Mga nangungunang bansa na nag-aani ng pampalasa (sa metriko tonelada)
Ranggo Bansa 2010 2011
1 Indya 1,474,900 1,525,000
2 Bangladesh 128,517 139,775
3 Turkiya 107,000 113,783
4 Tsina 90,000 95,890
5 Pakistan 53,647 53,620
6 Iran 18,028 21,307
7 Nepal 20,360 20,905
8 Kolombya 16,998 19,378
9 Etiyopiya 27,122 17,905
10 Sri Lanka 8,293 8,438
Mundo 1,995,523 2,063,472
Sanggunian: UN FAO[1]

Sa sining-pagluluto, ang pampalasa (Ingles: spice) ay tuyong buto, bunga, ugat, banakal o kahit na anumang gawa sa gulay ginagamit nang may nalaang dami bilang panagdag para pampalasa, kulay, o isang pampatagal ng pagkain na pumapatay ng mga bakterya o tumutulong sa pagpigil sa pagtubo nito.[2]

Ginagamit ang mga rekado sa panggagamot, mga ritwal panrelihiyon, pampaganda, pabango o bilang pagkain bilang gulay. Halimbawa, ginagamit ang luyang-dilaw para pamapatagal ng pagkain; ang anis bilang pang-medisina; ang bawang bilang gulay. Sa ibang pagkakataon, may iba't-ibang silang pangalan. Kadalasang inuuri sila sa pampapalasa, butong pampalasa, ay mga kategoryang yerba.[3] Halimbawa, karaniwang ginagamit ang baynilya bilang sangkap sa pagmamanupaktura ng pabango.[4] Hindi tinuturing na pampalasa ang mga pampatamis mula sa halaman tulad ng asukal.

Sa kusina, may ibang ibig-sabihin ang mga damong-gamot o yerba sa mga rekado, na madahon, kulay luntian na halaman na ginagamit bilang panlasa. Maaaring gamitin ng hilaw ang mga yerbang tulad ng albahaka o oregano, at madalas na kinukutsilyo sa mas maliliit na piraso. Sa kabilang banda, pinapatuyo ang mga rekado at madalas na ginagawang pulbura. Maaaring gamiting bilang buo o bilang pulbura ang mga malilit na buto, tulad ng haras at buto ng mustasa.

Mga ibat-ibang klase ng rekado

Walang sapat na ebidensyang pangklinika upang ipahiwatig na nakakaapekto ang pagkain ng mga pampalasa sa kalusugan ng tao.[5]

Nag-aambag ang Indya sa to 75% ng pandaigdigang produksyon ng pampalasa.[6] Sumasalim ito sa kalinangan nila sa pamamagitan ng kanilang lutuin. Sa kasaysayan, umunlad ang kalakalan ng pampalasa sa buong subkontinenteng Indiyo gayon din sa Silangang Asya at Gitnang Silangan. Ang pangangailangan ng Europa para sa mga pampalasa ang isa sa mga kadahilanang pang-ekonomiya at pangkalinangan na himimok sa eksplorasyon noong maagang makabagong panahon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Production of Spice by countries" (sa wikang Ingles). UN Food & Agriculture Organization. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2011. Nakuha noong Disyembre 20, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Food Bacteria-Spice Survey Shows Why Some Cultures Like It Hot". ScienceDaily (sa wikang Ingles). 5 Marso 1998.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Spice and herb | Types, Uses, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2024-03-08. Nakuha noong 2024-04-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ahmad, Hafsa; Khera, Rasheed Ahmad; Hanif, Muhammad Asif; Ayub, Muhammad Adnan; Jilani, Muhammad Idrees (2020). "Vanilla". Medicinal Plants of South Asia (sa wikang Ingles). pp. 657–669. doi:10.1016/B978-0-08-102659-5.00048-3. ISBN 978-0-08-102659-5. S2CID 241855294.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Vázquez-Fresno, Rosa; Rosana, Albert Remus R.; Sajed, Tanvir; atbp. (22 Mayo 2019). "Herbs and Spices - Biomarkers of Intake Based on Human Intervention Studies – A Systematic Review". Genes and Nutrition (sa wikang Ingles). 14 (18): 18. doi:10.1186/s12263-019-0636-8. PMC 6532192. PMID 31143299.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Spices Board". www.indianspices.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
Done 1
News 1