Ang isang paglapag sa buwan ay ang pagdating ng isang sasakyang pangkalawakan sa ibabaw ng Buwan. Kabilang dito ang mga misyong pangkalawakan na mayroong lulang tao at iyong mga walang sakay na tao o robotiko (mayroong sakay na robot). Ang unang bagay na gawa ng tao na nakarating sa ibabaw ng Buwan ay ang misyong Luna 2 ng Unyong Sobyet noong Setyembre 13, 1959.[1]

Ang Apollo 11 ng Estados Unidos ay ang unang misyon na lumapag sa Buwan noong Hulyo 20, 1969.[2] Nagkaroon na ng anim na mga paglapag sa buwan na mayroong kasamang tao ang Estados Unidos (sa pagitan ng 1969 at ng 1972) at maraming mga paglapag na walang lulang mga tao, bagaman walang mga banayad na mga paglapag na naganap magmula noong 1976.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Luna 2". NASA–NSSDC.
  2. NASA Apollo 11 40th anniversary.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 6