Pakikidigmang gerilya

(Idinirekta mula sa Pakikibakang gerilya)

Ang isang gerilya (Kastila: guerrilla) ay isang sibilyan na nanglulusob ng isang regular na hukbong panlupa. Kapag inatake ng mga sibilyan ang mga kapwa sibilyan, karaniwan itong tinatawag na terorismo. Kapag dalawa o mas marami pang mga hukbo ng mga sundalong panlupa (na kumakatawan sa mga bansa) ang sumalakay sa isa't isa, isa na itong digmaan. Ang gerilya ay isang salitang nagmula sa wikang Kastila na may kahulugang "maliit na digmaan".

Ang pakikidigma ng gerilya (Ingles: guerrilla warfare) ay isang uri ng digmaan o pakikidigma kung kailan ang mga taong tinatawag na mga gerilyero (mga Kastila: guerrillero) ay ginagamit ang lupain at heograpiya bilang isang pakinabang laban sa isang organisadong hukbong panlupa. Kung minsan ang digmaang gerilya ay isinasagawa mula sa mga masusukal na mga pook na katulad ng mga kagubatan. Sa karaniwan, ang hukbong ito ay sumasalakay sa isang teritoryo.

Samakatuwid ang pakikibakang gerilya ay isang uri o anyo ng digmaang iregular kung kailan ang isang maliit na pangkat ng mga mandirigma o mga nakikipaglaban na kinabibilangan, subalit hindi nakahangga lamang sa, mga sibilyang armado o mayroong mga sandata (mga "iregular") na gumagamit ng mga taktikang militar, katulad ng mga panggugulat o pagsusorpresa katulad ng mga pagtambang (mga ambush), sabotahe (pamiminsala), mga raid (biglaan at hindi inaasahang pagsalakay at panloloob), maliit na digmaan, at ekstraordinaryong mobilidad (pagkilos) upang mapangingibabawan ang isang mas malaki at hindi gaanong magalaw na hukbong panlupang tradisyunal, o pagsalakay sa isang mahinang puntirya, at halos lumilisan o umaalis kaagad pagkatapos ng nagawang pag-atake.

Ang ganitong uri ng taktikang pandigmaan ay ginamit ng mga Amerikanong Katutubo laban sa mga Britaniko. Nagkaroon ng kalamangan ang mga katutubo dahil gumamit sila ng pakikidigmang gerilya. Ginamit din ang taktikang ito ng pakikidigma laban sa mga Amerikano noong panahon ng Digmaan sa Biyetnam.

Etimolohiya

baguhin

Ang katagang "gerilya" ay may kahulugang "maliit na digmaan" sa wikang Kastila, at ang salitang guerrilla (pagbigkas sa wikang Kastila: [geˈriʎa]), ay dating ginamit upang ilarawan ang diwang ito magmula noong ika-18 daantaon, at maaaring mas maaga pa. Sa tamang paggamit sa wikang Kastila, ang isang tao na kasapi sa isang guerrilla ay isang guerrillero ([geriˈʎeɾo]) (ang gerilyero) kapag lalaki, o isang guerrillera (ang gerilyera) kapag babae.

Ang katagang "guerrilla" ay ginamit sa wikang Ingles magmula noong 1809 bilang paglalarawan ng mga nakikipaglaban, at ang kanilang anyo katulad ng pagdaramit. Subalit, sa karamihan ng mga wika, ang guerrilla ay nagpapakahulugan pa rin ng partikular na estilo ng pakikipagdigma o pakikipaglaban. Ang paggamit ng diminutibo (kauntian) ay nagpupukaw ng kaiban sa bilang, lawak, at sakop sa pagitan ng hukbo ng gerilya at ng pormal at prupesyunal na hukbong panlupa ng estado.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 5