Sa batas, ang paglilitis (Ingles: trial) ay nangyayari kung ang mga partido sa isang alitan ay naghaharap upang magpresenta ng mga impormasyon sa anyo ng ebidensiya sa isang tribunal na isang pormal na lugar na may kapangyarihan upang pakinggan at ayusin ang mga pag-aangkin o alitan. Ang isang uri ng tribunal ang korte. Ang tribunal na maaaring mangyari sa harap ng isang hukom, jury o ibang itinakdang tagalitis ay naglalayon na makamit ang isang resolusyon sa isang alitan. Kung ang paglilitis ay isinasagawa sa harap ng grupo ng mga hurado na miyembro ng komunidad, ito ay tinatawag na jury trial. Kung ang paglilitis ay inasagawa sa harap ng hukom lamang, ito ay tinatawag na bench trial.

Mga uri

baguhin

Paglilitis kriminal

baguhin

Ang isang paglilitis kriminal ay nilikha upang ayusin ang mga akusasyon na karaniwan ay ng pamahalaan laban sa isang taong inakusahan ng krimen. Sa mga karaniwang sistema ng batas, ang karamihan sa mga kriminal na nasasakdal(defendant) ay may karapatan na magkaroon ng paglilitis sa harap ng isang hurado. Dahil sa ang estado ay nagtatangkang gamitin ang kapangyarihan nito upang alisin sa akusado ang buhay, kalayaan at pag-aari, ang mga karapatan ng isang akusado na ibinibigay sa mga kriminal na nasasakdal ay tipikal na malawak. Ang mga patakan ng pamamaraang kriminal ay nagbibigay ng mga patakaran sa mga paglilitis kriminal.

Paglilitis sibil

baguhin

Ang isang paglilitis sibi ay, sa pangkalahatan, isinasagawa upang ayusin ang mga demanda o mga pag-aangking sibil na hindi kriminal na alitan. Sa ibang mga bansa, ang pamahalaan ay maaaring parehong magdemanda(sue) at idemanda sa isang kakayahang sibil. Ang mga patakaran ng pamamaraang sibil ay nagbibigay ng mga patakaran para sa mga paglilitis sibil.

Mga anyo

baguhin
  • Sistemang adbersarial: Sa mga karaniwang sistema ng batas, ang adbersarial o paraang pag-aakusa ay ginagamit upang pagpasyahan ang pagkakasala o inosensiya ng isang isinasakdal. Ang asumpsiyon ay ang katotohanan ay mas malamang na lumabas sa pamamagitan ng isang bukas na paligsahan sa pagitan ng prosekusyon at ng depensa sa pagpapakita ng mga ebidensiya at pagsasalungat ng mga legal na argumento kung saan ang hukom ay nagsisilbing neutral na referee at tagapagpasya(arbiter) ng batas. Sa ilang mga hurisdiksiyon sa mga kasong mabigat, ang isang hurado(jury) ang nagsisilbing tagatukoy ng mga katotohanan. Ang paraang ito ay nagpapasiklab ng mga isyu kung saan ang bawat katunggali ay umaasal sa sarili nitong interes kaya ang pagpapakita ng mga katotohanan(fact) at mga interpretasyon ng batas ay sadyang may kinikilingan(biased). Ang intensiyon ay sa pamamagitan ng argumento at kontra-argumento, eksaminasyon-sa-pangunahin at eksaminasyong-krus(cross examination), ang bawat panig ay susubok sa katotohanan, kahalagahan at kasapatan ng mga ebidensiya ng katunggali at ng mga argumento nito. Upang mapanatili ang pagiging patas, mayroong presumpsiyon(pagpapalagay) ng pagka-inosente ang isinasakdal at ang bigat ng pagpapatunay(burden of proof) ay nakasalalay sa prosekusyon. Ang mga kritiko ng sistemang ito ay nangangatwirang ang pagnanais na manalo ay mas mahalaga para sa mga partido kesa sa paghahanap ng katotohanan. Sa karagdagan, ang mga resulta ay maaaring maapektuhan ng mga kawalan ng kapantayan ng mga estruktura. Ang mga nasasakdal(defendant) na mas maraming mapagkukunan ay may kakayahang umupa ng pinakamagagaling na mga abogado. Ang ilang mga paglilitis ay o naging buod(summary o mas mabilis) dahil sa ang ilang pagtatanong ng ebidensiya ay nalutas na.
  • Inkisitorial: Sa mga sistemang batas na sibil, ang responsibilidad sa pangangasiwa ng imbestigasyon ng pulis kung ang isang krimen ay nagawa ay mahuhulog sa pagsusuri ng mahistrado o hukom na magsasagawa ng paglilitis. Ang asumpsiyon ay ang katotohanan ay mas lilitaw mula sa imparsiyal(walang kinikilingan) at masusing imbestigasyon sa parehong bago pagsasagawa at habang isinasagawa ang paglilitis. Ang nagsusuring mahistrado o hukom ay umaasal bilang inkisitor na nangangasiwa sa proseso ng pagtitipon ng katotohanan sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga saksi, pagtatanong sa suspek at pagtitipon ng iba pang mga ebidensiya. Ang mga abogado na kumakatawan sa interes ng estado at ang mga abogado ng akusado ay may limitadong tungkulin sa pagpapakita ng mga legal na agumento at alternatibong mga interpretasyon sa mga katotohanan habang isinasagawa ang paglilitis. Ang lahat ng mga interesadong mga partido ay inaasahang makikipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng mahistrado o hukom at kung hihilingin ay pagsusuplay ng mga mahahalagang ebidensiya. Ang paglilitis ay magaganap lamang pagkatapos matipon ang lahat ng mga ebidensiya at ang imbestigasyon ay nakumpleto. Dahil dito, ang karamihan sa mga kawalang katiyakahan sa mga katotohan ay nalutas na at ang nagsusuring mahistrado o hukom ay makakapagpasya na may prima facie ng pagkakasala ang akusado. Ang mga kritiko ng sistemang ito ay nangangatwirang ang nagsusuring mahistrado o hukom ay may labis na kapangyarihan dahil sa kakayahan ng parehong pag-iimbestiga at pagpapasya sa mga merito(merits) ng kaso. Bagaman ang mga hindi propesyonal na tagasisyat ay umuupo bilang hurado upang magbigay ng payo sa mahistrado o hukom sa konklusyon(pagtatapos) ng paglilitis, ang kanilang tungkulin ay subordinato(nagpapasakop). Sa karagdagan, dahil ang isang propesyonal ay inatasan sa lahat ng mga aspeto ng kaso hanggang sa pagwawakas ng paglilitis, kaunti lamang ang mga oportunidad upang i-apela ang kumbiksiyon sa pag-aakusa ng kamalian sa pamamaran.

Maling paglilitis(Mistrial)

baguhin

Ang isang hukom ay may kakayahang ikansela o ipawalang bisa ang paglilitis bago makuha ang hatol. Sa wikang legal, ito ay tinatawag na mistrial. Ang isang hukom ay maaaring maghayag ng maling paglilitis dahil sa:

  • Ang korteng nagsusuri ay walang huridiksiyon sa kaso
  • Ang ebidensiya ay ipinapasok ng hindi angkop
  • Hindi nararapat ng pag-aasal ng isang partido, hurado(juror) o panlabas na aktor kung pinipigilan nito ang angkop na proseso(due process)
  • Diskwalipikasyon ng isang hurado pagkatapos ng pagtatala ng mga hurado kung walang kahaliling hurado at ang mga partido sa demanda ay ayaw mapagtuloy sa mga natitirang mga hurado.

Ang pagdedeklara ng maling paglilitis ay nangangahulugang ang korte ay dapat magsagawa muli ng paglilitis sa parehong paksa. Ang isang mahalagang eksepsiyon ay nangyayari sa mga kriminal na kaso sa Estados Unidos. Kung ang korte ay maling nagdeklara ng maling paglilitis o kung ang maling pag-aasal ng prosekusyon ay pumwersa sa isang nasasakdal na humiling ng maling paglilitis, ang konstitusyonal na proteksiyon ng Estados Unidos laban sa dobleng panganib(double jeopardy) ay nagpipigil sa anumang muling paglilitis.

  NODES
os 16