinibigay ang titulo sa nagwagi sa kompetisyon.[5]

Noong Disyembre 2019, opisyal na ipinagkaloob ang prangkisa ng Miss Universe sa Pilipinas sa isang bagong organisasyon kasama ang Binibining Pilipinas-Universe 2011 at Miss Universe 2011 3rd runner-Up na si Shamcey Supsup-Lee bilang pambansang direktor at ang Binibining Pilipinas-Universe 2006 na si Lia Andrea Ramos bilang Women Empowerment Chair, na nagbibigay daan para sa paglikha ng bagong Miss Universe Philippines Organization. Sa ilalim ng bagong organisasyon, isang hiwalay na pageant ang responsable para sa pagpili ng mga kokoronahan bilang Miss Universe Philippines mula noong taong 2020.[6]

Kompetisyon

baguhin
Organisasyon ng Miss Universe Philippines
Lupon ng mga Direktor
Posisyon Direktor
Pambansang Direktor Shamcey Supsup-Lee
Creative Director Jonas Gaffud
Pinuno ng Women Empowerment & Charity Lia Andrea Ramos
Pinuno ng Legal Affairs Nad Bronce
Pinuno ng Design Council Albert Andrada
Pinuno ng Business Development & Marketing Mario Garcia
Direktor ng Komunikasyon Voltaire Tayag
National Search Consultant Magdalena Cue
Tagapayo Jackie C. Aquino
Tagapayo Joee Guilas
Tagapayo Robby Carmona
Tagapayo P.Y. Cuanan
Tagapayo Mafae Yunon-Belasco
Tagapayo Margarita Gutierrez

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

2020-2024

baguhin

Noong 25 Enero 2020, inilunsad ng Miss Universe Philippines Organization ang Accredited Partner Programme, kung saan maaaring magpadala ng isang kandidata ang bawat lalawigan at lungsod sa pamamagitan ng isang accredited partner.[7][8] Tinatanggap pa rin ang mga walk-in na kandidata na siyang dadaan sa final screening. Ang mga kandidatang nakapasok sa final screening ay kukupkupin ng isang accredited partner bilang kandidata ng isang lokalidad.[7][9] Ginamit pa rin ang Accredited Partner Programme sa mga sumunod na edisyon, ngunit hindi na ito gaanong isinakatuparan. Noong 14 Hulyo 2021, isang bagong pormat ang inilunsad ng organisasyon kung saan isang-daang kandidata ang sasabak sa iba't-ibang mga hamon kung saan ang mga ito ay mababawasan mula sa pitumpu't-lima, limampu, at hanggang sa tatlumpu na lamang ang matitira. Ang tatlumpung kandidata lamang ang lumahok sa paunang kompetisyon at sa gabi ng koronasyon. Kaparehas din ang nangyari sa sumunod na taon kung saan limampu kandidata ang napili upang sumabak sa iba't-ibang hamon upang matukoy ang tatlumpu't-dalawang kandidata na magpapatuloy sa pinal na kompetisyon.

Tinanggal ang ganitong klase ng eliminasyon noong 2023 kung saan lahat ng apatnapung kandidatang inanunsyo ay siyang didiretso na rin sa pinal na kompetisyon. Sa kaparehong edisyon din unang tinanggap ang mga ina, at mga babaeng kasal na upang lumahok sa kompetisyon.

Ilang pagbabago sa pagpili ng mga kandidata ang inanunsyo noong 11 Abril 2023 sa isang press presentation para sa Miss Universe Philippines na ginanap sa Marquis Events Hall sa Taguig. Ipinakilala sa kaganapang ito ang bagong Accredited Partners Program kung saan iba't-ibang mga accredited partner mula sa iba't-ibang mga lokalidad sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang mabibigyan ng prangkisa upang magsagawa ng kanilang lokal na Miss Universe Philippines pageant. Ang magwawagi sa lokal na kompetisyon ay awtomatikong magiging kandidata sa Miss Universe Philippines.[10][11] Ito ay kaiba sa Associated Partners Program na inilunsad noong 2020 kung saan tumatanggap dadaan pa sa isang final screening ang mga kandidatang kinoronahan o niluklok ng mga Associated Partner.[12]

Bukod pa rito, noong Setyembre 2023, sa kasagsagan ng Tanner Fletcher show sa New York Fashion Week, inanunsyo ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel na napagdesisyunan ng Miss Universe Organization na tanggalin na ang age restriction para sa mga kandidatang edad 18 pataas simula sa ika-73 edisyon ng Miss Universe.[13][14] Dahil dito, maaari na ring lumahok ang mga kandidatang edad 18 pataas sa Miss Universe Philippines.

Mga korona

baguhin
  • Filipina (2020-2021) - Angkop na pinangalanan bilang Filipina, isang pambabaeng anyo ng salitang "Filipino", ang korona ay ginawa ng pamilyang Villarica mula sa Bulacan, isang sikat na pamilyang Pilipino ng mga alahero na kilala sa kanilang sikat na Villarica Pawnshop Chain. Ang mga elemento ng korona ay sumasalamin sa mga katangian, adhikain, pagpapahalaga, at simbolo ng mga Pilipino.
  • La Mer en Majesté (2022-) - Angkop na isinalin na "The Sea in Majesty", ang korona ay nagbibigay pugay sa kanyang kamahalan, ang dagat, dahil siya ang reyna ng mga elemento.

Mga may hawak ng titulo

baguhin
Taon Lokalidad Kandidata Edad[a] Pagkakalagay Mga espesyal na parangal
2020 Lungsod ng Iloilo Rabiya Mateo[15][16] 24 Top 21
2021 Lungsod ng Cebu Beatrice Luigi Gomez[17][18] 26 Top 5
2022 Pasay Silvia Celeste Cortesi[19][20] 25
2023 Makati Michelle Daniella Dee[21][22] 28 Top 10
  • Best National Costume
  • Voice For Change (Gold Winner)
  • Spirit of Carnival Award
  • Fan Vote Winner
2024 Bulacan Chelsea Anne Manalo[23] 24 iaanunsyo

Galeriya ng mga nagwagi

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "New Miss Universe Philippines pageant launches 2020 search". ABS-CBN News. 16 Disyembre 2019. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pasay's Celeste Cortesi is Miss Universe Philippines 2022". Rappler. 30 Abril 2022. Nakuha noong 30 Abril 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "LOOK BACK: The Binibining Pilipinas legacy through the decades". Rappler. Disyembre 11, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 12, 2020. Nakuha noong Nobyembre 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Miss Universe Philippines crown no longer with Binibining Pilipinas". Rappler. Disyembre 9, 2019. Nakuha noong Disyembre 10, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Last year's runner-up crowned 2012 Bb Pilipinas Universe". Rappler. Abril 15, 2012. Nakuha noong Setyembre 1, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "Shamcey Supsup to lead 'fresh' Miss Universe PH organization". ABS-CBN News. Disyembre 9, 2019. Nakuha noong Setyembre 1, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Now, Provinces and Highly Urbanized Cities Can Send Official Representatives to Miss Universe Philippines Through Accredited Partners". Miss Universe Philippines (sa wikang Ingles). 25 Enero 2020. Nakuha noong 4 Pebrero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Facebook.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Villano, Alexa (30 Enero 2020). "What you need to know about the Miss Universe Philippines Organization". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Pebrero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Miss Universe Philippines wraps up final screening for candidates". The Filipino Times (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2020. Nakuha noong 4 Pebrero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Adina, Armin P. (12 Abril 2023). "Miss Universe Philippines introduces new partnership programs". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Adina, Armin P. (16 Agosto 2023). "No more screenings for 2024 Miss Universe PH pageant". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "LOOK: Miss Universe Philippines shares photo of beauty queen hopefuls during final screening". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2020. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Carballo, Charlie (12 Setyembre 2023). "Exclusive: Miss Universe R'Bonney Gabriel Announces the End of Age Restrictions for the Miss Universe Pageant at Tanner Fletcher's NYFW Show". Women's Wear Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Alpad, Christina (13 Setyembre 2023). "Miss Universe pageant to remove age limit beginning 2024". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Rabiya Mateo ends Miss Universe journey". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Mayo 17, 2021. Nakuha noong Setyembre 1, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. "Rabiya Mateo concludes Miss Universe 2020 journey in top 21". Rappler (sa wikang Ingles). 2021-05-17. Nakuha noong 2022-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Beatrice Luigi Gomez bows out in the Top 5 of Miss Universe, fails to make Top 3". GMA Network (sa wikang Ingles). 2021-05-17. Nakuha noong 2021-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Lachica, Immae (2021-12-13). "Bea Gomez makes MU mark, ends in the top 5 with Pintados-inspired evening gown". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Pasay's Celeste Cortesi is Miss Universe Philippines 2022". Rappler (sa wikang Ingles). Abril 30, 2022. Nakuha noong Abril 30, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Philippines' Celeste Cortesi finishes Miss Universe 2022 journey early". Rappler (sa wikang Ingles). 2023-01-15. Nakuha noong 2023-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Adina, Armin P. (2023-05-14). "Michelle Dee of Makati crowned Miss Universe Philippines 2023". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Requintina, Robert (2023-11-19). "PH bet Michelle Dee ends Miss Universe 2023 journey in the Top 10". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Iglesias, Iza (23 Mayo 2024). "Bulacan's Chelsea Anne Manalo wins Miss Universe Philippines 2024". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin
  NODES