Ubo

(Idinirekta mula sa Pag-ubo)

Ang ubo (Kastila: tos, Pranses: toux, Aleman: Husten, Ingles: cough) ay isang uri ng sintomas ng pagkakaroon ng karamdaman. Nagaganap ang pag-ubo kapag kailangang mayroong ilabas ang katawan ng mga partikulo ng dumi o mga partikulong dayuhan na napupunta sa mga baga, na maaaring ihambing sa pagbahing (pag-atsing), na isa pang proseso ng pagpapalabas ng dumi mula sa katawan. Karaniwang kasama ng ubo ang sipon na dulot ng birus.[1]

Ubo
Isang batang lalaki na umuubo dahil sa pertussis o tuspirina (whooping cough o "ubong pahiyaw").
ICD-10R05.
ICD-9786.2
DiseasesDB17149
MedlinePlus003072
eMedicineENT/1048560

Mga bagay na nakapagpapaubo

baguhin

Kabilang sa mga dumi na nakapagpapaubo ang usok, alikabok; maliliit na mga organismong katulad ng mga mikrobyo, birus, o bakterya; at mga piraso ng pagkain. Kapag ang ubo, kasama na ang sipon, ay kinapilingan ng lagnat at plemang lunti o dilaw ang kulay, maaaring ang sintomas ay dahil sa bakterya. Ang iba pang mga sanhi ng ubo ay ang alerhiya na nagsasanhi ng hika (asthma) at ang pagkakaroon ng tuberkulosis (TB).[1]

Mga gamot sa ubo

baguhin

Isang karaniwang lunas o pambawas ng pag-ubo ay ang pag-inom ng mga gamot sa ubo, katulad ng sirup na panlaban sa ubo o pambawas ng pag-ubo (cough syrup). Nakakatulong din ang pag-inom ng maraming tubig, ang pag-inom ng salabat, at pag-inom ng katas ng lagundi o iba pang may pagpapatunay na ligtas na mga gamot na gawa mula sa mga halaman. Maaaring magreseta ang manggagamot ng antibiyotiko, na karaniwang dapat inumin nang pitong mga araw, kung ang ubo ay napag-alamang dahil sa bakterya. Maaaring eksreyin muna ang baga ng pasyente bago magreseta ang duktor ng naaangkop na gamot para sa ubo.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 UBO (COUGH) ([1]), KALUSUGAN PH
  NODES
Done 1